38

148 0 0
                                    

Ilang araw na din ang nakalipas palagi akong tinatanong ni drake kung nakapag decide na daw ba ako pero ang sagot ko lang sa kanya is ayoko. Puro ayoko. Bakit ba kasi ako? Ang daming iba diyan eh. Palapush ah!

"So what's your decision?"

"Pati ba naman ikaw yvette? ugh!"

"Eh kasi te sayang yung project na yun. Big project na yun oh papakawalan mo pa ba?"

"It's fine, Meron pa naman tayong isa pang malaking project. So hindi natin kailangan ng dahilan para tanggihan ang project na yun"

Nagkibit balikat lang si yvette sa sinabi ko. Totoo naman kasi. May big project pa kami galing sa Del Valle Fashion Company. Nag papagawa sila samin ng isang commercial studio. So what's the matter right?

"Ms. Mitzi, may bisita po kayo" Nakangiting sabi ng sekretarya ko.

"Sino?"

"Yung secretary po ni Mr. Del Fierro"

"Bakit daw?"

"Hindi ko po alam eh"

Tumango lang ako sa kanya at pinasabing papasukin na niya yung bisita agad naman siyang sumunod sa akin.

"Mr. Quizon, What are you doing here?"

"Ah Ms. mitzi, may pinapabigay po sa inyo si Mr. Drake"

Napatingin naman ako sa hawak niya. Isa yung paper bag na hindi ko alam kung anong laman.

"Yvette can you check for me please"

"Bakit ako? Hindi naman para sakin yan."

"Hmp! Akin na nga dito"

Ibinigay naman sa akin yun ng secretary ni drake. Chineck ko ang laman. May chocolate iyong laman at mga prutas. May isang roses din duon.

wtf?

"Ano to? Para saan to?"

"Para daw po sayo"

"Oo nga para sakin nga, but what i said is para saan to? Bakit siya nag bigay nito?"

"Hindi ko din po alam eh"

"Tsk, Ayoko neto! Pakibalik sa kanya" Agad naman na tumango ang secretary ni drake at kinuha ang paper bag "Pakisabi din, Kahit anong gawin niya hindi niya ako mapapapayag sa gusto niya."

"Okay po"

"Kainis!"

Nag paalam ng aalis na ang secretary kaya hinayaan nalang namin siya.

"Bitter mo ah"

"Anong bitter duon?"

"Bakit ba kasi ayaw mong tanggapin yung offer?"

"Dahil sa nalaman ko"

"Na?"

"Siya yung nag hawak ng kaso ni miguel"

"Are you sure? Saan mo naman nalaman yan?"

"Headline"

"Pero hindi naman tayo sure kung totoo ang headline na yun?"

Napaisip ako, Totoo nga ba yung headline na yun? Or baka fake lang. Pero magagawa naman niya yun. Nagawa niya ngang mag sinungaling sakin sa kaso pa kaya ng bwisit ng miguel na yun.

"Alam mo te bago ka mag gaganyan. Alamin mo muna yung totoo. Hindi pwedeng sa headline ka bumabase. Kadalasan sa social media ay kasinungalingan. Kaya kailangan mong tanungin si drake tungkol diyan."

"Pero paano?"

"Bilhan mo ng paborito niyang pagkain. Tapos ikaw mismo mag bigay sa kanya then tanungin mo siya"

Chasing The Sky (College Series #1)Where stories live. Discover now