Malditang Panget 33

36 2 0
                                    

A/N: Gusto ko na din matapos 'to pero papunta pa lang tayo sa gitna. So, simulan na natin ang mga updates!

----

Dinala ni Tristan Herman si Anglita sa isang italian restaurant. Pang mamahalin. Swak sa pagiging maganda niya. Dumaan muna sila sa botique niya upang makapagpalit ng dress dahil sa kapatid niyang ngumawa at feeling niya isa siyang magandang mamahaling panyo na pinahiran nito ng luha at sipon.

Naka-black fitted dress siya na humahapit sa kurba ng katawan niya, may side slit ito sa kaliwang bahagi. As Tristan wearing his coat and tie dahil galing sila sa meeting kanina.

3:00pm. At ngayon pa lamang siya kakain. Gutom na gutom na siya kanina pa pero di siya makapag reklamo dahil sa dress niya.

Naka-upo siya sa kaharap nitong upuan. Two seater lang at mukha silang nagde-date! Na ayaw naman isipin ni Angelita dahil nagwawala ang mga malilikot na paru-paro na dapat ay hindi pa hinog sa tiyan niya. Hindi siya sanay sa ganoong pakiramdam.

Nagbrowse siya sa menu ng restaurant. Panzanella, bruschetta, focaccia bread, pasta carbonara at iba pang italian food.

Ayaw niyang kumain ng mabigat sa tiyan dahil baka bigla na lang lumobo ang tiyan niya at makita sa hapit niyang suot. Kaya nagdesisyon siyang umorder ng Mushroom Risotto.

"Anong kakainin mo Gel?" Masuyong tanong niya dito. Tinitigan niya ito. Hindi dahil gwapo ito sa pananingin niya. Kundi dahil hindi bagay dito ang asal tao.

"Mushroom Rositto." Tipid niyang sagot.

Agad itong tumawag ng waiter at lumapit sa kanila. Sinabi nito sa waiter ang order at napapanga siya sa dami ng inorder nito!

"And one bottle of red wine please." Pagtapos nito.

"Seryoso? Kakainin mo lahat 'yon?" Nganga pa rin. Alam niyang masiba ito dahil nakasama na rin niya itong kumain. Sa kasamaang palad.

Tango at ngisi ang sinagot sa kaniya nito.

Hindi niya alam na demonyong matakaw pala talaga ang kaharap. Kakaiba.

Habang nag aantay ng kanilang order ay tinitigan niya si Tristan ng hindi naman masyadong matagal pero tama na para mapansin siya nito. "Ganon na ba ako kagwapo para pakatitigan mo ng ganiyan? You know staring is rude." Nakangisi nitong saad.

Agad naman napa-taas hanggang forth floor ang kaniyang kilay. Like, seriously?

"Iniisip ko lang kung anong klase ng demonyo ka." Walang gana naman niyang balik dito.

Napatawa ito ng malakas na alam naman ni Angelita na walang nakakatawa sa sinabi niya. Demonyong baliw, sabi niya sa isip niya.

"Incubus ako Angelita, and I will invade you in your dreams."

"Nightmare." Pagtatama niya sa tinuran nito.

Natawa lang ito bilang sagot.

Patlang.

Pero ang hinayupak na tiyan niya ang ice breaker nila dahil tumunog nanaman ito.

"Hahahaha. Ayan ba ang hinid gutom?"

Sinamaan niya ito ng tingin. "Isa pang salitang lalabas dyan sa bibig mo, kakainin kita ng bu--"

"Sinasabi ko na nga ba may lihim kang pagnanasa sa hot kong katawan Angel. Tama nga ang hinala ko simula pa lamang ng una tayong magkita." Tumawa siya ng mas malakas kaysa kanina. "Don't worry Angel, your secret is safe with me. And the tought that I am your first kiss will be our top secret." At isang nkakakilabot na kindat ang ginawa nito!

Tug.

May mga malilikot na butete sa tiyan na pilit inuumpog ang kaniyang lamang loob, at ang kakapal ng mukha, ngayon pa talaga sila nagligalig kung kelan naman gutom na gutom na siya.





Angelita, Ugly MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon