07

277 0 0
                                    

"Ano lasing na kayo?"

Natatawang tanong sa amin ni Rocky. Tinaas ko ang gitnang daliri ko at uminom ulit.

"Hoy mitzi, Anyare sayo? Isang lagok lang sayo yung tagay mo?"

"Broken? HAHA kailan na broken ang kagaya ko?"

"Lasing na nga to, Iba yung sagot sa tanong mo yve"

Rinig kong sabi ni Maan. Tsk hindi ako lasing nahihilo lang. Tangina kasing alfonso yan sumpa amputa!!

"Hey mitzi, Kamusta nga pala kayo ni Drake?"

"Ayun talking stage pa din" I chuckled when i realize what i said.

"Sa tingin mo magugustuhan ka din non?" Rinig kong tanong ni Maan sa akin. Napaisip tuloy ako bigla sa sinabi niya.

"Hindi naman ako umaasa." Nakangiting sabi ko.

Totoo naman kasi, Bakit ako aasa sa lalaking hindi naman ako kayang magustuhan pabalik? Ni hindi nga niya ako maligawan eh.

"Oo tama wag kana dun ang dami-dami pang lalaki diyan yung mas better kesa sa kanya" Matapang na sabi ni Chris.

"Chris is right, Mitzi. I did'nt mean to hurt you, but Drake is focusing on his studies. I think he doesn't have time now for a relationship" Mahinahong saad naman ni Serene.

"Ano ba? Napaka seryoso niyo naman. Wala naman akong pake kahit masaktan ako dahil sa kanya" Natatawang sabi ko sa kanilang lahat.

Kung masasaktan edi masaktan. Hindi naman ako umaasa na magugustuhan niya din ako pabalik ni panlalandi ko nga hindi siya makasabay. Tsaka matagal kong tinanggap na hanggang friends lang kami.

"Ano ba tama na nga kayo, Sinasaktan niyo lang si mitzi eh. Hindi naman kasi kailangan talagang madiliin yang pag mamahal na yan" Saad ni maan na ikinatahimik namin.

"Oo nga naman, Andiyan lang naman yan. Darating din tayo diyan. Tsaka ang inuman na ito ay para sa pag celebrate natin ng pag ka panalo ko. Hindi para sa love life ni Mitzi" Nakangusong sabi ni Rocky. Natawa nalang kami at nag simula ng mag inuman ulit.

Kinabukasan mabilis ang naging kilos ko papasok ng school dahil late na ako nagising at late na din ako sa klase ko.

Napaka galing naman kasi ni yvette eh. Hindi manlang ako ginising parang hindi pinsan amputa langya!

Hindi na nga din ko nakapag almusal dahil sobrang late na talaga ako at panigurado babarilin na naman ako ng sermon ng prof ko sa History.

"Come on." Anas ko sa elevator. Napakabagal naman kasi ng elevator na ito. Sino bang nag pauso neto ng ma shot gun ko.

Nang makababa na iyon sa ground floor mabilis akong lumabas ng building at nag hanap ng masasakyang jeep.

"Ang tagal!!"

Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang tumunog iyon at agad na sinagot ang tawag ni Yvette.

"Nasaan kana gaga! Late kana" Bungad niya sa akin sa tawag.

"Aba aba kasalanan mo kasi kung bakit late na ako. Hindi mo manlang ako ginising. Ang sakit mong maging pinsan" Sagot ko naman sa kanya. Nakarinig ako ng tawa niya mula sa cellphone.

Nagawa pa talaga niyang tumawa habang ako eto stock na sa daan at hanggang ngayon walang mahanap na sasakyan.

"Tanga ginigising kita pero puro ka 5 minutes. Tapos ako sisisihin mo ngayon. Bilisan mo na hanggat wala pa si Maam" Anas niya sa akin mula sa kabilang linya. Tangina kasalanan ko pa pala huhu.

"Tangina mo wag mo akong pinepressure. Teka lang sabihin mo sa matandang dalaga na yun na bagalan niya muna pag lalakad niya"

Natawa naman si Yve, Tawa ka lang ngayon mamaya lagot ka sakin. Hindi ko makakalimutan yung pag iwan mo sa akin.

Chasing The Sky (College Series #1)Where stories live. Discover now