Malditang Panget 11

3.6K 46 1
                                    

Malditang Panget 11: Ang nakakabiting dinner!

 

→Angelita

"YOU?!!!!!"

 

"ME?!!!"

Nasapo ko na lang ang mukha ko. Damang dama ko ang prostetic na ikinabit sa pagkapangit kong mukha. Bakit? Syet lang, for the third time na magkikita kami, lagi na lang sagot nya, ME?! Lechugas lang ha?

Oo. Pangatlong pagkakataon na to! Sya si Frappe Guy, Maniac Ythan, at walang iba kung hindi si Tristan Herman.

"Do you know each other?" tanong ni dad.

"No!" ako.

"Yes." sya.

"KOREKUNGKANGKONGPAGONG!" lintek na Lito!

"What?" sabay na napalingon sina dad at Mr. Herman kay Lito.

Syempre, kailangan kong mapasunod si Lito. Binigyan ko sya ng pamatay na death glare, salubong na kilay at mulat na mata, paano? Imaginin mo na lang, mahirap magexplain sa mga bobo!

Tumingin muna saakin si Lito bago sya magsalita. "Ah eh, kwan.. Kumakain ng kangkong ang pagong. Ayun ayun!" pagdadahilan ni Lito. Effective ang pamatay na death glare.

"So, whose lying?" tanong ng atremetidang si Angelina.

Dahil no choice, hindi ko sya mabara. "Sya!" sabay turo sa akin.

"No, its her." sabi naman ni Tristan.

"No I'm not. Ngayon nga lang ako nakakita ng gorilyang anak ng isa sa mga mayayamang business partner ni dad eh." pagsisinungaling ko ulit. Inis! Pwede ba Tristan, umoo ka na lang.

"Angelita?!" sabi ni dad, pakilagay ang otoridad sa boses nya para mas effective.

"What?!" syempre mag-ama kami, lagyan mo na rin yung akin.

Hindi ito sumagot. Mukhang bwiset na saakin si tanda. Akala nya sya lang bwiset, ako din no! Ikaw kaya, ififix marriage ka ng walang ka alam alam, to think na hindi mo pa nakikita yung tao. At isa pa! Sa dinami dami ng tao, yung bwiset na Ythan pa ang ififix marriage saakin! Sabagay, wattpad to. Pero bwiset lang for the forth time, pwede namang gawin ng author na to na baguhin ang story line. Bakit ito pa! Mygas bigas! Edi sana ginawa nya na lang akong yaya ng football team. Ay pero mahirap siguro yun no? Shet! Naiistress ako! Feeling ko puputok ang mga prostetic pimples ko. Argh.

"So, where did you meet?" tanong ni Mr. Herman.

Angelita, Ugly MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon