FLAMES SERIES 3
SAVE ME FROM THE DARK
"AMOR"
By....emzalbinoHindi alam ni Amor ang iisipin ng mga sandaling iyon dahil nga sa nakalimutan niyang magsuot ng bra at hindi niya alam kung napansin siya ni Kael o hindi dahil sa minasdan siya ng binata mula ulo hanggang paa at hindi nagtagal ay nagpaalam na ito sa kanya at ng aalis ay muli siyang tinapunan ng tingin...
"Oucchh! Napansin kaya niya ang suot ko?.....alalang tanong ni Amor sa sarili at tuluyan na nitong nilagok ang laman ng kopitang hawak hawak nito saka tinungo ang kanyang silid at ng mapadaan sa may library ay bahagyang sumulyap roon ngunit wala namang tao dahil nakapatay na ang ilaw at bahagyang nakabukas ito kaya deretso siya ng lakad patungo sa kanyang kwarto at ng matapat siya sa kwartong katapat ng kanyang kwarto ay napabuntong hininga siya ng muling maalala ang pagkakatitig sa kanya kanina ni Kael..
...
Nais sanang makipagkwentuhan ni Kael kay Amor ngunit ng mapansin nitong bumabakat ang dibdib ng dalaga sa suot nitong manipis na t shirt ay hindi niya napigilan na pagmasdan ito ngunit ng makabawi ay ipinasya niyang magpaalam dahil parang nagte take advantage siya sa dalaga sa ginagawa nitong lihim na pagsulyap sa may bahaging dibdib nito at alam niyang walang suot na bra ang dalaga ayon sa pagkakabakat nito sa kanyang dibdib kaya ngayon ay nasa may bath tub siya at nagbababad sa malamig na tubig mula sa gripo upang pawiin ang init na nabuhay sa kanyang katawan,...It's wierd to think about it pero tao lang siya at higit sa lahat ay lalaki siya at normal lang na makadama o mag react ng ganoon ang kanyang katawan lalo pa at kitang kita niya na kahit na natatakpan ng manipis na damit ang dibdib ni Amor ay inosente pa ito at walang kamay na nakadapo...
"Oh shit! Ano ba ang pumapasok sa isip ko?!.....ani Kael sa sarili saka ipinilig ang ulo para burahin ang nasa isipan nito..
....
Kinabukasan ay maagang nagising si Amor at saka naligo na ito at ang mga damit na ibinigay ni Karla na hindi niya ginagamit ang kanyang isinuot but most of the clothes are shorts and sleeveless shirt at mangilan ngilan lang ang simpleng damit..
Ang napili niyang isuot ay ang short na hanggang sa kalahati ng hita o mas mataas pa yata ng kaunti dahil iyon na ang pinakamahaba sa lahat at ang sleeveless na shirt na polka dots ng itim..
Pagbaba niya ng kusina ay naroroon na si aling Tina ang katiwala ng pamilya at nag aasikaso ng agahan ng mag anak..
"Magandang umaga aling Tina!.....bati ni Amor na ikinagulat ng matanda.
"Ay palaka!.......bulalas ni aling Tina dahil sa pagkakagulat......"Ang aga mo naman Amor?.....maya maya ay tanong ng matanda ng kay Amor..
"Anong maaga aling Tina eh malapit na ngang lumabas ang haring araw eh!.....sagot naman ni Amor
"Hay naku iha eh halos nakatulog pa lahat ng mga kasambahay natin at kasarapan palang nila sa tulog samantalang ikaw eh nakaligo na at gising na gising na!.....ani aling Tina kay Amor..
"Sanay po akong magising ng maaga! Hmm pabayaan mo nalang ako aling Tina para may kausap ka naman at ipagtitimpla pa kita ng hot chocolate para sa agahan natin at mag to toast ako ng bread cheese"..........muling sabi ni Amor saka kumuha na ng tasa at gagawa sana siya ng hot chocolate ng pigilan siya ng matanda..
"Amor iha ayaw ko ng hot chocolate,kape nalang ang gawin mo sa akin!.....paalala ni aling Tina kay Amor na agad namang tumalima ang dalaga...
Nagsalo ang dalawa sa agahan at ilang sandali pa ay dumagsa na ang mga tao sa kusina kaya't tinulungan ni Amor si aling Tina sa pag aayos ng lamesa...
"Good morning mama Amor!.....bungad na bati ni Kathleen kay Amor kaya napalingon ang dalaga sa batang karga karga ni Kael..
"Good morning Sweetie!......ganting bati ni Amor at ng mapatingin kay Kael ay biglang namula ang kanyang mukha na para bang sinilihan ang kanyang pakiramdam dahil bigla niyang naalala ang pangyayari kagabi...