Malditang Panget 18

2.6K 40 8
                                    

Malditang Panget 18

→ Angelita

Bumaba ako ng hagdanan para kumuha ng tubig sa kitchen. Hindi ko kase mahagilap yung mga katulong dito eh. Mukhang busy sa kani-kanilang kwarto. Baka nanunuod nanaman ng Mirabella at Meteor Garden ang mga hampaslupa. Mamaya na lang ako magroroving kapag ready na ang stage play para mamaya.

Dumiretso ako sa ref para kumuha ng malamig na tubig.

"Hi Sis! What's brought you here?" Sino pa bang laging na-eksena kapag nasa mansyon ako?

"Nothing. Gusto ko lang dalawin kung nag-improve ka na ba sa english grammar mo." I said without looking at her. Naupo ako sa may upuan sa bar counter while drinking ice cold water.

"You're so masama talaga. I don't know kung why ka namin naging twiny ni Angelito." She pouted. Umupo sya sa tabi ko hawak hawak ang isang mansanas.

"At ikaw pa talaga ang nagsabi nyan ha? Mas makatarungan sana kung si Beks ang nagsabi eh. But you? Like duh! Dapat nga ako ang magtatanong nyan. Of all people, bakit ikaw ang kathird party namin ni Lito? We are bright and you are empty." Sabi ko. Eh ganun talaga. Mali mali kase ng tanong eh.

Hindi sya sumagot at ipinagpatuloy lang yung pagkain sa mansanas.

Nasa kalagitnaan na kami ng tahimik na sitwasyon ng may isang baklang dumating.

"Hi you sisters! May meeting kayo without me? How dare you to iwan iwan me?" Sabi ni Lito habang inuusog yung upuan dun sa mini dining table ng mga hampaslupa.

"Wow! You're getting my language na ha Lito Gay. Perfect!" Tuwang tuwa ang Boba dahil sa sinambit ng bakla. Kelan kaya ako mawawala sa pamamahay na ito. Ang hirap ha? Parang ayoko na ituloy yung paglipat dito. Pero syempre. Jokis lang. Masyadong maganda ang mga magiging eksena dito sa mansyon dahil saakin no!

"Tuwa ka naman teh! Tinry ko lang kung bagay ba saakin maging mangmang like you. And on the second thought di pala." Sabi ni Lito.

"And on the other hand. Mas bagay sayo kung ititikom mo yang bibig mo. Namamaho sa kusina, ang mga pagkain baka mapanis." Bara ko kay Lito.

"Oops sorry. Nakalimutan ko kase yung toothbrush sa unit ko. Hehe."

Wala eh, pag pout lang talaga ang alam ng magkapatid na 'to.

"Hey Beks." Basag ko sa katahimikan. At oo. Binasag ko talaga, at babasagin ko yung mukha mo pag may violent reaction ka. "Want to join my plan?"

He smiled. Lumabas tuloy yung ngipin nyang may tartar. "Evil or More Evil?" Alam na alam talaga ni Bakla ang natakbo sa brainy brain ko.

"None of the above." Syempre ngingiti din ako. Sayang yung colgate at listerin na 4x a day kong ginagamit kung itatago ko lang ang mga mapuputi kong ngipin.

"So you mean, mabait ka na sis?" Sawsaw ni Angelina.

"No way highway! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo? Me as in I? Magiging mabait? Kahit tumalino ka never mangyayari yun. Ayaw gamitin ang utak." Eh kahit kase ako di ko ma-imagine kapag naging mabait ako. Imagine. Magiging mahinhin ako magsalita, tapos laging may po at opo! Eh ayako nga ng ganun eh.

"Ayaw kase gamitin ang utak eh. Sulit.com.ph." birada naman ng hitad.

"Ibenta mo na." Ako na tumuloy. Alam kong hindi nyo magegets ang joke ng author kaya tumawa kayo kung hindi may sample kayo saakin.

"Mean." Sabay pout ng bobita. Famous!

"So, anong plan ba yan?" Balik topic ni Lito.

Ngumiti ako ulit para smilling face.

Angelita, Ugly MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon