Malditang Panget 34

67 3 3
                                    

N/A: Eto na mga madam. Wag na choosy. Comment kayo kung may interisado pa ba sa story ko or wala na kase kung wala na titigil na talaga ko forevs.

---

MALDITANG PANGET 34

→Angelita

Shuta. Daig ko pa 'yung bangkay na bigla biglang bumangon dahil sa hinayupak na author na to. Akala ko talaga hindi na niya ako tatapuain. Mabuti naman kahit kapiranggot utak niya naiisipan niyang magsulat ulit. Di naman yummy. Pwe.

So ayun na nga. Matapos naming "mananghalian" ni Tristan. Kung matatawag pa bang tanghali 'yon dahil almost 4pm na naiserve samin 'yung order. Di naman masarap. Pa-special pa..Lumabas na kami ng restaurant.

"Nabusog ka ba Gel?" Tanong ng hinayupak na si Tristan.

Inirapan ko muna sya bago sumagot. "Mukang dapat sa'yo ko itanong yan di ba? Nabusog ka ba? Hayop na to. Daig mo pa 'yung aso ni Angelito kung kumain, 'LUMAMON' rather."

At ang hinayupak tinawanan lang ako.

Eh kase naman po, akala ko kakaonti lang oorderin namin dahil syempre ang pretty ko, feel ko date date to. Aba ang punyeta ginawang buffet ang lamesa namin! Ako na nahiya para sa kaniya.

"May gusto ka pa bang puntahan Angel?" Tanong ni Tristan habang tatawa tawa.

"Meron." Plain na sabi ko sa kaniya.

"Saan?" Tanong naman nito.

"Sa impyerno. Sasama ka ba?" Umikot na lamant ang mata ko sa katangahan nya!

"Hindi na ako pwede don eh. Masyado na kase akong hot." Pagmamalaki nito.

Tinitigan ko sya ng masama. "Eh kung sunugin kaya kita? Maging hot ka pa kaya? Demonyong to!" Nag-iinit ulo ko sa halimaw na 'to ah.

Syempre naman mga ateng, pinaghandaan ko 'tong pagkain namin sa restaurant dahil syempre kahit naman babae ako, I want to feel special and beautiful and I also assume that this is our first date.

Tapos lamon pala ang gagawin nya. Mygaaaaaahd! Nagiinit ang ulo ko.

Hindi ko na lamang pinansin ang tatawa-tawang si Tristan at nagmadali nakong sumakay ng kotse nya.

Habang nasa byahe kami pahum-hum pa sya ng kanta at sumasabay sa stereo ng kotse nya na akala mo naman alam nya 'yung kanta.

Dahil umiral nanaman ang kamalditahan ko. Oops. Literal pala na maldita ako, pinatay ko ang tugtog.

"Fck Gel! That song is my jam!" Sigaw nito sakin.

Inirapan ko sya. "Jam jam ka dyan! Kaya pala humming lang ginagawa mo. Tapos aartehan mo ko ng 'that song is my jam' na linya? Tigil-tigilan mo kong damuho ka!" Pagtataray sa kanya.

Napa-tsk nalang si Tristan at binuksan ulit ang stereo.

Tahimik na lamang akong nakatingin sa labas habang pinagmamasdan ang kagandahan ko sa repleksyon ng salamin. Subukan mong umangal ngungudngod kita sa wind shield ng kotse ng demonyong 'to!

Hindi ko alam kung saan ba ko balak dalhin ni Tristan dahil wala din akong ganang tanungin siya. Aksaya lang sa laway makipag-usap sa abnormal na 'yun.

After an hour tumigil kami sa harap ng isang bahay.

Tinignan ko siya ng nagtatanong.

"Sumama ka muna sakin Gel. May ipapakilala ako sa'yo." Mahinahong sabi nito.

Inirapan ko lang siya at bumaba na ng kotse.

Agad na sumalubong sa amin ang matandang babae na agad naman na pinagmanuhan ng nag gugumalang na demonyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Angelita, Ugly MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon