FLAMES SERIES 3
SAVE ME FROM THE DARK
"AMOR"
By..emzalbinoLumipas ang ilang araw ng paghahanap ng mga pulis at ng mga tauhan ni governor Manuel na ama ni Farah ay wala parin at hindi parin nila matagpuan ang sinasabing bangkay ng dalagang pinaslang..
Halos walang araw na nananalangin si aling Minda na sana ay matagpuan na ang bangkay ng kanyang alaga..
"Hepe bakit po hanggang ngayon ay hindi parin ninyo matagpuan ang bangkay ni Amor?.....tanong ni aling Minda kay hepe..
"Iyon nga po ang hindi ko maintindihan aling Minda., pati po si governor Manuel ay tumulong narin kasama ng kanyang mga tauhan ngunit hindi parin nakikita ang bangkay ni Amor!....sagot naman ni hepe.
"Hindi kaya buhay siya hepe o kaya ay dinukot siya at nais na ipatubos ng nga gumawa nito kay Amor?....maya maya ay sabi ni aling Minda.
"Sana ay totoo ang hinala mo aling Minda para naman buhay oa si Amor at sana rin ay tumawag na ang mga kumidnap sa kanya kung sakaling totoo ang inyong hinala"..... saad ng hepe.
"Baka naman itinapon sa malayong lugar ang bangkay nito hepe?....singit ni Thelma sa usapan..
"Iyon nga rin ang aking hinala misis kaya kailangan naming halughugin ang buong kabayanan at maging sa mga karatig na lugar dito sa atin para masigurong makikita na ang katawan ni Amor kung buhay pa ba siya o patay na ngang talaga"......muling sagot ni hepe kay Thelma na napaismid pa si Thelma..
"Gawin ninyo hepe hindi lang puro salita dahil ilang araw na ang nakakalipas ay wala paring resulta ang nangyaring ito kay Amor!.....pabalang na turan ni Thelma saka padabog na nilisan nito ang sala kung saan ay naroroon ang hepe at si aling Minda.
"Hepe wag po kayong pa paapekto sa kanya, hanapin po ninyo hanggang sa abot ng inyong makakaya ang bangkay ni Amor at salamat sa lahat lahat ng mga tulong ninyo at maging kay governor Manuel"......nahihiyang wika ni aling Minda sa pulis dahil sa inasal ni Thelma..
"Wag po kayong mag alala aling Minda dahil hindi po kami titigil upang mahanap ang katawan ni Amor".....sagot ni hepe saka nagmamadaling nagpaalam na ito.
....
"Mommy bakit ba nakabusangot ka na naman?....takang tanong ni Trixie ng biglang pumasok ito sa kanyang kwarto ang ina na halis hindi maipinta sa pagkakalamukos nito.
"Bwisit na hepe na iyan talagang hindi tumitigil sa paghahanap kay Amor at katulong pa nito ang ama ng kaibigan ng pesteng Amor na iyan! Hindi na nila mahahanap pa si Amor dahil pinagpiyestahan na ng mga pating ang katawan nito o kaya ay ng mga uod, Kaya nagsasayang lang sila ng oras dahil kahit halughugin nila ang buong Palawan ay hinding hindi na nila makikita pa si Amor".......nanggigigil na saad ni Thelma sa anak na napamulagat..
"Ibig mo bang sabihin mommy na ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito kay Amor?.....hindi makapaniwalang tanong nito habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa ina.
"Tangan ka talaga Trixie! Kung hindi ko ba gagawin iyon eh mapapasaakin ba ang lahat ng kayamanang iniwan ni Rafael? Hindi tonta! Dahil kahit na pinatira tayo ni Amor dito ay hindi parin ako matatahimik hangga't hindi nakalagay sa aking pangalan ang lahat ng ari arian ng mga Carreon kaya ikaw wag kang magsasalita ng kahit na ano dahil ilang sandali nalang at muli mo na namang mararanasan ang maglibot sa kahit na anong lugar na gusto mo!.....
"But mommy, hindi ko naman po sinabi na gawin ninyo ang ganito ah! Oo naiinggit ako ng labis kay Amor but hindi naman ako dumating sa punto na pag isipan siya ng masama na gaya nito!....
"Heh! Magtigil kana lang duyan at itikom mo ang bibig mo kung ayaw mong malintikan sa akin!".....nagbabantang turan ni Thelma saka lumabas ito ng kwarto ng dalaga.