06

299 1 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas ng maisugod si daddy sa hospital dahil inatake siya sa puso. Buti na lamang daw at nadala agad si daddy sa hospital. Dahil kung hindi ay baka napahamak na siya.

Noong araw din na yun ay hindi ko alam ang gagawin ko. Buti na lamang at nandiyan si Yve para tulungan ako sa mga missing kong gawain. Nag special test din ako nang makapasok ako kahapon. Akala ko nga ay hindi ako papayagan mag test ng prof ko eh magdadabog talaga ako literal joke.

"Mitzi, Nabasa mo ba yung chat ni Serene sa group chat natin?"

Tanong sa akin ni Rocky. Narito kasi kami ngayon sa kanila at tinutulungan siyang ayusin ang mga susuotin niya para sa pageant na sinalihan niya sa school nila. Siya daw kasi ang piniling maging pambato ng course nila.

"Hindi, Ano ba yun?"

"Gaga, May celebration daw yung crush mong lawyer sa Pop up bukas"

"Celebration? Anong klaseng celebration?"

"Hindi ka ba na inform? Nakapasa yung crush mo sa board exam niya as a lawyer? Kaya after niyang maka graduate sa ateneo lawyer na talaga siya"

"Ay weh? Bat hindi niya sinabi sakin?"

Natawa naman si yve sa sinabi ko. Anong nakakatawa? Duh "Kawawa naman itong pinsan ko. Mukhang ikaw lang talaga ang nag a-update sa crush mo. Sign na yan na hindi siya interesado sayo"

"Shut up yve, Malay ba nating nag message pala siya sakin. Hindi pa naman kasi ako nag o-open ng instagram ko. Busy ako sa plates ko"

"Masakit pa rin, Si serene updated sa kanya pero ikaw hindi"

"Ang epal mo, Tsaka ano bang pake ko? Kahit di siya mag updated sa akin. Hindi rason yun para tigilan ko ng mag ka gusto sa kanya. Tsaka hindi naman niya alam na gusto ko siya no"

"Sa bagay, Manhid kasi siya eh"

Dagdag pa ni Rocky. Alam niyo hindi ko talaga alam kong mga kaibigan ko ba itong mga ito eh. Grabe kung makapanakit parang wala ng bukas. Naisipan kong mag open ng instagram ko. Tinitignan kong may message na ba sa akin si Drake pero wala. Naisipan ko siyang i stalk at tama nga si Rocky. Nakapasa nga si drake sa board exam niya.

Nag comment na lang ako sa post niya ng congratulations at pinatay na ang cellphone ko. Manhid mo drake sarap mong sakaling peste ka.

Kinabukasan araw na ng pageant ni Rocky kaya nandito kami ngayon sa school niya. Sobrang laki ng school na ito. Ngayon lang ako nakapasok dito. Tinawag naman kami ni Rocky kaya agad kaming lumapit sa kanya.

"Dito yung upuan niyo"

Nakangiting sabi sa amin ni Rocky. Ang lapit naman neto kulang na lang at malapit na kami sa judge. Dito kasi sa gymnasium nila ginanap yung pageant. Nasa kanan ko si yve at nasa kaliwa ko naman si Serene. Sa tabi naman niya si Maan. Yung dalawa wala dahil si Chris ay may training at si kurt naman ay may event sa school nila.

"After this pageant girls, We need to celebrate okay. Talo man o panalo si Rocky"

"Truth, Pero sa tingin ko naman mananalo yang si Rocky eh. Praktisado mo ba naman eh HAHA"

"I think so mitzi"

Naisipan kong tanungin si Serene tungkol sa party na sinasabi ni Rocky na ginanap kagabi. I know naman na anduon si Serene sa party na yun.

"Ahm serene, Can i asked you?"

"Oh sure, What is it mitzi?"

"Uhm, Kahapon yung sinabi mong party sa gc. Totoo ba yun? I mean totoo ba na nag celebrate si Drake sa pop up?"

Chasing The Sky (College Series #1)Where stories live. Discover now