FLAMES SERIES 3
SAVE ME FROM THE DARK
"AMOR"
By...emzalbino"Hepe hindi totoo ito! Sabihin po ninyong nagbibiro kayo!......humahagulgol na sabi ni aling Minda.
"Ikinalulungkot ko aling Minda ngunit totoo po ang aking sinasabi at ang malungkot niyan ay wala man lang nakakita o testigo sa pagpaslang kay Amor. Nagpakalat na kami ng aming tauhan sa bawat paligid ng bayan na ito para mahanap kung nasaan ang bangkay ni Amor at kung sakaling mahuli ang salarin na may gawa nito ay titiyakin po naming habang buhay ang kanyang pagkakabilanggo".....anang hepe..
"Walang hiya ang mga taong gumawa nito kay Amor! Dapat bitay ang maging kaparusahan nila sa ginawa nilang ito sa alaga ko hu hu hu!.....hunagpis ni aling Minda na yakap yakap nito ang bag na siyang naiwan ni Amor.
"Hepe kailangang paimbistigahan ninyo ang nangyaring ito kay Amor! Walang kaluluwa ang pumaslang sa kanya!...lumuluhang saad ni Thelma.
"Talaga pong gagawin namin iyan misis"....malungkot na sagot ni hepe.
"Sana kung alam ko lang na mangyayari ito sa kanya ay hindi ko na sana siya hinayaang maiwan sa party at isinama na sana naming umuwi"....saad ni Thelma.
"Kung kailan kami naging magkasundo ay saka pa nangyari ito sa kanya, ansakit sa dibdib na biglang malaman wala na si Amor, ni hindi pa ako nakakabawi sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya, hindi pa ako nakabayad sa lahat ng kanyang kabutihan"......walang tigil sa pagluhang saad ni Thelma.
"Misis, aling Minda magpakatatag kayo at ipinapangako namin na mahuhuli ang mga salarin sa nangyaring ito kay Amor at mabubulok ito sa bilangguan"......matatag na wika ng hepe.
"Kailangang makamit ni Amor ang katarungan dahil mabait siyang tao at hindi ako makakapayag na mauwi sa wala ang nangyaring ito sa kanya hepe kaya parang awa na ninyo gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya para mahanap ang bangkay ni Amor at mahuli ang mga salarin!......ani Thelma saka nagmamadaling umals ito na umiiyak.
"Alam kong iisa lang ang layunin ng mga pumatay sa iyo Amor kundi ang iyong kayamanan at sana hindi totoo ang kutob ko dahil kung totoo man ito ay baka ako musmo ang papatay sa kanya!.....sigaw ng isip ni aling Minda habang walang tigil sa pagluha na yakap yakap nito ang bag ni Amor...
..
Halos hindi na nakatulog si Kael dahil sa kababantay nito sa babaeng kanyang iniligtas. Nang magliwanag na ay pinakiusapan niya si aling Desta na bumili ng mga gamot na kakailanganin ng kanyang pasyente para kung sakaling ano man ang kalabasan ng ginawa niyang iyon sa dalaga ay may mapapainom siya.
Mag isa nalang na nagbabantay si Kael sa hindi kilalang si Amor dahil si mang Enso ay nagpunta ng nangisda sa laot,ngunit pinakiusapan ni Kael na wag munang ioagsasabi ang tungkol kay Amor dahil nais muna niyang makausap ang dalaga para malaman ang totoong nangyari sa kanya.
Nangalay ang likod ni Kael sa kauupo kaya medyo iniunat nito ang kanyang likod sa may gilid ng kama dahil may kaunting espasyo pa sa tabi ni Amor, hindi namalayan ni Kael na naidlip siya dahil sa walang tulog na halos magdamag..
Ilang sandali rin siyang naidlip ng may marinig siyang umuungol kaya napabalikwas siya ng bangon at ng tingnan niya ang kanyang pasyente ay gumagalaw na ito kaya agad na sinuri ni Kael ang katawan ng dalaga at may lagnat ito..
"Maawa kayo sa akin, wag ninyong gawin ito sa akin parang awa na ninyo! Wala akong kasalanan sa inyo"!.....nagdedeliryong sigaw ni Amor kaya niyugyog ni Kael ang sumisigaw na dalaga..
"Miss! Miss! Gumising ka!.....alalang kumuha ng palanggana si Kael at nilagyan niya ito ng yelo saka pinunasan ang nagdedeliryong si Amor dahil sanhi ng taas ng lagnat nito.
BINABASA MO ANG
FLAMES SERIES 3...SAVE ME FROM THE DARK.."AMOR"
Roman d'amourWritten by...emzalbino