15

212 1 0
                                    

Habang nag iinuman kami narinig ko ang cellphone kong biglang tumunog. Tinignan ko iyon at bumungad sa akin ang pangalan ni drake. Kaya binuksan ko na iyon. Nakita ko ang chat ni drake with matching picture pa.

'I'm home baby! So don't worry about me'

Nag reply naman ako sa kanya at napangiti.

"Nakauwe na siya?" Tanong sa akin ni chris.

"yeah"

"Sabi ko naman kasi sayo ih"

Ngumiti lang ako kay chris ng nag okay sign siya.

Ala-una na kami natapos sa inuman. Wala manlang nalasing sa amin. Tinamaan oo pero walang nag maoy at nalasing. Parang normal lang. Kaya pa nga nilang maglakad ih.

"I'm cravings sa mami"

Biglang sabi ni serine sa gitna ng katahimikan namin.

"Gusto mo mag mami tayo?"

Pag aaya ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin kaya ginising ko na yung mga tropa para ayain. Nag latag kasi ako ng isang kutson dito sa sala namin para kila serine, rocky at maan at si chris naman ay nasa sofa.

"Madaling araw na, bakit ba nang gigising ka?" inis na sabi ni rocky.

"Mag mami daw tayo sabi ni Serine"

"Mami?! Sarado na mga mamihan dito sa qc saktan ko kaya kayo ni serine" masungit na sabi ni rocky.

"May alam ako" Serine said "Kaso sa baguio"

"Baguio?!" sabay na sabi ni rocky at yvette.

"Yeah, why?" serine asked them.

"Babyahe pa? Ang tanong kaya ba nating mag maneho isa't-isa?" yvette asked.

"Me kaya ko" serine said.

"Ako din" mayabang na sabi ko.

"Ganito nalang, yung sasakyan ko nalang gamitin natin" nakangiting sabi ni chris.

"Okay sige" i said.

"Ano? tara na? nagugutom na din ako eh" chris said.

"Tara na, but daanan muna natin si Kurt sa condo niya. Ayain din natin wala naman siyang pasok bukas" maan said.

"hm sige tara"

"Anak ng tokwa anong ginagawa niyo dito ng madaling araw?" Gulat na tanong sa amin ni kurt ng makita kami sa sala.

"Tara"

"Saan? Tsaka paano kayo nakapasok dito?" he asked.

"Pinapasok ko sila. Mag bihis kana pupunta daw kayong baguio" nakangiting sabi ni tita.

Nagkamot ulo lang si kurt bago nag lakad papunta sa banyo nila at nag hilamos. Pinaningkitan niya kami ng mata bago bumalik sa kwarto niya.

"Nag inom kayo?" tanong sa amin ni kurt ng makalabas kami ng bahay nila at sumakay sa van niya.

"Paano mo nasabi?" tanong ko sa kanya.

"Namumula si maan, nilasing niyo yan?" napatingin naman si maan sa salamin ng cellphone niya.

"Hindi naman nalalasing yan" Kunot noong sabi ni rocky. Huminga lang ng malalim si kurt bago nag maneho.

3hrs ang inabot ng byahe namin bago makarating sa baguio dumaan muna kami sa sikat na coffee shop dito sa baguio dahil nag crave sila sa kape ayan mga lasing kasi.

"What yours?" serine asked me. napatingin ako sa menu ng coffee shop.

"Americano nalang"

"Americano? May lawyer ka na nga gusto mo pa ng americano? napaka demanding neto!" Kinunutan ko ng noo si rocky dahil sa sinabi niya.

Chasing The Sky (College Series #1)Where stories live. Discover now