23

150 3 0
                                    

"Mitzi, Bakit ganyan mukha mo?"

Tanong sa akin ni maan ng pumasok ako sa room namin. Ngumiti lang ako sa kanya at kumaway.

"Wala napuyat lang"

"Ganon ba"

Tumango lang ako sa kanya. Habang wala pang prof naisipan ko muna na matulog. Kahapon pa ako walang tulog kaya yung eyebag ko itim na.

Sa lahat ng nangyare sakin feeling ko palagi na akong pagod. Sobrang sakit ng katawan ko pati na din nung puso ko.

"Mitzi, gising na andiyan na si Ms. Evan"

Dahil sa pangyuyugyog sa akin ni maan. Nagising ako ng wala sa oras. Tama nga siya andito na si Ms. Evan. Wala pa ngang 30 minutes tulog ko eh.

"Tomorrow is your final examination. Make sure na nag rereview kayo."

Pag a-announce niya sa harap. "Mitzi" rinig kong tawag sa akin ng prof ko.

"Ma'am?"

"Are you okay? Parang puyat na puyat ka ata"

"Okay lang naman po ako"

"Later mag usap tayo sa office after my class"

"Copy po maam"

Tumango lang siya sa akin at nag simula ng mag turo.



After ng klase namin sa kanya. Tinawag na ako ng prof ko para sumunod sa kanya sa office.

"Mitzi, Maupo ka dito"

"Okay po"

Naupo na ako sa tabi niya at sumandal.

"Mitzi, Sigurado ka bang okay ka talaga?"

"Opo, Okay naman po ako sadyang puyat lang po."

"Mitzi, Bukas na ang final examination niyo. Alam kong madami kang pinagdadaanan. Madami kang problema pero sana hindi yun makaapekto sa pag aaral mo"

"Hindi naman po magiging dahilan ang problema ko sa pag aaral po. I can manage naman po. Alam ko pong kapag andito ako sa eskwelahan hindi ko dapat isipin ang mga problema ko"

"Sana nga mitzi, Ikaw ang Top 1 sa klase ko kaya sana wag mong sayangin yung pagtitiwala ko sayo"

"Opo"

"Nga pala kamusta na si yvette?"

"Hindi pa rin po siya nagigising."

"Hays, Bukas bibisita ako sa kanya sa hospital. Sige na pumasok kana sa next class mo." Saad ni Ms. Evan sa akin.

Nagpaalam lang ako sa kanya bago lumabas ng faculty at pumunta sa klase namin. Dalawang klase lang kami ngayon at after ng klase ko di-diretso ako sa hospital.

Nang makarating na ako sa klase ko. Pumasok na agad ako at naupo sa tabi ni maan. Tulad kanina nakayuko na naman ako sa lamesa ng upuan.

"Mitzi, Mamaya pupunta ako sa hospital. Gusto mo bang sumabay?"

"Sige sasabay na ako"

Nang dumating ang last prof namin nag attendance muna siya at nag simula ng mag klase hanggang sa matapos.

"Tara mitzi"

"Teka ito na"

Nang matapos na ako sa ginagawa ko ay mabilis na akong sumunod kay maan papunta sa sasakyan ko.

"Ang laki ng eyebags mo"

"Aray ah, sorry puyat kasi ang taong to eh"

"Okay lang yan maganda ka pa rin naman"

"Ih kaya sayo ako eh. Tara na nga"

Pinaandar ko na ang sasakyan. Tahimik lang kami ni maan sa loob ng sasakyan. Hanggang sa marinig ko ang tanong niya.

"Balita ko wala na daw kayo ni drake"

"Kanino mo nalaman yan?"

"Kay chris"

"Chismoso talaga yun. Pero oo. cheating issue"

"Parang hindi naman ata totoo yan, Wala akong nakikitang mali kay drake. He's perfect mitzi. Kaya bakit ka maniniwala sa sinasabi ng iba?"

"May proof ako, buksan mo yung message ni ylani sakin sa ig makikita mo"

"Hays"

Ginawa naman ni maan ang sinabi ko at napakunot ang noo niya sa nakita niya.

"Tinanong mo na ba si Drake tungkol dito?"

Iyon ang problema, Hindi ko natanong si drake. Kasi hindi ko siya pinagpaliwanag that time.

"Hindi siya nakapag paliwanag dahil nauna ang galit ko"

"Gaga ka talaga, hindi mo pala pinag paliwanag yung tao tapos mag mumukmok ka ng ganyan. Mag usap kayong dalawa. Pag usapan niyo yung problema niyo."

"Oo na, Andito na tayo wag mo na akong sermonan"

Huminga lang ng malalim si Maan at sabay na kaming pumasok sa loob ng hospital. Sumakay na kami ng elevator at pumunta sa room ni yvette.

Nanlaki ang mata ko ng makitang gising na si yvette. Thankyousomuch oh my god!

"Yvette!"

Nangunot ang noo ni yvette ng marinig niya ang pangalan niya. Wag mong sabihing nagka amnesia siya. Wag naman sana.

"Sino ka?"

The fuck?!

"Yvette? Hindi mo ba ako naalala? Ako yung maganda mong pinsan."

"Huh? Hindi kita maalala"

Napatingin naman ako kila mommy na nasa gilid lang.

"Hoy gaga, wag ka namang ganyan" napatingin naman ako kay maan "Eh ito? Kilala mo?"

"Oo, siya si maan yung kaibigan ko"

"Bat ako di mo ko maalala? Bakit siya naalala mo? Magkasama na tayo since baby pa ah."

Naramdaman kong may tumulo mula sa mata ko. Nakita ko ang patagong pag ngiti ni yvette.

"Ang panget mong umiyak" Rinig kong sabi niya sakin.

"Naalala mo ko?"

"Malamang te, niloloko lang kita. Hindi ko naman alam na madadala ka pala sa joke ko. Lika na nga dito"

Tumakbo ako sa kanya at mabilis siyang niyakap. "Namiss kita!!" parang batang sabi ko sa kanya.

"Namiss din kita!"

"Hoi sali naman kami diyan!" rinig naming sigaw ng mga kaibigan namin at mga nakiyakap na din.
____________________________________

:)

Chasing The Sky (College Series #1)Where stories live. Discover now