Flames Series 3
Save Me from the Dark
" Amor"
By...emzalbino"How i could be sure na hindi ka nagsisinungaling huh!?" mataray na tanong ni Amor dahil kung noon ay nakapag desisyon siya na kaya niyang patawarin si Thelma sa ginawa sa kanya nito, ngayon ay biglang nawala lahat ang awa ni Amor dahil sa nalamang iyon at ngayon ay pati ang baby niyang walang kamuwang muwang na hindi pa naisisilang ay pinagbabalakan narin nila.
"Here's the contact number ni nanay Minda, you can talk to her and tell to her that your alive. Sabihin ko sa kanya na buhay ka and you need to ask help of attorney Ibrahim. O kaya ay hilingin mo sa kanya ang suporta ni governor Manuel Santiago. Sabihin mo sa kanila na uuwi kayo ng Palawan to clear up everything but as a suggestion ay mas mabuti siguro na mas agahan ninyo angninyong pag uwi para hindi malaman nila mommy at Pauline ang pagbabalik mo ng Palawan dahil kung sa katapusan pa ang uwi ninyo ay alam na nila iyon at delikado para sa iyo Amor" may pag aalalang saad ni Trixie.
"Bakit mo ito ginagawa sa iyong mommy? Bakit mo siya ipinagkakanulo?" sunid sunod na tanong ni Maor kay Trixie na para bang hindi kumbinsido sa pinagsasabi ng dalaga.
"Im doing this because i loved my mommy, kahit na hindi ko siya tunay na ina ay may damdamin parin ako bilang isang anak na itinuring niya. Tanging siya lang ang nagbigay ng pamilya sa akin kaya kahit na masakit sa dibdib ko na gawin ito sa kanya ay pilit kong pinatatatag ang aking sarili dahil pag hinayaan ko siya na sa kanyang mga pinaggagawa ay mas magiging magulo ang lahat, mas malalagay siya sa kapahamakan kaya i have to do this para kahit papaano ay hindi na madagdagan pa ang kasalanan niya sa mundo. I want to pull her out from sins, at kahit na hindi rin ako naging mabuting anak sa kanya still i do love her, mahal ko siya kaya gusto kong itama ang kanyang pagkakamali ngunit habang mayroong taong bumubulag sa kanya ay pilit parin niyang pinaninindigan ang kanyang gusto kaya sana bago mahuli ang kahat ay paniwalaan mo ako Amor, maniwala ka at kumilos kana. Kahit na makulong na ang mommy at least may pagkakataon pa siyang magbago after wards kesa sa baka madisgrasya pa siya o kaya ay makadisgrasya siya at mas lalo pang madadagdagan ang kasalanan niya sa ibabaw ng mundo" sumasamong wika ni Trixie.
"Okay salamat" mahinahong sagot ni Amir saka nito inabot ang calling card kay Trixie at tumingin kay Kael.
"Much better mahal na tawagan mo nga ang nanay Minda mo para malaman nila ang lahat lahat sayo at don't worry im always here for you and for our baby" buong suportang turan ni Kael saka niyakap ng mahigpit si Amor.
"I will Kael and thanks for always there for me" naiiyak na wika ni Amor at saka yumakap din ng mahigpit kay Kael.
...
Palawan....
"Nanay Minda, hindi oarin po ba bumabalik rito si Thelma at Trixie?" tanong ni attorney Ibrahim Suarez ng mga sandaling iyon dahil napasyal ito sa malaking bahay ng mga Carreon.
"Mahigit isang buwan ng wala ang mag inang iyon at ni hindi man lang sila nagpaalam at basta nalang umalis, pero naunang umalis si Trixie at saka sumunod naman si Thelma pagkatapos ng mga ilang linggo" sagot ni nanay Minda sa abogado.
"Kasi po nanay Minda hanggang ngayon ay wala paring linaw ang kaso ni Amor at hanggang ngayon ay hindi parin natatagpuan ang kanyang bangkay at ni walang makapagsabi kung may nakita bang bangkay ang mga residente ng mga karatig bayan" buntong hiningang saad ni attorney Ibrahim ngunit malakas ang kutob niyang malamang ay buhay si Amor.
"Pero attorney malakas ang kutob kong buhay si Amor dahil kung sakaling paray na nga siya ay bakit ni hindi man lang nagpaparamdam ang kanyang kaluluwa dito sa bahay, ni wala man lang akong nararamdaman na gaya ng mga yumao nitong mga magulang na talagang nagparamdam noon sa akin? Pero si Amor ay hindi at pakiwari ko ay buhay siya at hindi siya patay" giit na wika ni nanay Minda.