Malditang Panget 1

7.6K 159 24
                                    

Malditang Panget 1

→Angelita

Naglalakad ako ngayon papasok sa hotel KO.

Tama ka ng pagkakabasa, akin 'tong hotel. Although tatay ko ang nagpatayo nyan, AKIN pa rin yan!

Syempre walang pagbabago, lahat sila may bulungan. Kanya kanyang murmur, kaya nabaho ang hotel ko nang dahil sa kanila!

Suot suot ang off shouldered red dress ko na gawa ng isang sikat na fashion designer sa ibang bansa. Di ko na sasabihin ang pangalan, baka nagpagawa ka din, inggitera! Taas noo kong inirampa ang maganda kong damit, half a million kong hermes bag, at 4.5 inch kong stiletto sa harap ng maraming tao.

Maiinggit kayo mga mahihirap!

Oo, naka taas ang noo ko! Mas taas pa sa inaakala mo!

Dumiretso ako sa receptionist ng Angel Odessy Star Hotel para kunin ang duplicate key ng room ko sa rooftop.

Tama ulit kayo ng basa, Angel Odessy, kapag tinagalog. ANGELITA ODESSA. Tinulungan ko na kayo, alam ko namang namangha ka!

"Mam Angel eto na po yung duplicate key." sabi ni Salve, nakalagay sa uniform yung name tag eh. "Bakit po pala kailangan yung duplicate, may susi naman po kayo ah?"

Aba, atrimitida. "Bubuksan ko lang ang utak mo gamit ang duplicate key na 'to, ichecheck ko lang kung may improvement yan lechugas!" umalis na ko sa harapan ng babaitang ito, baka pumangit eh.

"Ang taray naman ng babaeng yan. Akala mo maganda." bulong nung isang babae sa may kanan ko.

Napatingin ako sa kanya, tinignan ko sya, mula ulo mukhang singet. "Miss, kung bubulong ka, siguraduhin mong mahina. Naririnig ka kasi ng ibang tao, napaghahalataan kang INSECURE."

"Sinong insecure ha?!" yes! Palaban ka ha!

"Yung nanay mo, dun ka nya ipinaglihi eh. And by the way. Maganda ako, kumpara sa mukha mo!"

"ANG KAPAL NG MUKHA MO! DON'T YOU DARE TALK MY MOTHER LIKE THAT!" sabi ni fish cracker.

"And OH MY GOSH! Hindi ka lang pala insecure, bobo ka din. Simpleng grammar hindi pa maayos. Eew!" smirk.

"Ang yabang mo ha?! Hindi ka maganda! Panget ka! Ang dami mong pimples sa mukha." naguusok na si FC(fishcracker)

"I know right! Sabi ko nga sayo eh, maganda ako, kumpara sayo! Para kang pimples ko, nakakirita, pakalat kalat at ang sarap tirisin. Hindi ko nga madefine kung ano ka ba talaga, pimples o freckless?"

Bigla nyang itinaas yung kamay nya, tanda ng sasampalin nya na ko. Pero nahawakan ko naman agad.

Angelita, Ugly MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon