Flames Series 3
Save Me from the Dark
"Amor"
By...emzalbino"Trixie ikaw na nga ba iyan? I can't believe it but im happy for you na nakikita ko sa hitsura mo ang kapayapaan ng iyong kalooban!" masayang wika ni Amor saka mulu niyang niyakap ng mahigpit ang dalaga na ngayon ay isa ng tagasilbi sa simbahan.
"Gusto kong magsilbi sa Panginoon upang bigyang kapayapaan ang aking isipan at para narin makatulong sa aking kapwa na kahit sa ganitong paraan ay maipakita ko at maipadama ko ang aking pagmamahal sa mga taong nangangailangan ng isang pagmamahal na gaya ko noon at maswerte parin dahil naranasan ko kung papaano mahalin at naranasan ko ang mayakap ng mga magulang kahit na hindi ako galing sa kanila at least itinuring nila akong isang tunay na anak" sisingjot singhot na saad ni Trixie.
"Pinag isipan mo ba ng mabuti ang desisyon mong ito? Hindi mo ba pinangarap na magkaroon ng pamilya, ang magkaroon ng anak at asawa na makakasama mo sa habang buhay?" ani Amor ngunit ngumiti lang si Trixie.
"Pinag isipan ko ito ng maraming beses Amor, at gaya ng sinabi mo ay gusto ko ring magkaroon ng pamilya kaya ito ang pinili ko dahil sa bahay ampunan ay siyang magiging bahay ko at maraming nagmamahal sa akin doon na nangangailangan din ang aking pagkalinga. Masaya ako sa naging pasya ko, kahit na hindi ko kadugo ang mga bata at mga taong naroroon ay ramdam ko na mahal nila ako dahil ang bawat matatamis nilang mga ngiti at malulutong na halakhak habang ako'y nakikipaglaruan sa kanila minsan ay parang lumulundag sa saya ang aking puso kaya sabi ko sa sarili ko na sa bahay ampunan na iyon ang tunay kong tahanan dahil doon ko natagpuan ang tunay na kasiyahan. At sabi nga nila na babalik at babalik ka sa dating lugar kung saan ka nanggaling, kaya heto ako ngayon at mas pinipili ko ang manilbihan sa kapwa ko at ipadama sa mga batang nangangailangan ang aking pagmamahal at pagkalinga sa kanila at sa maniwala ka at hindi Amor, gumaan ang aking kalooban sa muli kong pagbabalik sa dati kong lugar at hinding hindi ko pagsisisihan ang aking naging desisyon dahil ito ay bukal sa aking puso" lumuluhang pahayag ni Trixie.
"Masayang masaya ako Trixie at namulat ang iyong mga mata sa katotohanan at kabutihan, nawa'y matupad ang lahat ng iyong mithiin sister Trixie at ipagdaral ko sa Panginoon ang iyong tagumpay at hinihingi ko rin ang pagbabasbas mo sa nalalapit naming kasal ni Kael at sana ay makadalo ka" madamdaming sabi ni Amor.
"Salamat Amor ngunit ikinalulungkot ko na hindi ako makakadalo dahil sa susunod na araw ay may dadaluhan kaming feeding program sa Baguio at pagkatapos noon ay bi biyahe kami ng Ilocos at mga isang linggo kami siguro roon. Dadalawin ko nalang kayo pag nakabalik na kami dito sa Maynila at hangad ko ang inyong kaligayahan at binabati ko rin kayo at nawa'y maging masaya kayo habang buhay at pakamamahalin ang isa't isa" saad ni Trixie saka muling nagyakapan ang dalawa at muli ay napahagulgol silang pareho.
"Salamat sister Trixie at aasahan ko ang iyong pagdalaw sa amin, hihintayin kita sa iyong pagbabalik" luhaang sabi ni Amor ngunit nakangiti ito.
Ilang madamdaming sandali pa ang nakalipas at nagpaalam na si sister Trixie at inihatid naman ni Amor sa labas ng gate at habang pinagmamasdan ni Amor ang sasakyang kinalululanan ni Trixie ay hindi napigilan ni Amor ang muling pagbalong ng kanyang luha.
"Thanks God dahil muli mong binuksan ang kanyang isipan at mga mata. Nawa'y gabayan Niyo si sister Trixie na magampanan niyang mabuti ang kanyang tungkulin at mahanap niya ang tunay na kaligayahan sa piling ng bago niyang pamilya at kitang kita ko sa kanyang mga mata ang kasiyahan at dedikasyon sa naging pasya niya sa kanyang buhay" ani Amor saka tahimik na pumasok ng gate at huminga ng malalim upang pakawalan ang mga nakabaon na bigat ng dibdib sa nakaraan at ngayon na ang tamang panahon upang magsimulang muli sa kanyang buhay kasama ang kanyang lalaking mapapangasawa at ama ng kanilang baby.