19

138 0 0
                                    

"Zi! Sandali lang naman!" Rinig kong pag tatawag sa akin ni chris pero patuloy pa din ako sa pag lalakad palapit sa pulis station.

"Mitzi!! May sasakyan!!"

Nanlaki ang mata ko ng may biglang humila sa akin pagilid ng daan. Naging tahimik ang buong paligid at tanging tibok ng puso ko lang ang naririnig ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"Do you know what you are doing? You're going to kill yourself Mitzi!"

"D-Drake!"

"Mitzi, Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Chris.

"O-Oo, Ayos lang"

"Thank you drake, Napakakulit kasi nitong girlfriend mo. Gusto pa ata mag pakamatay" inis na pag susumbong ni chris.

"I will not agree to what she wants."

"Oo nga pala anong ginagawa mo dito sa cavite?" tanong ni chris sa kanya.

"Kung anong gagawin niyo, ganon din ang gagawin ko" he said.

"Huh? Pupuntahan mo din yung miguel?" chris asked him.

"Yes, I heard about what happen."

Tumango lang si chris sa kanya bago siya mag aya na tumuloy na kami police station.

"Goodmorning po, ano po ang kailangan nila?" tanong ng police sa amin.

"We want to see Miguel Dela Fuega. He is one of the prisoners here." sagot naman ni Drake.

"Sumunod po kayo sakin" seryosong sabi ng police bago siya mauna sa amin papunta sa selda ni Miguel.

Habang papalapit kami, Hindi ko maiwasan na mainis ng paunti-unti. Napaka kapal ng mukha niya. Isa siyang gagong lalaki para sa akin. Sa lahat ng kasalanan niya. Dapat lang na makulong siya.

"Miguel, may bisita ka"

"Sino- Anong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ni miguel.

"Binibisita ka, Bakit? Ayaw mo ba?" seryosong sabi ko sa kanya.

"Umalis na kayo, cheif paalisin niyo na sila!" natatakot na sabi ni miguel.

Halata sa mga mata niya ang takot. Ayan sige matakot kang putangina ka. Dahil sisiguraduhin kong mamamatay kana dito sa kulungan.

Bago palang kami paalisin ng police mabilis kong hinila ang damit ni Miguel at itinama siya sa bakal na rehas.

"Ito ang tatandaan mo miguel, hindi pa dito natatapos ang pag tutuos natin. Sisiguraduhin ko na dito sa rehas na to matatapos ang buhay mo. Hindi ako papayag na hanggang dulo ikaw pa rin ang mananalo. Isa kang basurang kurimaw. Tanginamo!"

Matapos kong sabihin iyon. Binitawan ko na si miguel na naging dahilan kung bakit napasubsub siya sa lapag at pinagtawanan siya ng mga kasamahan niya sa loob.

"Tara na, Nagagalaiti lang ako sa galit dito. Kailangan ako ng pinsan ko ngayon."

"Mitzi!" pag tatawag sa akin ni chris.

"Ano?"

"Ipapanalo natin to" chris said at ngumiti sa akin.

Tumango lang ako sa kanya at nauna na sa kanila papunta sa sasakyan ni chris. Nakita kong nag usap si drake at chris sa labas bago lumapit sa akin si Drake at hinalikan ang noo ko.

"Take care baby" he said.

"Always"
____________________________________

:)

Chasing The Sky (College Series #1)Where stories live. Discover now