Chapter 11

3.9K 137 3
                                    

FLAMES SERIES 3
SAVE ME FROM THE DARK
"AMOR"
By....emzalbino

Nabigla si Kael ng bigla nalang siyang yakapin ni Amor kaya hindi ito nakagalaw at parang natulala sa kanyang kinatatayuan ngunit maya maya ay...

"Put on your clothes para makaalis na tayo agad rito at baka matunugan pa ang ating pag alis eh delikado kana rito".......ani Kael na hindi makatingin ng deretso kay Amor sa suot nitong twalyang nakatapi lang sa kanyang katawan.

"O-okay! So-sorry din huh, nadala lang ako sa tuwang nadarama ko ng sinabi mong isasama mo ako sa pag uwi mo".......namumula ang mukhang hinging paumanhin ni Amor na medyo nakayuko ang ulo nito.

"It's okay!.....tanging sagot ni Kael saka tuluyan ng lumabas ng kwarto ang nagtungo ng sala upang makapagbihis na si Amor dahil kailangan nilang umalis agad dahil baka may nagmamanman sa kanila.

Pagkalabas ni Kael ng kwarto ay dali daling nagbihis si Amor at inayos na din niya ang mga gamit at damit niyang binili si Kael para sa kanya noon, nang maayos na nito ang kanyang mga gamit ay agad siyang lumabas ng kwarto at tamang tama dahil paglabas niya ay siya namang pagdating ng mag asawang aling Desta at mang Enso...

"Aalis kayo Kael, Amor?......bungad na tanong ni aling Desta na may pag aalala sa mukha nito at maging si mang Enso ay gayun din.

"Oo aling Desta, mang Enso dahil kanina ay may mga lalaking nagmamanman dito sa may rest house at buti nalng dahil ako ang kanilang napagtanungan ng saktong kararating ko lang galing ng laot at ipinakita pa nila sa akin ang larawan ni Amor dahil ang sabi nila ay pinaghahanap daw nila si Amor dahil nga nawawala siya ngunit hindi ko man nakilala ang kanilang mga mukha pero ang boses nila ang siyang nakilala ko".....pagbabalita ni Kael sa mag asawa.

"Pati nga kami ay napagtanungan din ng dalawang lalaki kanina bago sila pumarito at pupuntahan ko sana Amor ng makita kong kausap mo na ang dalawang lalaking iyon kaya kinakabahan kami ni Enso dahil baka hindi tauhan ng mga awtoridad ang mga iyon dahil sa itsura nila ay para silang mga goons"........nababalisang turan ni aling Desta..

"Eh saan kayo pupunta? Isasama mo ba si Amor, Kael?.......tanong naman ni mang Enso.

"Opo mang Enso dahil nasa peligro po ang kanyang buhay kaya kailangan muna niyang lumayo para magpalamig dahil kung lalabas na siya ngayon ay delikado dahil hindi pa siya handang harapin ang may kagagawan ng tangkang pagpatay sa kanya dahil parang natrauma yata siya".......ani Kael sabay sulyap kay Amor na mababakas ang awa dahil sa nakikitang kalungkutan sa mga mata nito.

"Mas maganda nga iho ang pasya mong iyan! Lumarga na kayo at ng hindi kayo mapansin ng sinuman. Ihahatid ko na kayo sa may airport at doon nalang kayo bumili ng ticket pabalik ng Maynila, Kung sakaling dumating na kayo roon ay ipaalam ninyo sa amin kung nakarating kayong ligtas para hindi kami mag alala ng husto ni Desta"........suhestiyon ni mang Enso kay Kael at Amor na napatango lang si Amor bilang tugon sa sinabi ng matanda.

"Wag na wag po kayong mag alala mang Enso,aling Desta dahil ipapaalam namin agad sa inyo pagkarating namin ng Manila at hindi ko po pababayaan si Amor,pangako ko po sa inyo iyan t kung sakaling kaya na niyang lumantad upang bigyan ng katarungan ang nangyari sa kanya ay tutulungan ko po siya upang makamit niya ang hustisya"........pahayag ni Kael sabay tingin kay Amor na noon ay luhaan dahil sa sayang kanyang nadarama ng mga sandaling iyon..

"Maraming salamat po sa inyo mang Enso at aling Desta,hinding hindi ko po makakalimutan ang sandaling panahon na pinagsama natin at alam kong darating pa ang araw na muli ko kayong makakasama, Akalaa ko ay wala ng mga taong kasing bait ninyo ngunit mayroon pa pala. At sayo Kael, salamat dahil muli mo akong binigyan ng pagkakataon na mabuhay, kung hindi sayo ay isang alikabok na sana ako ngayon at hindi nakatayo ngayon sa inyong harapan, at ngayon ay muli mo na naman akong ililigtas kahit na ang totoo sana ay naririto ka upang magpakasaya sa lugar na ito ngunit dahil sa akin ay naging peligro pa yata ang kinahinatnan mo rito sa aming lugar. I hope that someday i will be pay you all what you have done to me dahil isinugal mo ang iyong kaligayahan para sa aking kaligtasan".........humihikbing pahayag ni Amor at dahil doon ay walang kiyemeng kinabig siya ni Kael at niyakap dahil sa awa nito sa dalaga..

"Forget it Amor! Kahit sino ay gagawin kung sila ang nasa sitwasyon ko, at hindi ko naman maaatim na matapos kitang iligtas eh pababayaan nalang kita? For what reason na iniligtas pa kita kung ganoon ang gagawin ko? Hindi ako patatahimikin ng aking konsensiya kung sakaling pababayaan kita rito o kaya ay iiwan kita samantalang alam ko naman na nasa panganib ulit ang iyong buhay".......saad ni Kael sa dalaga...

"Oo nga naman Amor! Kahit sino na may mabuting puso ay gagawin ang ginawa ni Kael. Kaya ang tanging masasabi lang namin sayo iha ay mag ingat ka lagi kahit na nasa Manila ka pa dahil hindi mo alam ang panganib na nagbabanta sa iyong buhay"...........ani aling Desta saka niyakap naman si Amor.

"Salamat aling Desta! Mami miss ko po kayo ni mang Enso dahil parang kayo na po ang aking mga magulang"..........ani Amor saka pinaghahalikan nito ang mag asawang matanda.

"Amor, anak na ang turing ko sayo mula ng makita kita at ma mi miss ka din namin ni mang Enso mo"........lumuluhang saad ni aling Desta.

"Naririto na si mang Enso"........pukaw ni Kael sa atensiyon ng dalawang babaeng nagkakaiyakan ng makita nito ang sasakyang ipinarada ni mang Enso sa may tapat ng rest house.

"Hala lumarga na kayo at ng mkaalis kayo agad rito dahil baka mamaya niyan eh matunugan pa kayo ng mga lalaking iyon at muli kayong balikan rito!.......may pagmamadaling utos ni aling Desta kina Amor at Kael.

"Opo aling Desta at kukunin ko lang po ang mga gamit naming iba sa kwarto!......sang ayon na sagot ni Kael saka nagmamadaling pumasok ng kwarto upang kunin ang iba pang gamit niya doon at ng makuha niya'y nagmamadaling lumabas at inakay si Amor papunta ng sasakyang naghihintay sa kanila at sumama narin si aling Desta upang ihatid ang dalawa sa airport.

Ilang oras din ang ibiniyahe nila Amor at Kael na kasama nila ang mag asawang sina mang Enso at aling Desta na siyang naghatid na sa kanila.

"Amor mag iingat ka roon ah!......maluha luhang muling paalala ni aling Desta sa dalaga saka niyakap ito ng mahigpit.

"Opo aling Desta at muli ay salamat sa inyo ni mang Enso"......ani Amor saka niyakap ang mag asawa at pinaghahalikan ang mga ito.

"Mag iingat kayong dalawa roon sa Maynila, Kael wag mong pababayaan si Amor ah iho? Ikaw na ang bahala sa kanya, malaki ang tiwala namin saiyo na ligtas siya sayong mga kamay at sana sa muli nating pagkikita ay malakas na siya na kaya na niyang harapin ang dagok sa kanyang buhay upang mabigyan ng katarungan ang ginawa nilang ito sa kanya".......saad naman ni mang Enso.

"Salamat po amng Enso at aling Desta sa inyong pagtitiwala sa akin, at wag na wag po kayong mag aalala dahil ipinapangako ko po sa inyo na ligtas sa aking mga kamay si Amor at hindi ko po siya hahayaang mapahamak kahit saan man kami mapunta".......naninigurong wika ni Kael sa mag asawa saka nito niyakap ang alawang matanda na siyang naging kasa kasama niya sa mga sandaling panahon na iginugol niya sa Palawan sa rest house ng kanyang kaibigang si Serge...

"O siya sige na at pumasok na kayo para makabili na agad kayo ng inyong ticket!.....pagtataboy ng mag asawa sa dalawa at muli ay hinagkan ni Amor ang mag asawa bago sila tuluyang pumasok sa airport at tumuloy naman pauwi ang mag asawang mang Enso at aling Desta.

...

Ilang oras lang ang nakalipas at ngayon ay nasa Maynila na sila Kael at Amor. Palinga linga si Amor sa estrangherong paligid niya kung saan nakatirik ang malaking bahay na ngayon ay nasa harapan nila ni Kael..

Nang bumukas ang gate ay inaya siya ni Kael na pumasok sa loob ng bakuran ng bahay, at ng nasa may bungad na sila ng pinaka main door ay biglang bumukas ang pinto at biglang dumungaw sa may pinto ang limang taong gulang na batang babae.

"Papa! Papa!.....sigaw ng napakagandang batang babae na nagtatakbaong sumalubong kay Kael at bigla itong yumakap sa binatang nakangiti at saka nagyakap ang dalawa..

"Pa-papa! May anak na si Kael? May asawa na si Kael!?......hindi makapaniwalang tanong ni Amor sa sarili...

....itutuloy...

FLAMES SERIES 3...SAVE ME FROM THE DARK.."AMOR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon