Malditang Panget 20

2.1K 33 1
                                    

Malditang Panget 20: The Hidden Feelings Of A Maldita.

→ Angelita

"IKAW?!!" Pambungad ko sa chapter na 'to. Lagi namang ganoon eh. Kapag may huling sinabi yung bida, ayun 'yung simula ng chapter. My Gahd! Super cliche na ng ganito.

At sa maniwala man kayo o sa hindi, alam ko naman na si Tristan agad ang iisipin niyo. Wala ng bago dun. Daig niyo pa 'yung author kung mag-isip eh. Nakakahiya sa inyo ng triple.

"Anong ginagawa ng manyak dito sa mansyon?!" Sigaw ko sa mga katulong. At ang mga hampaslupa. Yumuko lang!

Tinignan ko 'yung isang katulong. "Ikaw?! Wag kang yuyuko. Mapatay ka ng sarili mong baba, kargo ko pa. Mahal ang kabaong ngayon!"

Ano bang ginagawa ni Tristan dito? Ang ganda na ng umaga ko eh. Peste naman oo!

"Mag-relax ka nga muna Angel!" Sabi ni Vern na prenteng nakaupo sa malawak naming sofa, sing lawak ng utak nyo.

"Eh kung irelax ko 'yang buhok mo sa ibaba ng maiayos natin ang takbo ng pagkatao mo?" Pagtataray ko sa kanya. Eentrada hindi naman pala kaya.

Pero come to think of it. English. Boom panes! Pero kidding aside. Ilang linggo na rin ang lumipas na missing in action si Tristan sa story na 'to. Tapos bigla na lang babalik. Wala man lang pagkatok. Boom, korni? Kdie.

Kumpleto silang lahat dito. Si Vern, Chee Ina at Lito. Breakfast kase so sabay sabay kaming kakain. Nadatnan ko  rin na nagluluto na yung executive chef ko sa hotel. Oo, mayabang ako. IKR.

Kung namimiss nyo na 'yung tatay kong hukluban. He was busy on his business, nasa Taiwan siya ngayon para sa proposal ng company nya. Same old same old. Lagi namang ganoon 'yun. Parang ang motto nun sa buhay eh, 'Business First'. Pero wala akong pakialam sa kanya. Nagmukha na nga akong ari-arian niya dahil naibenta na ata niya ko dun sa mag-amang bwiset. Ang hirap maging pangit ha. Sana matry nyo din.

Biglang lumapit saakin si Ina at itinulak ako sa may braso. Hindi naman sya pwersado pero masakit. Maarte ako eh.

"Ano ha! Masarap ba ang asawa ko?!" Sigaw niya.

Ha? Anong pinagsasabi neto? "Tanga. Wala kang asawa at kung magkakameron ka man, asahan mo hindi ko titikman 'yon. Wala pa sa vocabulary ko ang maging cannibal! Boba!" Tinulak ko din sya. Mas malakas sa ginawa niya.

"Ouch naman. I am just portraing my favorite actress lang naman eh. You know. Angel Locsin in legal wife." Nakanguso niyang paliwanag.

Pumalakpak naman ang bading. As if nakarelate. "Oh anong trip mo ba't napalakpak ka?" Sita ko sa kanya.

Lumapit sya saakin at itinulak din ako. Pucha! Pigilan niyo ko. Dalawang beses na kong namaltrato ngayong chapter ha?!

"Ano ba ang una mong hinubad?! Bra mo, panty mo, o konsensiya mo!!" Aba't pusang si garfield. Nakasigaw din ang hitad.

"Kapag 'di ka talaga tumigil sa kaartehan mong bakla ka. Huhubarin ko yang dila mo at gagawin kong napkin ni Juileta! Naiirita na ko ha?! Lagi kayong eksena!"

Nag-peace sign lang sya at tumabi kay Ina na ngayon ay nasa may sofa na.

Tinignan ko ulit si Tristan. "Anong ginagawa mo dito?"

"Bawal bang bisitahin ang fiancee ko?" He said then smile.

What the fck! What did he say?! "Ulitin mo nga yung sinabi mo. Nabibingi ako.

Another smile, no, actually its smirk! "Fi-an-cee."

Gahd! Pigilan nyo ko. Talagang sinabi pa nya syllables by syllables!

Angelita, Ugly MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon