Malditang Panget 23

1.4K 28 3
                                    

Malditang Panget 23

→Angelita

I was really disappointed on what my father said. I didn't expecting this to come. I am confident that this hotel will be mine and only mine. Pero sa isang iglap, nawala lahat ng pinaghirapan ko.

Hindi ako nagsisisi dahil hindi ako marunong rumespeto sa isang tao. Why should I? Kung 'yung tatay ko nga hindi ako binibigyan ng respeto eh. Tapos sila bibigyan ko? Ang panget ko na nga tapos rerespeto pa ako ng tao. Eh 'yung mga tao nga hindi ako nirerespeto dahil  ganito ang mukha ko.

Oo maldita ako, but I still have feelings. I can feel happiness, love and even pain. And they were begging for my respect? People nowadays don't know the true meaning of respecting.

Especially my Father.

Hindi porket tatay ko siya bibigyan ko na sya ng karampatang respeto. At ang respeto hindi naman hinihingi eh. It will be given you open arms.

Hinawakan ko 'yung picture frame sa side table ko. Picture namin 'to nila dad kasama 'yung mga kakambal ko when we were a child. I look at the picture, masaya kaming apat. Masayang masaya...

FLASHBACK

"Ate. Tawag ka ni Daddy." Sabi ni Angelito. Tinignan ko lang sya. "Bumaba ka daw magpipicturan daw tayo doon."

"Kayo na lang. I'm busy playing with Santana and Devora." I said while holding my two barbie dolls. Pinangalanan ko sila ng ganyan kase natutuwa ako. Mga mukha kase silang kontrabida. Pangarap ko talagang maging high quality maldita kapag laki ko. 'Yung tipong kahanay ko sila Ruby tsaka si Senyora Santebanez.

"Stop playing na ate. Ayaw mo bang magpicture tayo nila daddy?" Nakangusong sabi niya.

"Stop pouting. Hindi naman bagay sayo ang mag pout. Are you gay?" I asked him. Agad naman niya kong binigyan ng death glare.

Pinaikutan ko na lang siya ng mata. "Tell them bababa na ko, pipili lang ako ng magandang damit para mainggit si Ina. Alis ka na dogie! Shoo!" Pagtataboy ko sa kanya..

After lumabas ni Lito naglakad na ako papunta sa walk in closet ko. Naghanap ako ng bonggang damit. Gusto ko kaseng inggitin si Ina, tsaka gusto ko magandang maganda ako palagi.

Kumuha ako ng dalawang dress sa closet. 'Yung isa purple turtle neck ang style na dress tapos 'yung isa naman red na dress na ang design ay off shoulder.

Pumunta ako sa kama ko then pinakita ko kila Devora at Santana. "Hey mga friendship. What do you think about these two dress? Alin ang mas bagay sa maganda kong katawan?" Tinapat ko pa sa kanila.

I lool at them. Mukhang ayaw nila kong kausap. "Bye bitches. Mga wala kayong kwenta. Hahaha!" pumunta ako sa harapan ng oversize mirror sa pintuan ng closet. Chineck ko kung ano 'yung mas bagay sakin.

Masyadong plain kapag itong purple, pero gusto ko kase 'yung design. But I am more mature if 'yung red ang pinili ko. So I decided to pick the red one.

Agad akong nagpalit at kinuha 'yung wedge sandals kong pula rin ang color sa lagayan ng MGA sapatos ko.

"You're so pretty Angel. Pretty as hell. Hihi." I said while looking at the mirror. Pwede na talaga akong kahanay ni Ruby.

Lalabas na sana ako ng pintuan ng makalimutan kong mag lagay ng red lipstick para mas mukha akong mataray.

I heard someone knocking on the door. "Angelita. Ang tagal tagal mo dyan. Naiinip na ang mga kapatid at tatay mo." Sigaw nung katulong namin na si Julieta. Tss.

"Get lost dirty maid! Bababa na ko gusto ko wala ka na sa harap ng pintuan ko. Kung hindi didikit 'yan sa plastic mong mukha!" I yelled back. Siya 'yung maid namin na kung makaasta akala mo maganda. Pwe.

Angelita, Ugly MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon