Flames Series 3
Save Me from the Dark
"Amor"
By...emzalbinoHalos isang araw ang napalipas bago nasabi ng mga doktor kay Amor na ligtas na sa kapahamakan si Kael. Hindi magkamawa'y sa pasasalamat si Amor sa Maykapal sa pagkakaligtas ni Kael. Maya't maya ay pinuntahan niya agad sa private room nito ng sabihin ng doktor na pwede ng bisitahin ang pasyente. Iyak ng iyak si Amor habang papalapit siya sa kama ni Kael na noon ay gising ito.
"Kael akala ko mawawala kana sa akin,akala ko tuluyan mo na kaming iiwan ng magiging baby natin?" humihikbing wika ni Amor.
"No mahal ko, hinding hindi ako mawawala sa inyo. Hindi ko kayo pwedeng iwan , hindi pwede Amor, hindi pwede" sagot ni Kael at ginagap nito ang kamay ng kanyang mahal.
"Magpagaling ka agad para makalabas kana ng ospital at sa bahay ka nalang magpagaling at ng maalagaan kitang mabuti" ani Amor saka hinagkan nito ang labi ng fiancee.
"Yes mahal ko, magpapagaling ako agad para makasal na tayo dahil gustong gusto ko ng makasal tayo at maging legal na ang ating pagsasama at maging legal Mrs. Amor Carreon- Tuazon kana" nakangiting turan ni Kael.
"Oh Kael, iyan ang pinakahihintay ko sa lahat ang maging legal ang ating pagsasama at isigaw ko sa buong mundo na tawagin kitang asawa ko. I love you so much Kael at kung sakaling nawala ka ay baka hindi ko kakayanin dahil mawawalan na ako nun ng super hero, the only super hero who saved me from the dark. Ikaw lang ang tanging ligaya ko sa buhay at ang ating magiging baby" ani Amor at muling dumaloy ang mga luha nito hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa ligayang nadarama dahil sa wakas ay nakawala rin siya sa madilim na kahapon.
"I love you more Amor, at nakahanda akong itaya ang buhay ko para saiyo mahal ko at hindi ko hahayaang mapahamak ka, kayo ng ating baby dahil walang saysay ang buhay ko kung sakaling mawawala kayo sa akin" madamdaming sagot ni Kael at ng hagkan ni Amor ang labi niya ay deretso nitong inangkin ng buong pagmamahal.
Bigla natigil silang dalawa sa paghahalikan ng marinig nila ang pagbukas ng pinto. At noon ay pumasok sina Serge at aling Tina.
"Oh bro kumusta! Langya ka akala ko ay iiwan mo na kami?" natatawang biro ni Serge saka lumapit sa kama ng kaibigan.
"Lol hindi pwedeng mangyari iyon! Ikakasal muna ako bago mangyari na mawala ako sa mundong ito" nakangiting sagot ni Kael sa kaibigan.
"Dapat lang bro, tinawagan ko na pala ang mommy at daddy mo at sinabi ko narin ang nangyari kaya ang sabi nila ay uuwi na daw sila as soon as possible and i think maging sina Karla ay uuwi rin para makita ka daw nila dahil labis silang nag alala sayo, sa inyo ni Amor" saad ni Serge.
"Salamat bro kaibigan talaga kita".....nakangiting turan ni Kael........."How's Trixie?" maya maya ay naalala niyang tanong.
"She's out of danger at mas malakas pa siya saiyo, nakatulog na siya kaya iniwan na namin" sagot ni Serge.
"Salamat talaga bro, napakabuti mong kaibigan at dahil saiyo kaya nakilala ko ang magiging misis ko" ani Kael saka napangiti itong tumingin kay Amor.
"Okay lang bro basta ba hinding hindi ninyo ako kalilimutan sa inyong kasal at talagang magwawala ako" natatawang biro ni Serge.
"Nope bro at hindi iyan mangyayari dahil ikaw ang mangunguna sa listahan namin para hindi talaga makaligtaan" sagot na biro ni Kael at nagkatawanan ang lahat.
...
Nang malaman ni nanay Minda ang nangyaring iyon kay Amor at Kael ay agad na ipinagbigay alam din nito kay Attorney Ibrahim at maging sa mga kaibigan ni Amor kaya halos dumagsa ang lahat ng kaibigan ni Amor sa Maynila.
![](https://img.wattpad.com/cover/31441705-288-k744325.jpg)