Malditang Panget 16

2.9K 42 7
                                    

Malditang Panget 16

→Angelita

Ang tagal mag update ng bwiset na author na 'to! Akala mo naman super busy nya. Tsk. Natetengga ang kapangitan ko dito sa wattpad eh.

Anyways. Matapos ang paguusap namin ni Tristan sa bar at ang pagkukrus ng landas namin ng hinayupak na Seigmond na iyon. Hindi na ko pumunta sa kahit anong bar at baka makakita pa ko ng mga hindi magagandang tanawin. Panget na nga ako panget pa yung scenery edi nag gagaguhan lang tayo kapag ganoon.

Sinubsob ko na lang ang sarili ko sa trabaho. Ika nga nila kapag wala ka sa mood 'Make yourself busy'. Pampantanggal na ng stress yayaman ka pa! Dapat sa tao ako ang ginagaya eh. Sa sobrang dami kong trabaho hindi ko na naisip pang mag paganda. Duh! Sayang naman yung title ko kapag gumanda ako, tsaka hindi ito fairytale na kapag gumanda ang bida, happily ever after na! Duh ulit! Saan ka nakakita ng prinsesang gumanda tapos end na? Pambobo po ba kayo? Tsss.

Kagaya ngayon. I am on my way na sa panibago kong trabaho. Yes yes my dears, sa dalawang trabaho ko kulang pa! Okay ng mastress ka sa trabaho kesa naman ma-stress out ka sa kapaligiran mo. Imagine, may tatay kang gustong gusto kang ipakasal sa business partner nya, isang baklang kapatid na hindi mo malaman kung saan humuhugot ng confidence. Aba rumampa ba naman sa isang fashion modeling ng sikat na brand sa Korea wearing a feather muffler colored it with black and a plain black t-back. Opo, BLACK T-BACK! Yung pambabae pa ha? Hindi ko na nga nasikmura dahil nakakadiri sya! Bukol na bukol yung harapan nya! Yuck to the negative degree! Then you have a twin sister na kasing bobo ni Spongebob, kasing walang kwenta ni Dora at walang ka-amor amor na si Doraemon?! She even joined the quiz bee from our previous almamater! Duh! Ang lakas din naman ng loob nya na ipaglandakan ang katangahan. Naawa nga ako sa mga former teachers ko, they did not win even bringing ginger bread on the school. Wala, as in wala! Never ko pang naimagine na sasali si Angelina sa isang quiz bee! Stress overload dears!

Kaya here I am, planting a new life and a new job. I need ro lessen my stress so I decided to be a stockholder of a newly opened restaurant along Makati. Kakilala kasi ni Vern yung may-ari ng resto tapos naghahanap pa ng malaking shares yung may-ari kaya kinuha ko na yung oppurtunity para dito. Wala namang mawawala, its only 5 Billion, kumpara sa kinikita ng dalawa kong business.

Catarroja's Fine Dining Cusine yung pangalan nung maswerteng resto na pag-she-sharean ko ng kayamanan ko. I hope the owner was great to handle business. I heard it was a guy and a noob on business but he has a family background in cusine. I hope, yeah I hope.

I finally got here. Medyo hindi masyadong traffic dahil its already 8 am pa lang and to think na malapit lang din ang condo ko dito.

Isang two storey building ang lumantad sa pagka-pangit kong mukha pag kababa ko pa lang ng bago kong biling sasakyan. BMW worth 6.8 billion all the way to Paris at isang nagmamaldita at nagmumurang fuschia pink car paint ang ginamit dito. Hindi po ako nagyayabang. Sadyang mayabang lang ako. Oh well, mainggit kayo!

Two weeks ng open ang resto na 'to and they give me the reports ng pumapasok na pera mula sa dalawang linggong pag bubukas nito. They e-mailed me kahapon yung report from day 1 up to the last day at yun yung kahapon. Kahapon ko lang kasi ina-approve yung deal namin about being a stock holder. Busy rin naman kase ako sa pag manage ng botique at hotel ko.

Pumasok ako sa loob ng resto at sumalubong saakin ang ilang crew and staff nito. Tinignan ko lang sila mula ulo mukhang kuko sa paa.

"Goodmorning Ma'am." They greeted me as I walk inside. Pero yung isang babae sa counter ay parang walang nakita.

"Hey miss!" Tawag ko dun sa counter staff nila. Take note. Nasa entrance pa rin ako.

She just looked at me without saying any word. Parang walang paki-alam sa mundo!

Angelita, Ugly MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon