Malditang Panget 29

699 29 21
                                    

Malditang Panget 29

Beauty is in the eye of the beholder.

Sabi nila. Eh kapag nakikita ko 'yang pagmumukha mo. Napapangitan agad ako. So kasalanan ko na agad na panget ka sa paningin ko?!

Angelita

"All eyes on me when I walk in. No question but this girls a chick. Don't hate me cause I'm beautiful." Pakanta kanta ko pang sabi habang sakay ako ng elevator. Pababa na ako ng condo dahil pupunta ako ngayon sa TAC main branch.

Roronda ako. Kelangan ko malaman ang mga bagay bagay sa sarili kong negosyo. Ilang buwan din akong namahinga. Feeling ko nagkastiff neck ako.

Punyetang author to. Apaka walang silbi. Apat na taon ng namamayagpag ang kapangitan ko sa wattpad di man lang matapos tapos. Peste.

Oh well fafel. Maganda mood ko kaya dapat smile lang tapos smile ulit. *Evil Smile*

Bumukas na ang elevator at handa na akong mag lakad ng bigla akong madagil ng punyetang balikat ng kung sino mang hinayupak na dumaan sa harapan ko!

"Ano ba?!" Singhal ko dito. Di ko alam kung babae ba 'to o lalake. Basta alam ko tanga siya!

"What?" Maang tanong nito. Sa boses nito. Halatang babae. Pero feeling ko talaga tanga tong bumangga sakin eh. Oo, wala syang gender!

"Wag mo kong ma-what what dyan. Tatanggalan kita ng braso gamit tong pintuan ng elevator." Sindak ko sakanya. Pinalaki ko pa talaga mata ko para masindak sya.

Inirapan lang ako nito at nagsuot ng headset.

Aba! Kapag ganitong good mood ako. Ayaw kong nababadtrip!

Agad kong hinablot yung headset nung tangang nakabunggo saakin at hinablot palabas ng elevator.

Mahigpit ko siyang hinawakan hanggang sa bumaon ang mga pula kong kuko sa brado nito. "Ano ba?! Bitawan mo ko!" Pag pipigil nito saakin at talagang nilakasan pa nya boses nya para marinig kami ng buong building.

Pabalibag ko syang binitawan at agad naman itong sumubsob sa sahig. Ang OA nga ng pagkakasubsob eh nauna mukha bago katawan. Halatang umaarte. "Hoy punyeta ka! Ikaw na nga itong nakabangga saakin. Ikaw pa 'tong may ganang umarte." Pinamaywangan ko sya.

Dahan dahan naman itong tumayo. "Ano bang ginawa ko sayo?" Maluha luha nitong sabi.

"Oh. Ngayon kunwari wala kang alam? Dapat pala hinampas kita sa pader ng elevator para nagflashback lahat sayo." Nag-iinit na ako. Dapat good mood lang.

"I will call the police!" Sigaw pa nito.

Tss. Sumbungera. Nilabas ko ang iPhone 6 ko at nagdial. "Hello officer."

"Yes Ms. Sy?" Sabi ng pulis na nakausap ko.

"May isang tanga lang namang bumangga saakin at magtatawag ng pulis. Pakidampot ako ngayon dito sa building ng condo KO para makapag file na ko ng kaso."

"Anong kaso naman ang isasampa mo Ms. Sy?"

"Lost mental patient." Tipid kong sabi.

Narinig ko naman ang halakhak ni SPO1 Navata sa kabilang linya. "Kahit kailan ka talaga Angelita."

Inismiran ko 'to. Sana man lang makita nya mukha ko. "Osya wag na. Napaka walang kwenta mong kausap." Binabaan ko na si Navata ng phone. Tinignan ko 'yung babaeng tanga. "Ayaw ako damputin ng pulis. Bawal daw ang magaganda sa prisinto."

Nang gigil naman itong tumingin saakin. "Sino ka ba ha?!"

"Di mo ba narinig linya ko kanina o sadyang tanga ka lang talaga at bobo? Sabi ko. Condo KO. So meaning ako ang may ari ng building na pinageeskandluhan mo. Feeling ka masyado."

Nanlaki naman ang mata nito. "Y-you mean. I-ikaw si Angelita S-Sy?" Nangangatal nitong sabi.

Nginitian ko siya. "Yes dear. Ako ang nagiisang Angelita Odessa Sy. Ang ganda naman ng welcoming mo sakin. Isang eskandalo. Feeling mo naman mahihiya akong ipahiya ka sa madaming tao? Mamatay ka man diyan sa kintatayuan mo. Di ako mahihiya no?!"

Syempre kapag nagpapakilala ako. May commotion every where. Tatak Angelita na yan eh.

"Siya ba talaga si Ms. Sy?"

"Di nga? Baka naman joke time to?"

"OMG. The maldita return."

Tinignan ko sila ng nakataas ang kilay. "Tapos na ba kayo sa chismisan portion? Oo ako 'to. At isa pang salita. Tataob kayo isa-isa."

Nilayasan ko na silang lahat. Sabi ko kase good mood ako eh.

Yes my dear. The Maldita is Back.

Welcome to the real meaning of HELL.

-----

Short update para sa come back :'( Sorry na agad. Ang tagal kong di nag update. Kunwari busy eh. Haaaaays.

Comment kayo kung gusto nyo pang ituloy to :* Tnx readers mwalaplap

Angelita, Ugly MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon