18

173 0 0
                                    

Two weeks na ang nakalipas matapos ang pag aaway naming mag kakaibigan dahil sa kurimaw na boyfriend ni Yvette. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin bakit nahumaling si yvette duon. Hindi naman sa judge mental ako ah. Para kasing masama yung magiging flow ng relationship nila.

"Mitzi hindi pa din umuuwe si yvette hanggang ngayon dito?" Nag aalalang tanong ni tita mama ni yvette.

Two weeks na din kasing hindi umuuwe dito sa condo si yvette. Nag aalala na kami sa kanya at two weeks na din siyang hindi pumapasok sa school. Hindi namin alam kung anong nangyayare o kung nasaan na siya.

"Hindi pa din po tita. Sinusubukan ko pong tawagan yung cellphone niya pero hindi siya sumasagot."

"Ano ba kasing nangyare anak? Hindi niyo naman kasi kinikwento sa amin yung nangyayari sa inyong mag pinsan" Galit na sabi ni mommy.

"Wala naman pong issue sa aming dalawa ni yvette mommy. Pero nung huling uwe po ni Yvette dito sa condo is pinakilala niya sa amin yung boyfriend niya"

"Boyfriend?!" Gulat na tanong ni tito.

"Oh my god!! Tito a-ano. A-ano kasi-"

"Mitzi, Ayoko ng sinungaling. Sabihin mo yung totoo. May boyfriend ang pinsan mo?"

"Ah t-tito-"

"Mitzi, Tell me the truth!" Galit na sabi ni tito.

"Kalix! Wag mo naman sigawan ang anak ko! Mag sasabi naman ng totoo yan." Naiinis na sabi ni mommy.

"O-Opo t-tito! Meron po"

Na istatwa ako ng makita ang reaction ni tito kalix. Ngayon ko lang ulit nakita ang ganyang facial expression ni tito. Nung last time na nakita ko yun is nung araw na nabadtrip si tito nung may bumully sa amin ni Yvette sa school nung grade school namin.

"Kailan pa?"

"Hindi ko po alam tito, Pero neto lang po kasi namin nakilala yung boyfriend ni yvette."

"Anong pangalan non?"

"Miguel po tito"

Matapos kong sabihin yun ay mabilis na lumabas si tito ng condo kaya sinundan siya agad ni tita sandra.

"Magpahinga kana anak, Alam ko pagod ka"

"Opo"

"Huwag mong pababayaan ang pag aaral mo. Okay lang na tumulong sa pinsan mo pero kailangan mong maging priority ang sarili mo. Dahil balang araw, sarili mo lang ang tutulong sayo para maging matagumpay ka."

"Opo mommy, promise po."

"Osha mauuna na ako ah. Madami pa akong kailangan gawin sa kumpanya. Mag iingat ka dito ah, i lock mo yung pinto."

"Opo"

Nag paalam na sa akin si mommy at ako naman ay nag patuloy makipag usap sa mga kaibigan ko. Hanggang ngayon din wala silang balita kay yvette. Nag aalala na kami sa kanya. Paano kung may nangyare sa kanya? Tapos wala ako sa tabi niya.

Napatayo ako sa pagkakaupo ng marinig na may nag doorbell sa unit ko. Mabilis akong nag lakad papunta duon at binuksan. Bumungad sa akin si Chris na hingal na hingal.

"Anong nangyare sayo?"

"Si yvette"

Nagulantang ako sa narinig kong pangalan ng pinsan ko. Katulad ni chris bigla din akong kinabahan sa balita niya. "Alam ko na kung nasaan si yvette."

"Nasaan?"

"Nasa Hospital"

Hindi na ako nag tanong pa mabilis na akong sumunod kay chris pasakay ng kotse para puntahan ang hospital kung nasaan ang pinsan ko.

Chasing The Sky (College Series #1)Where stories live. Discover now