Chapter 31: Sht.

1.2K 36 5
                                    

ERZA's POV

ANO bang problema ni Gray. Bakit biglang ganon? Naguguluhan na ko. Hindi ko na alam kung bakit ganito. Ba-kit?

Lahat ba ng pinapakita nya sakin hindi totoo? Lalayo na ba ko sakanya. I dont know. Hindi ko na alam.

Ang sakit sakit sa pakiramdam. Mahal ko si Gray. Mahal na mahal ko siya pero bakit ganon ang sakit pala umaasa. I need to talk Gray.

"Erza okay ka lang ba?" si Kaylee. Sinundan niya pala ako, hindi ko na napigilan ang mga hikbi ko. Ang sakit sakit ayoko na.

Akala ko, matutupad na yung matagal ko ng pangarap, ang mahalin din ako ng mahal ko pero mukhang malabo na.

"You need to talk Gray, Bes. Nahihirapan ka na. Gusto ko ng sigawan yong lalaking yon kanina. Kung hindi lang talaga bestfriend ni Kiel yon e." lumabas na ako, kasama si Kaylee.

Siguro nga dapat kong kausapin si Gray. Kasi ang hirap hirap ng ganito. Hindi ko kayang makita na may kasama siyang ibang babae. Kasi gusto ko ako yon. Desperada na kung desperada mahal ko si Gray.

NANDITO ako ngayon sa parking lot. Hinihintay ko si Gray. We need to talk. Kahit na kinakabahan ako kaylangan kong gawin to. Nahihirapan na ko.

Pinauna ko nang umuwi si Kaylee sinabi ko din na kakausapin ko si Laxus. Nandito ako malapit sa kotse nya.

Ilang saglit pa natanaw ko na siya, eto na naman yung sakit na makita siya kasama ang ibang babae. "What are you doing here?" seryosong sabi niya.

"Can we talk?" Sana pumayag siya. Ang sakit sakit sa puso. Makita siyang kasama ang iba, kahit gusto kong magselos wala akong kahirapan. Wala akong karapan kasi hindi kami. Walang kami.

"May pupuntahan kami." sabi niya sabay hapit sa babae na pinakilala niya kanina samin. D*mn!

"Sorry, may date kasi kami ni Laxus ." nakangiting sabi noong babae na si Carmela. Plastik. Tsk. And what?! LAXUS?! And pinabayan lang siya ni Gray na tawagin siya non.

Hindi ko siya pinansin. "Please Gray." pagmamakaawa ko sakanya. Pumikit naman siya at pumayag. Inirapan naman ako ng babae niya. Psh! Lumayo lang kami ng kaunti sa may sasakyan niya.

"Ano bang sasabihin mo?" seryoso niyang tanong. Sht. Bakit siya ganito?

"Gray, sorry. Galit ako kay Zayn, hindi ko sya pinagtatanggol kaya lang kita pinagilan kasi ayokong makasakit ka. Yun lang yon. Sorry." Totoo iyon.

"Iyan lang ba yung sasabihin mo? You don't need to worry wala lang saakin yon. So, if you'll excuse me. Aalis na ako" Ganon lang? Parang wala lang sakanya? Ano bang nangyayari?

"Ano bang nangyayari sayo Gray? !Anong problema?!" hindi ko na napigilang hindi sumigaw. Ang gulo naguguluhan na ako.

"Nasasaktan na ako sa pakikitungo mo sakin. Bakit biglang ganito? May iba pa ba akong nagawa?! Naipaliwanag ko na yung side ko ano pa bang kulang?!" Sht. Hindi ko na napigilang umiiyak. Ang sakit na kasi talaga. Tinignan ko ang kanyang mata nag-aalala siya pero biglang nagbago din ito.

"Wala, walang problema." D*mn!

"Walang problema?! Bakit bigla kang ganyan?! Bakit may kasama kang ibang babae? Gray please." hindi ko na napigilang hindi humagulgol. Wala ng mga estudyante.

"Anong pakialam mo kung may kasama akong iba? Ano ba kita?!" galit na tanong nya. Mukhang nagulat naman siya sa sinabi niya pero nawala agad ang pagkagulat niya. Oo nga pala ano nga bang pakialam ko. Isa lang naman akong kaibigan.

"Tama ka nga. Ano nga bang pakialam ko? Wala nga lang pala ako. Tsaka Playboy ka nga pala. Sorry nakalimutan ko!" Ang sakit.

"Sorry, sige simula ngayon wala na kong pakialam sayo besides wala naman pala ako karapatan makialam sayo, sa buhay mo."

-

Sorry for being inactive. Merry christmas and Happy New Year everyone!

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon