Malditang Panget 26

1.6K 33 5
                                    

Malditang Panget 26: Date date-an.

→Angelita

"Seryoso ka? Dito mo gustong kumain?" Manghang tanong ko sa kaniya. Oo. Nakakamangha naman talaga 'tong Herman na 'to. Sa yaman niyang 'to dito niya napiling kumain!

"Oo. Mukha ba kong nagbibiro? Ang tagal tagal mo sa salon tapos magrereklamo ka? Libre na nga kita ganiyan ka pa? Arte mo." Iritang sabi niya. Hinarap niya 'yung counter.

Sa maniwala kayo't sa hindi. Sa JOLLIBEE niya napiling kumain. Mapapailing ka na lang kung ikaw ang kasama ng hayop na 'to. Ugh! Bakit ba kase ako pumayag sa gusto nito! Bwiseeeeet.

"Ano bang gusto mong orderin?" Tanong niya sakin.

"Gusto ko ng spicy Italian white pasta. Mabibigyan mo ba ko ng ganiyan sa ganitong food chain ha?!" Pagmamalidta ko.

"Hoy umayos ka Angelita. Wala pa kong lunch at kung sa resto pa tayo kakain baka abutin ako ng midnight snack!" Sagot naman niya.

Para sa kaalaman ninyo mga mambabasa. Eight na ng gabi. Twelve ng hapon kami nagpunta ni Georgie dito.

Hinahanap niyo si Georgie? Malakas pa siya kanina eh *punas luha*.

De joke lang. Pinauwi ko na. Anong nangyari? Ganito.

*FLASHBACK*

Kasalukuyan kaming kumakain ni Georgie sa JCO.  Wala lang. Namiss ko lang kumain ng donut. 'Nung una gusto ko niya sa McDo. Pero siyempre ako ang may pera saming dalawa. Kaya ako ang nasunod.

"After natin dito, doon tayo sa botique ko." Sabi ko sa kaniya.

Isang malupit na tango lang ibinigay niya dahil isa siyang semi-hampaslupa at ngayon lang siya nakakain ng mamahaling donut na akala mo ginto pero tinapay lang naman at asukal ang sangkap -_-.

Like I said. Dumiretso kami ng TAC, ipagsashopping ko na lang siya dahil kasama sa plano ko na make-over niya ang pag-shopping.

"B-botique m-mo 'to?" Tanong niya ng nasa entrance kame ng TAC.

Isang tango at taas na kilay ang sinagot ko sa kanya.

"Mas malaki pa 'to sa department store ng kahit anong SM na napuntahan ko." Nagpalinga linga pa siya. As if sinusukat ang haba ng TAC. Baka masukat -_- Hindi naman siya brainy at kasing fresh ko.

"Dapat lang. Syempre mayaman ako tapos ikaw semi-hampaslupa." Sabi ko at ngintian ko siya.

Pumasok na kame sa loob. Ayokong magmukhang tanga sa labas dahil nga mayaman ako at akin ang botique na 'to.

Sinalubong ako ni Annie, yung Supervisor ko sa branch ng MOA. "Hi ma'am Angel." Bati niya sakin.

"May gana ka pang mag-hi hindi ka naman nagtoothbrush." Sabi ko sa kaniya. "Kamusta ang sales dito?"

"Ayos naman. Kagaya pa din ng dati. Nahigitan pa."

"Good. Naghire ka ba ng mga bagong Sales Associate?"

"Yep. Nasa kaniya kaniyang area na sila. I-check ko na lang kung gusto mo. Kung ayaw mo naman. Andun sa office 'yung mga resume nila."

Hindi na ko sumagot. Masyadong mabaho ang hininga niya.

Tinignan ko si Georgie. "Feel free to shop. Magpa-assist ka na lang sa mga S.A ko."

Dumiretso na ko sa office para icheck 'yung mga resume ng mga bagong empleyado ko.

Ivy Dela Torre

Greggy Jann Treyes

Ross Erwin Cabrera

Angelita, Ugly MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon