Flames Series 3
Save Me from the Dark
"Amor"
By...emzalbinoGigil sa galit si Thelma sa mga sinabi sa kanya ni Attorney Ibrahim Suarez. Alam niyang noon pa man ay pinagdududahan na siya ng taong iyon ngunit tahimik lang siya dahil pinakikiramdaman niya ang bawat galaw ng abogado ngunit ngayong pinapaalis na sila sa bahay ni Amor at sabihing ibibigay daw sa Gawad Kalinga at mga Charities ang lahat ng naiwang yaman ni Amor ay mas lalo pang umusok sa galit si Thelma.
"No, hindi maaari! Hindi! pasigaw na sabi ni Thelma saka pabalibag nitong isinara ang pinto ng main door na kasalukuyang nanunood sa may sala si Trixie.
"Mommy what's wrong?" takang tanong ng dalaga kay Thelma ngunit hindi sumagot ang ginang bagkus ay tuloy tuloy ito sa paglakad patungo sa kanyang kwarto kaya sinundan naman ni Trixie para malaman ang problema ng ina inahan nito.
"Mommy are you okay? alalang tanong muli ni Trixie ng nasa loob na sila ng kwarto.
"That bastard attorney, i gonna kill him!" galit na sabi ni Thelma na ikinagulat ni Trixie.
"Why mommy anong ginawa ni Attorney Ibrahim? muling tanong ni Trixie sa ina inahan.
"Akalain mo ba na sabihin niya sa akin na ibibigay nalang daw sa mga Charities at gawad kalinga ang mga ari ariang naiwan ni Amor! I tell him na ilipat nalang sa pangalan ko ang mga kayamanan at mga ari ariang naiwan ni Amor since hindi narin natagpuan ang bangkay niya at alam kong patay na iyon at kaya hindi na nakita ang bangkay nito dahil malamang na kinain na ng mga pating o buwaya ng itapon nila Kadyo sa may dagat. But he was refused for what i asked to him at sabihin niya sa akin iyon! Huh, sinusubukan talaga ako ng attorney na iyon! nanggigigil sa galit na turan ni Thelma.
"Then what you gonna do mommy? Gagawin mo rin ba kay attorney ang ginawa mo kay Amor?"nag aalalang tanong ni Trixie.
"Kung kinakailangan ay gagawin ko para makuha ko ang lahat ng gusto ko!" sagot ni Thelma kay Trixie.
"Mommy it's over, tama na! Please stop it na mommy!" maluha luhang samo ni Trixie dahil kahit gaano siya kasama at gaano siya kaluho sa anumang bagay ay hindi naman sumagi sa isip niya ang ganoong pagtatangka sa buhay ng kanyang kapwa. Siguro ay nagagawa niyang makipagsabunutan ngunit ang kumitil ng buhay ay hindi niya kaya.
"Hoy Trixie wag na wag mo akong tuturuan sa lahat ng gagawin ko dahil ginagawa ko ang lahat para sa kapakanan nating dalawa! Sawang sawa na ako sa hirap kaya kung kinakailangan kong gawin ang lahat ng paraan para makuha ko ang gusto ko ay gagawin ko kahit na nag kapalit noon ay buhay ng ibang tao" pormal ang mukhang saad ni Thelma.
"Mommy nabulag kana ng kasakiman mo. You don't what you gonna do. Hindi kasalanan ang mangarap sa buhay pero ang paraan na ginagawa mo ay isang krimen na siyang maghahatid saiyo sa kapahamakan! lumuluhang pahayag ni Trixie sa ina.
"Pak! Pak!" mag asawang sampal ang dumapo sa magkabilang pisngi ni Trixie....."Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan Trixie dahil utang mo ang lahat sa akin kung bakit ka lumaki ng ganyan! Kung hindi kita kinupkop ay wala ka ngayon. Ni hindi mo sana naranasan ang makapaglakbay sa iba't ibang lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa ngunit dahil sa akin ay naranasan mo ang mga iyon! Kaya kung ayaw mo akong makabangga ay tumahimik kana lang para wala tayong maging problema!" galit na sabi ni Thelma kay Trixie na noon ay halos manlisik ang mga mata nito sa galit.
Hindi nakapagsalita si Trixie sa takot at pangamba kaya nagmamadali nalang siyang lumabas sa kwarto ng kanyang ina inahan habang lumuluha ito....." Oh Lord, kung alam ko sana noong bata pakang ako na ganito kasama pala ang taong kukupkop sa akin ay sana hindi na ako sumama sa kanya. Sana nanatili nalang ako sa bahay ampunan at malamang na may mas magandang loob ang nakakuha sa akin" ani Trixie sa sarili saka ikinandado ang pinto ng kanyang kwarto at nagkulong siya sa loob.
Sumapit ang hapon ay nakita niyang umalis ng bahay si Thelma ng masilip niya ito sa may bintana.Agad na idinayal nito ang kanyang cell phone at may tinawagan ito. Ilang sandali pa ay may sumagot na sa kanyang tawag.
"Hello Trixie is that you!" masayang sabi ng nasa kabilang linya.
"Yes it's me Pau" naiiyak na sagot ni Trixie.
"May problema ka ba dahil bakit ganyan ang boses mo na para kang naiiyak?" tanong ng babaeng tinawag ni Trixie na Pau.
"Pauline i need your help, please!" tuluyan ng napahagulgol ang dalaga habang kausap ang kaibigan.
"Why, what's wrong with you?" alalang tanong ni Pauline sa kaibigan.
"I will tell you later, but pwede ba akong makituloy sa bahay ninyo? Because i want to leave here now. Ayoko na, hibdi ko na kayang pakisamahan si mommy. Hindi kaya ng konsensiya ko!" umiiyak na samo ni Trixie sa kaibigan.
"Sure friend, you can come and stay in my house anytime" sang ayon na sagot ni Pauline sa kaibigan nito.
"Salamat Pau! masayang wika ni Trixie......"So, when you come here? muling tanong ni Pauline kay Trixie.
"Right now habang wala si mommy at hindi niya malalaman ang pag alis ko" sagot ni Trixie.
"Okay just inform me kung nasa Maynila kana at ng masalubong kita sa airport" ani Pauline sa kaibigan.
"Thank you so much Pauline! Sige bye muna at i impake ko pa ang mga gqmit na dadalhin ko" paalam ni Trixie sa kaibigan......"Sure,okay see you then!" sagot ni Pauline saka nito pinatay ang kanyang cell phone, samantalang si Trixie ay inumpisahan na niyang mag impake ng kanyang mga gamit habang wala si Thelma dahil ayaw niyang madatnan pa siya nito sa bahay at baka magkasagutan pa silang muli.
...
Maynila...
Naging masaya ang araw ni Amor mula ng magka aminan sila ng nararamdaman ni Kael at dahil doon ay nawala ang pagkailang niya sa binata.
Isang hapon habang nasa hardin si Amor at si Kathleen at dinidiligan ang mga tanim na bulaklak ay biglang may yumapos sa likuran ni Amor sabay takip sa kanyang mata at si Kathleen naman ay panay ang hagikgik nito.
Ngunit agad na nakilala ni Amor kung sino iyon dahil sa pabangong gamit nito na si Kael lang ang gumagamit niyon. Imbes na baklasin nito ang kamay ng binata na nakatakip sa kanyang mga mata ay umikot siya at yumakap sa bewang nito kaya naman biglang inalis ni Kael ang kanyang kamay sa mata ng dalaga at nakangiting ginawaran niya ito ng halik sa labi ni Amor sa mismong harap ni Kathleen na parang teen ager na kinikilig naman ito.
"I miss you my Rose" malambing na sabi ni Kael saka muli niyang nikayap si Amor at mula sa likod nito ay kinuha ang nakasukbit na three red roses na para kay Amor at ibinigay ito sa dalaga.
"My Rose?!" takang ulit naman ni Amor sa sinabi ni Kael....."Dahil para kang isang bulaklak at ikaw ang nagbigay buhay sa malungkot kong buhay" nakangiting sagot ni Kael saka muli nitong ginawaran ng halik ang tungki ng ilong ng dalaga.
"Salamat my Jack" ngingiti ngiti namang sagot ni Amor saka sumandal ito sa dibdib ni Kael....."My Jack!" kunot noong napapaisip si Kael kung ano naman ang ibig sabihin ng endearment na sinabi ni Amor....."My Jack,"jacket" dahil ikaw ang nagsisilbi at tagapagligtas ko at lagi kang nandiyan sa mga sandaling nasa panganib ako at ikaw ang siyang laging pomuprotekta sa akin sa tuwing ako'y nasa madilim at malamig na lugar. Binigyan mo ng panibagong init at pag asa ang malamig kong mundo" madamdaming saad ni Amor at walang kiyemeng hinagkan nito ang labi ni Kael sabay yakap sa binata at niyakap din siya ni Kael ng buong higpit.
"Kanina pa kayo kiss ng kiss at hug ng hug pero ako nakalimutan niyo ng i kiss at i hug!" protesta ni Kathleen na noon ay kay haba na ng nguso nito na para bang naiiyak dahil parang hindi na kasi napansin ng dalawa.
"Ay sorry sweetie! sabay pang sabi ng dalawa saka hinagkan nilang pareho ang magkabilang pisngi ng batang bibo.
Ano ang magiging kahihinatnan ng paglalayas ni Trixie sa poder ni Thelma?
At sino si Pauline na kaibigan ni Trixie? May kaugnayan ba siya sa buhay ni Kael?
...itutuloy.
