POV Gray
“Bahala ka sa buhay mo!” sabi ni Erza at naglakad uli palayo. Ang kulit ng babaeng to talaga!
“Nagseselos ako! Psh.” Ano ba yung sinasabi ko! F*ck
“What?!” gulat na tanong ni Erza ng makaharap siya sa akin. Ako din nagulat sa sinabi ko.
“Wala. Kalimutan mo na. Joke lang yun” Sht! Gray ano bang sinasabi mo?!Nabalik lang ako sa katinuan nung naglakad siya uli. Alam kong naiinis na siya.
Hinabol ko uli siya. “Erza.” Sabi ko ng mahabol ko siya, nagpupumiglas naman siya sa pagkakahawak ko sa braso niya.
“Bitawan mo ko!!”sabi niya pero bagkus sa bitawan ko siya, yinakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko alam nangyayari sa akin. Bakit ganito?
“Im sorry Zaza okay?”sabi ko habang nakayakap parin sa kaniya.
“Psh. Ano ba kasing problema mo?!” sigaw niya. Napangiti naman ako. Kasi hindi na siya nagpupumiglas pero hindi siya nakayakap sa akin.
“Wala.” Seryosong sabi ko. Hindi ko din alam kung ano problema eh.
“Wala!? Hila ka ng hila tapos walang dahilan. Nababaliw kanaba?!” sabi niya.
BINABASA MO ANG
Secretly In Love
Novela JuvenilLoving him secretly is very difficult to do. But Seeing him with other girl is really hurt. Matutunan kaya siyang mahalin ng lalaking mahal niya? May chance kayang magkatuluyan sila?