EDITED SAMPLE OF Angelita Ugly Maldita

1.5K 21 3
                                    

PROLOGUE

SUOT ang red off-shouldered knee length dress, four and a half inch red stiletto and her fashionable hermes bag, taas noong tinatahak ni Angelita ang lobby ng isang five star hotel na matatagpuan sa Ortigas.

        Halos lahat ng tao sa loob ng hotel ay nakatingin sa kanya. Well, kahit siguro sinong tao mamamangha sa magandang hubog ng katawan niya, mahaba at kulot na buhok, mahabang legs at panget na mukha.

        Sanay na siya sa ganoon atensyon, being her, an ugly lady, nasanay na siya sa mga bulong-bulungan na ibinigay sa kaniya ng madla.

        Hindi naman siya ganoong ka-panget. May mga kaunting pimples lang siya sa kanyang mukha. She uses red lipstick pero dahil sa chop lips niya, nagkakabitak-bitak ang form ng labi niya.

        Agad niyang pinuntahan ang front desk ng hotel. "Give me my duplicate key." Plane na sabi niya sa resceptionist na ngayon ay nakikipag-chismisan sa kasama nito.

        "Just give me a second Ma'am." Magalang na sabi nito pero hindi man lang nag-abalang tignan siya, nagpatuloy ito sa pakikipagusap sa katrabaho. "Oo teh! Ang gwapo 'nung kapatid nung may-ari ng hotel na 'to. Total opposite sila. Mala-anghel ang mukha, walang wala sa demonyitang ugali at mukha ng kapatid niya. Kaso beki eh." Tumawa pa ito ng pagak.

        Agad na nag-init ang ulo ni Angelita. Ang kakapal ng mukha! At talagang pinag-uusapan pa sila ng mga ito, silang dalawang ng kakambal niya

        "I said, give me my duplicate key." Ulit niya na nilagyan nang diin ang bawat salitang binitawan.

        "Ma'am, just give me your full name and your room number and I wi-- "

        Naputol ang sasabihin nito dahil bigla itong tumingin sa kaniya. Shock was written on her face.

"Ma'am A-angel?" She said stuttering.

        Tinaasan niya ito ng isang kilay. "The one and only. Kumusta ang trabaho niyo mga minamahal kong empleyado? Mukhang tuwang tuwa kayong pag-usapan ang buhay ng demonyita niyong boss ah?" She said sarcastically.

        Agad na nagbaba ng ulo ang mga pobreng empleyado sa sinabi ni Angelita.

        Angelita owned these five star hotel. Isinunod ng ama niya ang hotel sa panganalan niya, ang Angel Odessy Star Hotel. Ipinatayo ng ama niya ang hotel na ito para sa kanilang tatlong magkakambal.

        Pero walang hilig ang mga kapatid niya sa negosyo, especially sa pagpapatakbo nitong hotel. When she turned eighteen, agad na nailipat sa pangalan niya ang hotel.

        Sa edad na beynte-tres, nakapag patayo na siya ng halos dalawampung branch ng hotel sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Mayroong branch sa Boracay, Puerto Galera, Puerto Prinsesa, Bicol, Ortigas at kung saan-saan pang lugar na masasabing tourist spot.

        She graduated as the Valedictorian on their batch. Matalino siya, especially sa major nilang management. She took up the program of business administration major in marketing management.

        "I-i'm s-sorry Ma'am, hindi ko po sinasa--"

        "Hindi sinasadya? Eh kung makatawa ka daig mo pa 'yung pagiging demonyita ko. Eh kung ipulupot ko 'yung dila ninyong dalawa at sabihin kong hindi ko sinasadya? Hindi ko kayo sinasahuran para lang pagtsismisan ang buhay ko o kahit na sinong empleyado dito."

Angelita, Ugly MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon