Chapter 35: Forgive me

1.3K 32 7
                                    

Thank you for reading my story. VOTE.COMMENT.
Message nyo ko hindi ako nangangagat. Hahahaha. We can be friends. Mwaaaa! XOXO

Yung picture nung flower asa taas ❤️💐
GRAY'S POV

Dmn. I miss Erza. I miss her so much. Naiinis ako sa sarili ko kase dahil sa kagaguhan ko kaya sya lumalayo at umiiwas sakin. Naiintindihan ko naman sya. Binalewala ko sya kaya sya ganyan ngayon.

Pero kaya ko lang naman nagawa yon kase. Tangna. I'm damn jealous. Ewan ko ba selos na selos ako sa engkantong Zayn na yon. Hindi naman gwapo. Walang wala sa kagwapuhan ko. Tsk.

Kagagaling ko kila Erza pero pinaalis nya din ako. Akala ko pa naman magkakaayos na kami kanina pero alam kong malapit na. Kaylangan ko lang bumawi because she deserves that. Because she's my princess at obviously ako ang prinsipe nya.

Babawi ako sakanya. Andito ako ngayon sa flower shop isusurprise ko yung prinsesa ko. I will fix this. Alam kong miss na miss na ko non syempre ako din. Sa gwapo kong to. Psh.

Buti nalang kakilala ko yung may-ari ng flower shop kaya nasabi ko at naipaliwanag ko ng maayos ang plano kong surprise.

Tinawagan ko na rin yung Mom and Dad ni Erza syempre kaylangan kong magpaalam buti nalang pumayag. Ang hirap ng pinagpaalam ko! Buti nalang nasa ibang bansa sila.
Andito na ako sa labas ng bahay nila Erza kasama ko na yung mga tutulong sakin.

Buti nalang kasundo ko katulong nila. Gwapo ko talaga. At buti nalang natutulog daw ang prinsesa ko. Sana di na muna sya magising agad. Para matapos namin to.

Nagsimula na kami sa pag-ayos. Medyo matagal tagal to.

-
Hapon na ng natapos kami. At hindi pa bumababa ang prinsesa ko. Nagbihis na ako buti nalang may dala akong damit syempre gwapo.

"Yaya pwede nyo na po gisingin si Erza." nakangiti kong sabi sa katulong nila na may katandaan na rin.

"O sige iho. Nako, sigurado matutuwa iyon. " nakangiti nyang sagot sakin at umakyat na. Bumaba na sya agad. Gising na daw si Erza buti nalang ang sinabi nya lang ay mag miryenda muna ito hindi nya sinabing andito ako at may surprise.

-
ERZA'S POV

Kagigising ko lang sakto namang kumatok si Yaya para magmiryenda na daw ako. Sakto I'm hungry. Hindi parin mawala sa isip ko si Gray. Hayyy.

Lumabas na ako ng kwarto at anong meron. Bakit may? "Oh my god!" ano to?! Napatakip ako sa bibig ko. May mga petals sa sahig at ang daming bulaklak nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng bigla may tumugtog. Ha? Ano to? ANG DAMING FLOWERS.

Pati sa hagdan puro petals. Sino ang may gawa nito? Napatingin ako sa nasa baba ng hagdan napahinto ako. Gray may hawak syang isang human-sized na flowers. Hindi ko na napigilang hindi mapaiyak. Nagpatuloy ako sa paglalakad ko pababa.

"Erza." nakangiti nyang sabi. Hindi ko na napigilang yakapin sya. Sobra sobra na to.

"Nakakainis ka." humihikbi kong sabi sakanya. Sobra sobra na tong ginawa nya. Natawa naman sya. "Sorry na baby. Patawarin mo na ko. Nagselos lang talaga ako sa alien na Zayn na yon. Patawarin mo na ko Erza. Miss na miss na kita. " sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko.

Damn hindi ko na kaya to. Hinampas ko muna sya tsaka yinakap uli. "Wag mo na uulitin yon!" tumawa naman sya at yinakap din ako ng mahigpit.

"Yes, my princess." umakyat lahat ng dugo sa mukha ko ramdam ko yon. Kumalas na sya sa yakap.

"So, pano ba yan tayo na. Yes!!!!" sigaw nya. Anong sinasabi neto? Binatukan ko nga.

"Hoy mister akala ko ba nagsosorry ka lang?! Hindi ka nanliligaw! Tsaka asa ka! " napasimangot naman sya. Natawa naman ako at kinurot ko ang pisngi nya. Ang cute.

"Psh. Oo nga nagsosorry ako syempre panliligaw na rin iyon. Kaya tayo na sinagot mo na ko. At wag kana umangal!" sabi nya ng nakangisi. Aakmang sasapakin ko sya nang halikan nya ko sa pisngi at yakapin. "Can you be my girl Erza?" sabi nya

Mahal ko naman tong lalaking to. Kaya tumango ako. Kumalas sya sa yakap At biglang nanlaki ang mata nya. Napatulala sya. "Gray!!!!" tulala parin sya.

"Laxus Gray!" ayaw parin. Naiinis na ko. "Gray!" ayaw talaga nya ha. Aakamang tataas na ko ng pigilan nya ako.

"Tampo na agad. Sorry na baby. Nagulat lang akong. Thank you. And I love you. " Omyghd! Mahal na nya ko?!!!!!

"M-mahal mo ko?" tanong ko sakanya. "Ano ba yan! Hindi man lang sumagot sa sinabi ko." ang cutee. Tumalikod sya at syempre yinakap ko.

"Tampo na agad baby. Sorry na nagulat lang ako. And I love you too." natatawang sabi ko ginaya ko yung sinabi nya kaya humarap sya sakin ng nakangiti saken hinawakan nya ang bewang ko.

"Pano ba yan tayo na. Wala ng bawian Ms. Late. Wag ka mag-alala araw-araw kita liligawan." nakangiti nyang sabi.

"Wala ng bawian, Mr. Early" nakangiti kong sabi at tsaka nya ako hinalikan sa noo. Kinikilig ako.

Sobra na tong nagawa nya na to. Masaya ako kase finally! He's mine. Oo wala ng ligaw ligaw kase magkaibigan naman na kami at kilala ko na sya. Kinikilig ako. Sht. Finally! Gray is my boyfriend. Dreams do come true!

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon