FLAMES SERIES 3
SAVE ME FROM THE DARK
"AMOR"
By...emzalbino
CHAPTER 1...Matapos ang kasal ni Louise at Luigi ay ipinasya ni Amor na manatili muna sa Maynila sa kanyang tiyahin na kapatid ng kanyang ina ng ilang araw para naman makapagbakasyon siya..
Ngunit dalawang araw palang siya sa Maynila sa bahay ng kanyang tiyahin ng bigla nalang makatanggap si Amor ng tawag na pinapauwi na siya..
"Tita Thelma bakit po kayo napatawag?...tanong ni Amor sa kanyang madrasta sa kabilang linya..
"Tonta! Tatawagan ba kita kung walang importanteng bagay ako na sasabihin sayo!...singhal ni Thelma sa anak ng asawang si Rafael..
"Alam ko po tita,pero inaalam ko lang po ang dahilan kung bakit kayo napatawag"...ani Amor sa kausap..
"Ang iyong daddy ay nasa ospital dahil inatake siya sa puso at kailangan ka niya ngayon kaya umuwi kana agad!...pabukyaw na sabi ni Thelma kay Amor na ikinagulat ng dalaga...
"Si da..daddy!, na stroke na naman!?...hindi makapaniwalang bulalas ni Amor na noon ay napaluha agad...
"Ganon nga! Kaya kailangan mong umuwi dahil walang mag aasikaso sa daddy mo dahil ako naman eh magiging busy na ako dahil ako na ang mamamahala sa mga negosyo!...saad ni Thelma kay Amor na labis na nag aalala..
"Opo tita at ngayon po ay uuwi na ako"...kinakabahang sagot ni Amor dahil sa kalagayan ng kanyang ama na pangalawang stroke na niya iyon...
"Oh Diyos ko sana Po ay hindi grabe ang lagay ni daddy"!..samo ni Amor saka nagmamadaling inayos nito ang mga gamit at hihintayin lang niya ang pagdating ng kanyang tiyahin para makapag paalam...
....
Manila..
FLASHBACK....
Pilit na inaabala ni Mikael o Kael Tuazon ang sarili sa ginawang katrayduran ng kanyang dating nobya. Ngunit kahit na anong pilit niyang iwaglit ay pilit na pumapasok ang sakit na dulot ng pagtataksil nito.."Babe wag mo na akong ihatid sa condo ko dahil may ime meet pa akong kaibigan kaya magtataksi nalang ako"...malambing na wika ni Pauline sa nobyong si Kael ng matapos silang kumain ng dinner sa isang sikat na restaurant..
"Ok babe kung iyan ang gusto mo"...sagot naman ni Kael sa sinabing iyon ng kanyang nobya..
"Ok sige babe babawi nalang ako sayo next huh,"..naglalambing na paalam ni Pauline sa nobyo sabay halik nito sa labi na tinugon naman ni Kael at nagmamadaling lumabas ng restaurant kaya hindi na nito napansin ang kanyang cell phone na nailapag niya sa mesa...
Agad namang nakasakay si Pauline ng taxi at pinaderitso niya ito sa kanyang condo unit at ng makarating ay agad na nagbayad saka nagmamadaling lumabas ng taxi at agad na tinungo ang kanyang condo unit..
Ilang katok lang ang ginawa ay bumukas na ang pinto at lumuwang ang ngiti sa labi ni Pauline at nangingislap ang kanyang mga mata sa kasiyahang nadarama ng makita nito ang taong nakatayo sa may pinto at maya maya pa ay bigla itong yumapos..
"Sweetie sorry natagalan ako dahil kayhirap akong lumusot kay Kael, hindi bali babawi naman ako sayo eh!...ani Pauline saka nangunyapit sa leeg ni Cris at buong pananabik na inangkin nito ang kanyang labi..
"Akala ko nga ay hindi kana darating eh,ngunit alam ko naman na nami miss mo na ako kaya naman naghintay ako dahil miss na miss na rin kita!...nanggigigil na sagot ni Cris saka muling inangkin ang labi ni Pauline habang nag umpisa nang gumalaw ang mga kamay nito...
"Yes sweetie i miss you so much!...ani Pauline habang pabiling biling ang kanyang leeg at nakikiliti ito sa pagdampi ni Cris ng halik habang ang kamay naman ni Cris ay lumalamas sa dibdib nito..