Malditang Panget 8.2

3.2K 44 3
                                    

Malditang Panget 8.2

→Angelita

"ANGELITO!" sigaw ko pa habang palapit sa baklang susugurin ng kapatid ko. Nako naman!

"Hoy!" hindi nya ko pinakinggan, agad nyang sinalubong ng duro ang baklang nakapulupot sa braso ng isang lalaki, yung type nya.

Sa totoo, wala ako sa mood magmaldita ngayon, nandito ako para mag-isip isip. Nasasayang ang napakatalino kong utak kapag na aalala ko ang plano ng gurang na yon!

Tinignan lang nung bakla yung hintuturo ni Lito. "Who you?" seryosong sabi nito.

"Who me?! Ako lang naman ang unang nakakita sa lalaking pinupuluputan mo! Gorilya!" mataray na sagot ni Lito.

"Ow rayli? Sa pagkakaalam ko, hindi ka kilala ng papa Juan Pablo ko!" ganti nung gorilya.

Napatingin ako sa lalaking pinagaawayan nila, yung JP ata yun. Nakakunot ang noo nito, takang taka sa mga nangyayari dito. Binalingan naman nya yung bokalista na kumanta kanina. "Dee, kilala mo ba sya?" tinuro nung JP si Lito, umiling lang yung bokalista.

"Hindi mo ko kilala? Ako lang naman ang pinaka maganda *pose* pinaka seksi *pose* pinakahot *pose* at pinaka gorgeous na nilalang sa bar na ito! Walang pwedeng umagaw sa subject ko!" sabay tingin dun sa JP.

Tinuro naman ni JP ang sarili nya. "Teka lang pre, baka nagkakamali ka. Hindi kita kilala eh."

Nalukot naman ang mukha ni Lito sa sinabi nung JP, "Pre? Pre ang tawag mo saakin? *sapo ng dibdib* My gosh papables! Dapat miss!"

Nagtataka naman ang mukha ni JP.

Dahil wala akong pakialam sa nararamdaman ni Lito at mukha naman syang maayos, umalis ako.

Pero nagkamali ata ako sa ginawa ko,

"JP, mukhang type ka ng baklang yan." sabi nung lalaki sa harapan ni JP na natatawa.

Parang narinig ko na ang boses na iyan, hindi ko lang matandaan kung saan at paano ko narinig yan. Napatigil ulit ako sa paglalakad ng biglang humarap yung natatawang hombre.

O__________O OH MY!

Red Alert Red Alert! Ay teka parang regla lang! Mali, AFG alert!

Napabalik agad ako sa kinaroroonan ni AFG.

"IKAW!!!!!" bulyaw ko agad dito.

"Me?" at sa pangalawang pagkakataon, ganun ulit ang sinabi nya.

I crossed my arms and look at him. "Oo! Remember me, Frappe Jerk?!"

Angelita, Ugly MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon