Chapter 36: Little Things

1K 25 9
                                    

POV ERZA

Last day na ng Finals. Christmas break na next week. Napaka bilis ng panahon parang kaylan lang mahal ko sya ngayon mahal na mahal ko na sya. I'm so corny! Parang kaylan lang ako lang nagmamahal ngayon mahal na nya ko. I'm so happy. No words can explain how happy I am.

Dalawang linggo na kami ni Gray. At walang araw na hindi ako masaya. Gosh! Hindi parin ako makapaniwala na mahal nya ko. You can't blame me because I so love him. Matagal ko ng mahal yong lalakeng yon. Kaya hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang kasiyahan ko.

Nandito kami ngayon ni Gray sa library. Nag-rereview kami. Actually kasama din namin sila Kaylee but sa ibang seat sila. Time alone daw. Loka loka talaga yon. Since last subject nalang ang i-eexam namin at magkakaklase kami don. Nagbabasa lang ako ng notes ko habang ang katapat ko ay nagsusulat. Ano kayang sinusulat ng lalakeng 'to?

Binalik ko nalang ang aking atensyon sa pagbabasa at hinayaan nalang sya sa kanyang ginagawa. Since asa library kami bawal mag ingay. Napatigil lang ako sa pagbabasa ng may inabot syang papel na nakatupi. Nagtataka naman akong tinignan sya. Seryoso lang sya na tinanguan ako kaya binuklat ko ito.

I LOVE YOU BABY! ❤️

Ayan ang nakasulat sa papel. Naramdaman ko namang namula ang pisngi ko. Agad ko syang tinignan at ang loko ngumisi sabay kindat. Damn.

"Gwapo ko ba baby?" sabi nya. Napairap naman ako sakanya. Pero ramdam ko parin na namumula ako. Agad kong kinuha ang ballpen na hawak nya at sinulatan ko din ang papel na binigay nya. Tinatakpan ko pa. Pagkatapos kong sulatan ay itinupi ko at inabot sakanya.

Agad naman nya itong binuklat. At ang gwapong lalaki namula! Natawa naman ako. Ang gwapo! Kinurot ko sya sa pisngi. Ang gwapo gwapo.

"Kinikilig yung bata. Nagba-blush." Sabi ko habang tumatawa ng mahina. Agad naman nyang iniwas ang tingin sakin pero nakangiti parin. Hindi wala ang ngiti ko. Alam nyo ba kung anong isinulat ko?

MAHAL NA MAHAL DIN KITA BABY! ❤️

Nakatitig lang ako sakanya. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko. "Wag mo nga akong titigan." Sabi nya sakin habang nakapout hindi parin makatingin ang loko. Hindi ko parin sya tinigilan.

Nagulat ako ng agad nyang hawakan ang kamay ko at hinalikan ito. Ngayon ako naman ang namumula. Hinihila ko ito kase baka may makakita. Pero ayaw nya bitawan. "I love you, baby." Sabi nya habang nakangiti.

"I love you too." Sabi ko din medyo nahihiya parin akong sabihin o iyon sa personal. Ang pogi!

"Hoy! Tayo na! Mamaya na kayo magtitigan!" Natigil lang kami ng biglang dumating yung dalawa. Agad naman akong namula.

"Grabe kayo ha! Asa library kayo!" Sabi naman ni Kaylee. Bwisit na to! Inirapan ko lang sya. At hinila ko na kay Laxus yunh kamay ko. Panira ng moment! Kidding!

"Alam nyo abala kayo minsan no? Ganda ng timing nyo. " sarcastic na sabi ni Laxus. Natawa naman kami. Papunta na kami sa assigned room at mag eexam na kami.

Okay let's do this.

-

Natapos na ang exam namin at eto kami papunta sa parking lot. Kasama din namin sila Kaylee at Kiel na naghaharutan. Cute nilang tignan. Nakatingin lang ako sakanila ng biglang kunin ng boyfriend ko. Ni Gray yung bag ko. Nagtaka naman ako. Pero ibinigay ko nalang. "Ayokong nahihirapan ang mahal na prinsesa." Sabi nya.

"Ang sweet naman ng prinsipe ko." Sabi ko sakanya. Napangiti naman sya. Hinawakan nya ang kamay ko habang naglalakad kami.

"Gray ikaw na maghatid kay Erza ha. Uwi agad wag kung saan saan pupunta. Nako ha!" Sabi ni Kaylee. Agad ko naman syang pinalo. Natawa naman si Kiel at Gray.

"Bwisit. Oo kayo din ni Kiel. Ingat kayo!" Humalik ako sa pisngi ni Kaylee at nagpaalam kami sakanila. Pinagbuksan ako ni Laxus ng pintuan ng kanyang sasakyan. Agad naman syang pumunta sa driver seat.

"Where do you want to go? Or tomorrow nalang tayo lumabas para makapag-pahinga ka?" Sabi nya. Habang ikinakabit ang seatbelt saakin. Nakatingin lang ako sakanya agad naman nya akong tinignan. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Nagulat nalang ako ng hinalikan nya ako sa labi. "Laxus!" Sigaw ko sakanya. Feeling ko mukha na akong kamatis. Tawa lang sya ng tawa.

"Nakatulala po kasi kayo, miss." Sabi nya saakin. Kaya pinalo ko sya sa braso. Tinawanan lang ako ng loko.
Nagsimula na syang magdrive.

Inirapan ko lang sya. "Maybe tomorrow. I want to rest and you too. Nakakapagod yung mga exam. Sakit sa ulo." Sabi ko sakanya. Tumango naman sya. Habang nagdadrive sya nakatingin naman ako sa dinadaanan namin.

Malapit na pala magpasko. Napatingin naman ako sakanya ng bigla nyang hawakan ang kamay ko. Napangiti nalang ako. Hindi ko alam na magiging ganto sya ka-sweet. I know he's a playboy back then.

"I love you. " sabi nya habang hinahalik halikan ang kamay ko. Napangiti naman ako. "Wala man lang sagot. Di mo ba ko mahal?" sabi nya ng hindi ako sumagot agad naka-pout pa ang loko. Ang cute!

Huminto na sya ng nakarating na kami sa bahay. "Laxus." Tawag ko sakanya pero hindi nya pa rin ako pinapansin. Aba, aba!

"Laxus Gray." Mas nilakasan ko pa ang boses ko. Aba at  hindi pa ko pinapansin pero hawak nya ang kamay ko.

"Nagtatampo yung baby ko." Natatawa kong sabi bigla naman syang namula at biglang napangiti. "At nagbablush pa." Dagdag ko pa.

Humarap at tumingin na sya sakin. Nakangisi siya. "Oo hindi kita mahal kasi mahal na mahal kita." Banat ko sakanya. At lalo syang namula at ramdam ko din na namula ako.

"Damn hindi na kita papakawalan. Mahal na mahal kita." Sabi nya nagkatitigan kami at onti onti nyang nilapit ang mukha nya sakin. And we kissed.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon