Chapter 23

4.2K 152 11
                                    

Flames Series 3
Save Me from the Dark
"Amor"
By...emzalbino




Kinaumagahan ay sinamantala ni Trixie ang pagpasok ni Pauline sa kanyang trabaho. Pumasok ito sa kwarto ng kaibigan at inisa isa nitong kinalkal ang gamit nito na para bang may hinahanap. Ngunit ng hindi niya makita ay sinubukan niyang buksan ang drawer ng cabinet ni Pauline at laking pasasalamat niya dahil hindi ito nakakandado.



Maraming laman iyon ngunit iisa lang ang nais makita ni Trixie at ng matuon ang isang maliit na tarheta ay napangiti ito......"This is it!" bulong nito sa sarili ng makita ang hinahanap, ang address ng kompanya ni Mikael "Kael" Tuazon na kilala lang niya sa larawan dahil ipinapakita noon ni Pauline sa kanya noong dalawa pa lang sila.


Nakasaad doon ang lugar kung saan mapupuntahan ang opisina at kompanya ng dating nobyo ng kanyang kaibigan......" Im so sorry mommy and Pauline but i have to do this, it's not my intention to betray you both but i think this is the best way para matapos na ang kaguluhang ito at ng hindi pa lumala at madamay ang ibang taong walang kamuwang muwang sa mundo" ani Trixie sa sarili saka ito maingat na lumabas ng kwarto ng kaibigan. Agad siyang nagbihis at umalis ng bahay ng kaibigan.


.....


Desidido na si Amor na harapin ang kanyang madrasta upang ilantad ang katotohanan sa ginawa nitong pagtatangka sa kanyang buhay noon. Kung noon ay puro takot ang naa kanyang dibdib ngayon ay lalaban na siya ng harapan alang alang sa kanyang magiging anak at sa lalaking pinakamamahal niya.



"Hmm halata na rin ang iyong tiyan ah?" nakangiting turan ni aling Tina na palapit kay Amor na nakaupo sa may hardin.



"Medyo nga po aling Tina, medyo umumbok na ang aking puson" nakangiting sagot ni Amor saka hinimas himas nito ang dating impis na tiyan na ngayon ay higit dalawang buwan na.



"Siguro ay kambal iyang magiging baby ninyo?" maya maya ay naitanong ni Aling Tina.



"Papaano niyo naman nasabi aling Tina?" natatawang balik tanong ni Amor sa matandang kasambahay.


"Eh kasi parang ang laki na ng tiyan mo eh, o kaya ay hindi lang ako sanay na nakikita kang nakadamit ng ganyan" ani aling Tina sa suot ni Amor na bestida na medyo balloon.



"Kasi po aling Tina sanay ka lang po sa katawan ko noon na impis ang tiyan kaya parang naninibago kayo at sinabi mong malaki na ang tiyan ko" saad naman ni Amor.



"Siguro nga iha" sang ayon na sabi nito kay Amor......." Kailan ba ang alis ninyo ni Kael papuntang Palawan?" maya maya ay tanong nito kay Amor.



"Sa katapusan po ng buwan aling Tina" sagot naman ni Amor.



"Mag iingat kayong dalawa roon lalo na ikaw Amor dahil buntis ka pa naman baka mapahamak kayo ng ipinagbubuntis mo" alalang wika ni aling Tina.



"Opo, salamat po aling Tina pero tama po si Kael na kailangang harapin ko na ang aking madrasta para matapos narin itong problema ko. Gusto ko rin po na pagkasilang ng aming baby ay wala na po akong alalahanin pa at oara makapagsimula na rin kami ni Kael ng masayang pamilya" pahayag ni Amor.



"Basta wag na wag mong kalilimutang magdasal at humingi ng tulong ng ating Panginoon upang iligtas kayo sa kapahamakan" dagdag na wika ni aling Tina.



"Maraming maraming salamat po sa suporta ninyo aling Tina. Kung alam ko lang sana nag numero ng cell phone ng mga kaibigan ko ay tatawagan ko sana sila o kaya ay ang aking abogado ngunit nakalagay lang sa cell phone ko ang lahat ng kanilang phone numbers at hindi ko naman memoryado para sana matawgan ko sila but anyway ilang araw nalang ang ipaghihintay ko at muli ko naring mahaharap ang aking tita Thelma at sana ay maging maayos ang lahat. At kung sakaling hihingi siya sa akin ng tawad at mangangakong hindi na niya gagawin ang kanyang ginawa at magbabagong buhay siya ay bibigyan ko po siya ng isang pagkakataon dahil kahit papaano po ay naging parte din siya ng buhay ng aking ama ng siya ay nabubuhay pa" umaasang wika ni Amor.



FLAMES SERIES 3...SAVE ME FROM THE DARK.."AMOR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon