11

232 1 0
                                    

"Mitzi! May deliver ka daw sa baba sabi ng guard!"

Tawag sa akin ni yvette mula sa sala. Nasa kwarto kasi ako ngayon gumagawa ng assignment ko. Si yvette kasi tapos na kahapon pa eh yung pasahan nito sa lunes na. Buti nalang at weekend ngayon kaya may time ako para gawin lahat ng assignment ko.

"Deliver?"

Tanong ko sa kanya ng makalabas ako sa kwarto ko.

"Oo gaga, tumawag sa telepono yung guard sa baba"

"Ano daw yun?"

"Aba malay ko hindi ko na itanong ang sabi ko lang pabababain na kita. Di naman para sakin yun bakit ko pa itatanong?"

Hindi na ako sumagot at kinuha na lang ang susi ko na nakasabit sa may pinto. Iniwan ko na din ang cellphone ko. Buti nga at nakita ko tong cellphone ko na nasa sofa at madaming missed call si drake ewan ko ba duon. Inlove na ata sakin.

"Kung chocolate man yan galing sa manliligaw mo pahingi ako ah!"

Pahabol ni yve bago ako lumabas ng unit at sumakay ng elevator. Nasa 10th floor lang naman kami kaya mabilis lang akong makakababa.

Pag baba ko ng ground floor lumapit agad ako sa guard.

"Kuya may deliver daw po?"

Tanong ko sa guard. Nakita ko pa siyang nakangiti na para bang nang aasar sa akin.

"Yes maam. Wait lang po kukunin ko"

Kinuha naman niya sa loob ng guard house yung deliver at ibinigay sa akin. Napakunot naman ang ulo ko ng makita ang hawak niya.

"Kanina lang po dineliver yan nung tumawag po ako sa unit niyo"

"Kanino daw po ito galing? Tinanong niyo po ba sa nag deliver?"

"Sa Drake daw po, Opo duon daw"

Napakunot ang noo ko. Nag tataka kung bakit niya ako binigyan ng ganito.

"Manliligaw niyo po ba yun maam?"

"H-huh kuya? H-Hindi po"

"Pero bakit po kayo nauutal maam? Tsaka namumula po?"

Hinawakan ko ang pisngi ko totoo nga ang init ng mukha ko.

"Ano lang yan kuya blush on"

"Ah blush on. Okay sige po maam"

Nag paalam na ako sa kanya at bumalik na sa unit namin.

"Ano yung-"

Nanlaki ang mata ni yve ng makita ang dala ko.

"Ano yan? Bat may dala kang bulaklak at Donut? Ayan ba yung deliver? Galing kanino daw?"

"Kay drake daw"

"Huwattt?!! Seryoso ba?!" Pinanliitan ako ng mata ni yvette "Sabihin mo nga sakin? May something ba kayo ni drake na hindi ko nalalaman?" Dagdag pa nito.

"Something? Gaga wala!"

"Eh ano yan? As a friend lang? Binigyan ka ng bulaklak at donut pero as a friend lang?!"

"Bakit? Masama ba yun?"

"Hindi pero totoo nga? Wala bang something sa inyo?!"

"Wala ngaa ang issue nito!"

Nag kibit balikat nalang siya at lumapit sa kanya kinuha niya ang donut at hinila ako sa sofa.

"Check natin baka may letter diyan!"

Chineck ko naman iyon at may black and gold envelope na nakaipit at nakalagay ang salitang 'To: Mitzi' sa likod nito.

"Uy grabe ang luxury naman ng envelope na yan"

Hindi ko na pinansin si Yve at binuksan iyon.

Dear Mitzi,

I hope this letter finds you well. I wanted to take this opportunity to express my admiration for you and extend an invitation. There is a party coming up, and I couldn't think of anyone else I'd rather have as my date than you.

Your infectious smile and vibrant personality have always fascinated me, and I genuinely enjoy our conversations every time we meet. I believe that this party would be a wonderful opportunity for us to spend quality time together and get to know each other better.

The party promises to be an exciting evening filled with music, laughter, and great company. I envision us sharing dance floor moments and engaging in meaningful conversations that resonate long after the party ends. With you by my side, I have no doubt that it would be a night to remember.

I wanted to make it clear that my invitation comes from a genuine place of admiration and appreciation for who you are. If you decide to accept, it would be an absolute pleasure. However, please don't feel any pressure to do so. Your happiness and comfort are of the utmost importance to me.

I look forward to your response, and I hope that you'll consider joining me at the party. Regardless of your decision, I value our connection and cherish the moments we've shared.

Warmest regards,

Drake.

"Party?! Inaaya ka niya maging date sa party?! OMG Mitzi!! Umo-o ka sa kanya bilisan mo na!"

"Hindi ko alam sasabihin ko taena!"

"Pumayag kana basic lang yun"

"Ih nakakahiya"

"Tsk akin na yung cellphone mo"

"Bakit?"

"Basta"

Inabot ko naman sa kanya iyon at nanlaki ang mata ko ng hanapin niya sa message ko sa insta ang pangalan ni drake at pinindot ang call.

"H-Hoy anong ginagawa mo?!"

Mabilis naman na sinagot ni drake ang tawag.

'Hello? What's up'

Inis akong napatingin kay yve at kinuha ang cellphone ko ng nginisian niya ako.

'Hello drake'

'Natanggap mo na yung pina deliver ko sa condo niyo?'

'Oo natanggap ko na. Bakit may paganito pa? Pwede mo naman sabihin sa akin in chat eh'

'No, It's not romantic when I just chat you and ask you to be my date in my lola's party'

'Ah gusto mo pala romantic. Kaya pala may paganito ka'

'yeah, so what's your decision?'

'Kailan ba yung party?'

'Tonight, and i'll pick you up when you said yes'

'Ngayong gabi agad?!'

'Yeah, what's wrong?'

'Drake hindi pa ako nakaayos! Bakit kasi ngayon mo lang sinabi?!"

'I just want to surprise you'

Huminga ako ng malalim at tumingin kay yve na natatawa.

'Oo na, sige na payag na ako. Pero wag mo muna ako susunduin maliligo lang ako ayokong maki-party akong mabaho'

'Kahit hindi ka naman maligo mabango ka pa rin'

'Duh, whatever sige na sige na!"

'Alright, be fast okay!'

'Oo na!'

Binaba ko na ang tawag at tumingin kay yve.

"Ano g mo na yan!! Goodluck girl. Gumamit kayo mamaya ng safety things ah!"

"Gaga, Hoy yung donut tirhan mo ko ah!"

"Oo na hindi ko naman mauubos itong limang box ng donut. Bilisan mo na maligo kana. Baka ma dissapointed sayo si Drake kapag naamoy kang mabaho"

"Bwiset ka!"

Binato ko siya ng unan at pumasok na sa kwarto ko. Ipinatong ko sa study table yung bulaklak at ngumiti.

"Shit nakangiti na naman akong matutulog mamayang gabi drake ng dahil sayo!"
_________________________________________

:)

Chasing The Sky (College Series #1)Where stories live. Discover now