24

153 0 0
                                    

1 month after.

Nakaupo ako ngayon sa field. Dahil mamaya pa naman ang klase namin kay tumambay muna ako dito. Isang buwan na ang nakalipas after ng mga nangyare sa buhay ko. Sobrang tragic ng nangyare sakin at hanggang ngayon ay hindi pa din ako okay.

Sino ba naman kasi ang magiging masaya after ng mga nangyare diba?

"Hoy mitzi! Andito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap nila chris" yvette said. "Teka umiiyak ka ba? Ang galing mong umiyak sa open field pa talaga. Mamaya isipin ng mga estudyante dito binubully ka"

"Tanga hindi napuwing lang ako"

Pagdadahilan ko sa kanya. Bakit? Kasi wala naman akong ibang dahilan na sasabihin. Ang alam nila naka move on na ako kay drake.

"Napuwing mo mukha mo. Oh siya tara" Pag aaya niya sakin.

"Saan?"

"Sa canteen te! Nagugutom na ako. Andun din sila maan at chris eh"

Tumango lang ako sa kanya at binitbit na ang bag ko. Habang nag lalakad kami paalis ng open field narinig ko ang pag ehem ni yvette.

"Mitzi, Sabihin mo nga sakin. Yung pag ngiti mo ng ganyan. Pag papanggap lang ba yan?"

"Hindi, totoo kaya to"

Pagdadahilan ko sa kanya.

"Huwag nga ako te. Pinsan kita. Kaya alam ko yung totoong ngiti mo sa hindi"

Napahinga ako ng malalim.

"See, sa paghinga mo palang ng malalim alam kong may dinadala kang problema. Alam mo mitzi hindi mo matatago sakin yan. Alam kong hanggang ngayon hindi ka pa din nakakamove on sa mga nangyare. Lalo na sa inyo ni drake"

"Tama, Kasi ewan ko ba. Hindi ko alam kung anong problema sakin. Bakit palagi nalang ako naloloko ng lalaki. Tanga ba ako?"

"Tanga ka naman talaga, Paano kasi kapag nagmamahal ka. Lahat binibigay mo. Buti nga yang petchay mo hindi mo pa binigay eh. Hindi ka kasi nag titira para sa sarili mo"

"Sorry na. Eh kasi naman eh"

"Eh kasi ano? Haynako mitzi! Bakit kasi hindi kayo nag usap ng masinsinan ni drake? Hindi mo manlang siya pinagpaliwanag? What if yung mga sinabi pala sayo is hindi naman totoo?"

"Ih wag mo na nga ako pag isipin. Nag hahanap pa ako ng tyempo para makausap siya."

"See marupok ka talaga!"

"Pero sa kanya."

"Haynako mga love birds talaga!"

Nang makarating kami sa canteen, um'order na agad ako ng pagkain ko dahil gutom na din ako kanina pa tinitiis ko lang.

"Bibili ka Lemonade mitzi? Pasabay ako" chris said.

"Pera?"

"Ilibre mo ko"

"Ang kapal talaga ng mukha mong buraot ka. Walang libre sa panahon ngayon."

"Meron, tsaka bayad mo na sakin yun sa pandadamay mo sakin sa relasyon niyo ni Drake."

Inirapan ko lang siya bago bumili ng lemonade.

"Ate dalawa pong lemonade. Large size po"

Tumango lang ang tindera at ginawa na ang binibili ko tsaka inabot sakin.

"Thank you po!"

After ko mag bayad bumalik na ako sa pwesto namin.

"Oh! Kupal ka talaga ang hilig mo sa libre"

Chasing The Sky (College Series #1)Where stories live. Discover now