Prologue

2.5K 20 0
                                    

Andito ako ngayon sa Office ko at kasalukuyan na inaayos ang mga documents na pipirmahan ko. It's been 1 year simula nang pumunta ako sa ibang bansa para makalimot sa nakaraan na iniwan ko.

Pero akala ko kapag bumalik ako dito sa lugar kung saan ako nabuhay kung saan ako lumaki kung saan ako natututong magmahal at kung saan ako unang nasaktan magiging okay na ako.

Pero hindi pala, Isang napakalaking SCAM sa buhay ko at Isang napakalaking pag subok na pilitin ang sariling pagtaguan ang nakaraan.

"They are right, you finally came back from paris"

Napalingon ako sa taong nag salita. Ngumiti naman ako sa kanya at tumayo para makalapit kay Yvette at para mayakap. Namiss ko siya.

"Hindi mo manlang sinabi na umuwe ka na pala galing paris. Kamusta duon? Naging masaya ka ba? I mean nakalimot ka ba?"

"Hmm masaya naman, Naging busy for my life"

"That's good, Nga pala Mitzi alam mo na ba?"

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Yvette "Anong alam? Yung alin?"

"Right you didn't even know, I didn't expect na sa akin pa talaga mang gagaling ito. Your company's partner is going to be demolished. Bumagsak ang kumpanya nila kaya nabaon sa utang sila Mr.Lee"

"What? But how about Mitra Corporation? How about my family company?"

Huminga ng malalim si Yvette at nag timpla ng kape para sa aming dalawa. Naglakad naman siya papunta sa sofa na nasa office ko at naupo duon pag bigay niya sa akin ng kape ko.

"Your family company is fine don't worry. Dahil mabilis na naghanap sila tito ng panibagong magiging partner ng company niyo nang mabalitaan nila ang nangyare sa kumpanya nila Mr.Lee"

"Sino daw? Anong pangalan ng kumpanya?"

"Del Fierro Empire"

Napabangon ako mula sa pag kakasandal ko sa swivel chair ko muntikan ko pang mabuga ang iniinom kong kape sa laptop ko ng marinig ang pangalan ng kumpanya.

"Ano ulit yun?"

"Your ex company"

"W-What the!!"

Mabilis akong tumayo sa swivel chair ko at nag mamadaling lumabas ng office ko. Patakbo akong sumakay ng Elevator para makapunta sa office ni mom.

Mabilis din naman akong nakarating sa office ni mom. Nakita ko pa si mommy na nakaupo sa sofa habang umiinom ng kape.

"Mom"

"Yes? May kailangan ka bang sabihin mukhang hingal na hingal ka ha"

Pumasok ako sa loob at tumabi kay mommy.

"What's wrong honey?"

"Mom.. Why didn't you tell me? Idedemolished na ang kumpanya ng dati nating company partner at ang napili niyong kapalit nila Mr.Lee ay yung kumpanya ng Del Fierro"

"Alam mo na pala. Akala ko hindi pa"

Huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili ko "Yvette tell me"

"Mitzi Calm Down, Del Fierro Empire is the best partner of ours. They offered the many benefits na hindi natin naranasan sa Lee Corporated. So i decided na makipag tulungan sa kanila. Hindi ko naman pwedeng hayaan na bumagsak ang kumpanya na pinag hirapan namin ng daddy mo at ayaw din naming pamanahan ka ng kumpanyang pabagsak na"

Pag papaliwanag ni Mommy sa akin.

"Pero bakit sila? Madami namang ibang kumpanya diyan ah. Pero bakit Del Fierro Empire pa ang napili niyo?"

"Mitzi" Mom tried to calm me down "Remember what your dad said? Don't let personal feelings affect your work and it's been a years simula ng mag hiwalay kayo. Pwede naman na kalimutan na lang yun diba?"

"Sana nga mom ganon lang kadaling kalimutan ang lahat"

Inis akong nag lakad papunta sa pintuan ng office ni mom hahawakan ko na sana ang doorknob pero bigla akong tinawag ni mom.

"We have a meeting with Mr.Del Fierro and board member later. you need to go there. Wether you like it or not" seryosong sabi ni mommy. Inis akong lumabas ng office ni mom.

Mabilis naman akong naglakad palayo sa office ni mom at mabilis din na napa-atras ng mabunggo ako sa dibdib ng isang lalaki. Irita akong tumingin sa lalaki at napahinto ng mapagtanto kung sino ang nabunggo ko.

He was wearing a Black botton-down dress shirt with a pairs of black neck tie and black slacks. Pinag titinginan siya ng ibang employees, probably with his attracted appearance. I could also smell in him the familiar scent that brought me back to the memories that he gave.

Our eyes met but he immediately looked away and acted like he didn't know me.

Like he didn't love me.

Or did he really love me?

"Excuse me miss" malamig na sabi niya.

Like he didn't hurt me.

"Sorry, You're blocking my way," he said.

Like he didn't fool me

At all
____________________________________

:)

Chasing The Sky (College Series #1)Where stories live. Discover now