01

1.1K 6 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction.Names,characters,places,eventand businesses are part of author's imagination and product. Any resemblance to actual events,locals and persons,living or dead is entirely coincidence.

All Rights Reserved. No part of this story may be produced,distributed, or transmitted in any form or by any means. Without the permission of the author.

this story is not affliated with UST/ADMU/FEU/DLSU/ and other universities.

Please be adviced that this story contains sensitive content, mature themes and strong language that are suitable for very young audience.

There are errors in each chapter that can't be avoided because I only use a cellphone. But I will try to fix it so as not to confuse your reading. Thank you for being patient.

•••

"Tapos ka na sa Financial Project?"

Tanong sa akin ng pinsan kong si Yvette. Andito kaming dalawa ngayon sa likod ng school namin at kumakain dahil vacant na.

"Mukha bang tapos na ako?! Sumasakit na nga yung ulo ko dahil sa project na yun" Inis na sabi ko sa kanya.

"Malay ko ba. Mabilis ka kaya gumawa pwera naman sa akin diba?" Nang aasar na sabi ni yvette "Kung pwede nga lang na wag na lang gawin. Hindi ko na gagawin eh. Kaso kailangan para makapasa tayo sa 2nd year college" Dismayang sabi ni Yvette.

Huminga ako ng malalim at kumain nalang. Tama naman si yvette eh kung pwede lang talaga. Bakit kasi ito yung kinuha naming course.

"Hey nag aaya si Serine mamaya sa Padis, Birthday niya diba? Treat niya daw"

"Padis? Bar yun diba? May hangover pa nga ako eh" pag rereklamo ko sa kanya.

"May mga gwapong inimbita si Serine" nakangising sabi niya na nag pabuhay sa akin.

"Anong oras daw?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Inirapan lang ako ng pinsan ko at huminga ng malalim "Ayan kapag gwapo talaga nabubuhayan ka. Grabe ka"

"Hindi ah.. Sinong nag sabing nag hahanap ako ng gwapo?" Pag sisinungaling ko sa kanya. "Tsk sayang kasi yun, treat niya pa naman kahit may hangover pa ako gora pa rin ako"

"Kaya ka nasasaktan eh. Ang hilig mo sa gwapo" Naiiling na sabi niya "Tignan mo yung ex mong tukmol. Gwapo pero niloko ka"

"Gwapo?!" Gulat na saad ko sa kanya kaya lahat ng kumakain sa karinderya napatingin sa amin ngumiti lang ako sa mga kumakain at nilapit ang mukha kay yvette. "Bulag ka ba? Sinong poncio pilato ang nag sabing gwapo yun?"

"Ikaw, Noong panahong inlove na inlove ka pa sa kanya" pang aasar niya sa akin. "Pinag yayabang mo pa nga"

"Kadiri ka!!"

Natawa nalang si Yvette sa naging reaction ko bago tumayo "Tara na, Tayo nalang hinihintay nila duon. Mag da-drive ako, Susunduin ko pa si Rocky. Mamaya ma traffic pa tayo"

"Jusko ang lapit-lapit niya lang kailangan pang sunduin. Maglakad nalang kamo siya papunta dito. Kapag may nakilalang gwapo na nag aaral sa USTe mabilis pa sa alas kwatro kung dumayo pero kapag kaibigan kailangan pang sunduin"

Hindi na pinansin ni yvette ang mga reklamo ko hanggang sa makasakay kami sa kotse niya. Mabilis din naman kaming nakarating sa FEU at nakita na namin si Rocky na nakatayo habang may hawak na sigarilyo.

Chasing The Sky (College Series #1)Where stories live. Discover now