Kasalukuyan akong andito sa field ng UST. Dito lang kasi yung place na alam kong makakapag focus ako sa pag gawa ng poster ko.
"Hey"
Rinig kong sabi ng kilalang boses. Tumingin lang ako sa kanya at nag focus na ulit.
"Mamaya mo na ako landiin drake, Kailangan kong matapos ito"
Narinig ko ang pag tawa niya kahit ako ay napangiti. Grabe na to ah napapangiti ko na siya. Pero mitzi focus, focus sa goal, focus sa life.
"It's fine, I'll wait"
Wait what?! Tama ba yung pag kakarinig ko? Tangina so lalandiin niya talaga ako?! Jowang-jowa na ba tong lalaki na ito. Teka dahan-dahan lang naman oh.
Hindi na ako sumagot sa kanya at tinapos na yung gawa ko. Napansin kong nag se-cellphone lang siya kaya kinalabit ko siya. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.
"Are you done?"
"Tapos na, Bakit ka ba andito sa UST? Sa ateneo ka nag aaral diba? Bakit ka napunta dito?"
"I just visited my mom in the hospital"
"Hospital? Ibig mong sabihin sa Santo Thomas Hospital?"
Tumango lang siya sa akin bilang pag sagot niya "Ah kaya pala, Palagi kang andito sa UST dahil sa mommy mo. Now i know"
Ilang oras pa kaming nag usap. Hindi na nga din ako nakakain dahil sa pag uusap namin. Nakaka enjoy siyang kausap kahit minsan ini-english niya ako. Buti na nga lang nakakaintindi ako. Pero kung hindi ay aba bii pahiya na ako sa future jowa ko.
Nang mag bell na inayos ko na ang gamit ko dahil oras na ng next subject ko.
"Next subject mo na?"
"Ah oo drake eh, sorry kailangan ko ng pumasok. Ipapasa ko pa kasi itong poster ko"
"Okay, Take care bye!"
"Bye"
Patakbo na akong pumasok sa loob ng building ng architect at dumeretso sa Faculty ng values.
"Oh Mitzi anak, saan ka pupunta. Klase na natin" Seryosong sabi ng adviser ko. Sa kanya na kasi ang next subject namin.
"Ah maam ipapasa ko lang po ito kay Mr.Dizon"
"Pero oras na ng klase natin, mamaya mo nalang yan ipasa"
"Pero maam, saglit lang po deadline na po kasi ngayon eh. Pinahabol lang po sa akin ni Sir Dizon ito"
"Ah ganon ba, oh sige basta pumasok ka sa klase ko ah"
"Opo maam, Salamat po"
Nauna na siyang nag lakad papunta sa room namin at ako naman ay pumasok na sa loob ng faculty.
"Excuse me po, Si sir dizon po?"
"Ah umalis siya kanina anak, may binili lang pero pabalik na din yun"
"Sige po, Hihintayin ko nalang po sa labas"
"Sige"
Lumabas na ako ng faculty at hinintay si sir duon. Wala pa namang ilang minuto ng dumating na si sir.
"Oh mitzi"
"Ah sir mag papasa na po ako"
"Okay sige nasaan na?"
Ibinigay ko sa kanya ang folder ko at nakangiti naman niyang tinanggap iyon.
"Buti nalang at nakaabot ka. Maaga kasi akong uuwe ngayon dahil may emergency sa bahay"
"Buti na nga lang po sir"
"Osha sige na pumasok kana sa next subject mo. Oras na ng klase mo"
"Sige po sir, Salamat po"
Ngumiti naman siya sa akin kaya nag paalam na din ako. Buti na nga lang at pag dating ko sa room hindi pa nag sisimula ang klase dahil may isinusulat pa yung prof namin sa board.
"Please sit down Ms. Mitra"
Nakangiting sabi ng prof ko. Mabilis akong umupo sa tabi ni Maan.
"Ano nakapag pasa kana?"
Tanong sa akin ni maan. Tumango lang ako sa kanya at inilabas na din ang notebook ko.
Nang matapos na sa pag susulat ang prof ko nag simula na siyang mag klase sa harap. Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanya. May recitation kaya nag tataas ako ng kamay para sumagot.
Natapos na rin naman ang oras kaya iniayos na namin ang mga gamit namin. Dahil vacant na namin sa totoo lang tatlong subject lang kami ngayon kaya after vacant may last subject pa kami.
"Pakipasa na ang mga ginawa niyong plates. Ang mga makakapag pasa ngayon ligtas na sa darating na periodical test"
Nag hiyawan naman ang mga kaklase ko dahil sa in-announce ni maam. Ipinasa ko na ang plates ko kay maam at nag paalam na para kumain sa canteen.
"Hoy mga loka-loka may sinasabi si rocky. Nag aaya na naman siyang mag inom"
"Palagi nalang inom na inom yan si rocky. Sunod niyan sira na baga niya"
"Well ganon naman talaga siguro kapag alak na alak diba?"
"Pass na muna ako diyan, Late makakauwe si papa ngayon sa bahay dahil mag OT siya sa trabaho at walang kasama sa bahay yung mga kapatid ko"
Napatango naman kami kay Maan. Well naiintindihan namin si Maan. Dahil panganay siya kaya responsibilidad niya ang mga kapatid niya. Kahit gusto sumama ni Maan samin mas pinipili pa rin niya ang kaligtasan ng mga kapatid niya kapag mag isa lang ang mga ito sa bahay.
Pero may part kami na naaawa sa kanya. Normal lang siguro ito kapag nakikita mo yung kaibigan mo na nag papakahirap at minsan nalang sumaya. Stress sa school pati pag uwe sa bahay stress pa din siya.
"Hoy! Ano na naman tong pa alak effe-"
"Oh tagay mo na yan"
Inis kong kinuha sa kanya yun at nilagok ang alak na ibinigay sa akin ni Rocky at naupo sa tabi ni yve.
"You have a problem ba rocky? Bakit palagi mo gustong uminom? Pwede mo namang sabihin sa amin, we're friends right?"
Malambing na sabi ni serine kay rocky.
"Wala lang ito, ano ba kayo? Alam niyo uminom na lang tayo. Girls night out to diba? Kaya kailangan masaya tayo"
"But you're not happy rocky."
"Serine, ayos lang ako. Kaya ko to malakas ako diba?"
"Well that's right. But if you want someone to talk to we're here for you. Okay?"
Nakita namin ang pamamasa ng mata ni Rocky. Pinunasan naman niya agad yun at ngumiti kay serine.
"Naiiyak ako sayong malandi ka"
Natawa naman si serine sa kanya at niyakap ito. Nakiyakap na din kami syempre para group hug.
Sa totoo lang lahat kami dito, nahihiyang mag sabi sa ibang tao ng mga sarili naming problema kahit kaibigan pa namin sila at kahit alam naming hindi naman namin iju-judge ang isa't-isa napag hihinaan pa rin ng loob.
Pero pag dating sa harutan at sa mga usapan na pang malandi ay daii active kami sa isa't-isa dahil ang kilig dapat ng isa kilig ng lahat.
"Haynako tara na tumagay na tayo. Hindi tayo malalasing niyan kung mag iiyakan lang tayong lahat dito" Natatawang sabi ni Rocky.
"Truee so cheers?" nakangiting sabi ni serine bago itaas ang bote ng smirnoff.
"Cheers!"
Sabay-sabay naming sabi at nag tawanan.
_________________________________________:)
YOU ARE READING
Chasing The Sky (College Series #1)
DiversosCollege Series #1 We Met We Stayed Together We Love Each Other But You Let Me Go When It Came To The End They say when you love someone you should fight for her or for him. But how can i fight if the person i hope to be with me for life. Doesn't wan...