Malditang Panget 30

465 19 7
                                    

Malditang Panget 30

→ Angelita

Stress.

'Yan ang pakiramdam ko ngayon. Punyetang come back 'to. May tanga nanaman akong nakasalamuha.

Ipaalala niyo saakin na paglalabas ako ng bahay maglalagay ako ng malaking tarpauline na "Bawal Lumapit Ang Tanga, Mamamatay" at nakasunod saakin habang naglalakad. Iwas stress.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa mamahalin kong bag at binuksan ang pintuan ng Porsche ko.

Red as blood as Red cross. Ganern!

Ang lakas kase maka bad girl ng mga racing car. Tapos may malakas na sounds sa back ground. Tapos magdridrift ako kada kanto. Oh diba? Hindi talaga malditahan ang story ko. Action 'to. At babarilin kita pag 'di ka tumigil kaka imagine na action star ako!

Binuksan ko ang ipod na nakakabit malapit sa stereo ng kotse. At pinatugtog ang isa sa mga paborito kong kanta.

*insert electric guitar*

🎶 I love rock and roll 🎶

Oh wala ng kasunod 'yan. Hanggang diyan lang kase di ko alam yung ibang lyrics. Basta sabi ng author nito ayan daw favorite ko. Bawal umarte.

Nakarating ako sa SM Aura ng wala pang isang oras. Di uso traffic eh.

Mabilis akong bumaba ng kotse pagka park ko nito.

Wearing my red off shoulder dress na hapit na hapit sa nag gagandahan kong curves na pinartneran pa ng 3 inch slit nito sa gitnang bahagi ng dress. 4 inch wedge sandals and to match the perfect maldita look. Isang nagmumura at naghuhumindik na red lipstick.

Dyosa akong naglakad papuntang TAC. Ganun daw talaga kapag maganda. Lakad palang, pang modela na.

Alam mo 'yung kahit may sumira ng araw ko, ang ganda ganda ko pa ding maglakad? Ay, hindi mo pala alam kase never ka naman gumanda.

So ayun na nga, ang ganda ko!

Pag pasok ko palang ng TAC nagulantang ako sa nakita kong dalawang empleyado ko na nag sasagutan.

"Bakit nang aagaw ka ng customer?!" Sagot nung babaeng maikli ang buhok, hindi ganoon katangkaran, ombre ang style ng buhok. Ash gray daw. Pwe.

"Duh? Pumunta siya sa tops eh, wala akong magagawa kung ayaw niya sa binenbenta mong dress!" Sagot naman nung isa. Hanggang balikat ang buhok, matangkad naman kumpara sa nauna at may chubby cheeks.

Pinuntahan ko 'yung OIC na nakaduty dito. Kinulbit ko siya para malaman na nandito na ako. "Hoy anong nangyayari dito?"

Tinapik niya 'yung kamay ko. "Wag ka nga istorbo, bakbakan 'yan oh." Sabay lingon sa katabi niyang staff. "Maan, magkano iyo? Isang libo akin pupusta ako kay Marika." Natutuwang sabi nito.

Lumingon 'yung Maan sakanya. "Walang gawa kay Vivien 'yan. Nakita mo boobs? Tiklop yan si Marika. Ge, isang libo din akin."

Ang kakapal ng mukha! At nag pustahan pa.

Tintigan ko silang dalawa ng nakataas ang kilay with tapping pa ng paa para naman marinig nila.

"Ang ingay!" Sagot nung kinulbit ko kanina.

"Eh kung pinasasabog ko 'yang tenga mo ng wala ka ng marinig?"

"Eh kung sinasampiga kita para wala ka ng nasasa-" lumingon ito. "Sino ka?!" Pasigaw na sabi niya.

Wow as in Whoa. Me as in I? Sinuka?

Pwe. Ang korni ko pala don sa sinuka.

"Ang nagiisang amo mo." Tinignan ko name plate niya. "Alyssa."

Angelita, Ugly MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon