Malditang Panget 10

3.9K 59 7
                                    

Malditang Panget 10: Ang INAABANGANG, Dinner XD

 

→Angelita

Anong meron sa tuesday? ANONG MERON?!!

Kinuha ko agad ang planner ko at kalendaryo.

Novermber 29: Showing of new designs.

Novermber 30: Rest day.

Napatingin ako kay Zeem sa harapan. Curious ang expression ng mukha nya. "Ano bang hinahanap mo at aligaga ka dyan ha?"

Hindi ko sya sinagot at pilit inisip kung ano ang meron ngayong tuesday.

Anong meron sayo tuesday. Anong meron at bakit hindi ko matandaan ang--

♪This is me, This is real I'm exactly what I'm--♪

Pinutol ko agad ang pagcoconcert ni Demi Lovato sa cellphone ko dahil nagriring ito. Alanganamang makijamming pa ko sa kanya, eh mukha na nga akong abnormal dito. Psh.

"He--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na agad ang nasa linya.

"Panget saan ka na?! Kanina pa kita inaantay dito!" sabi ni Lito.

"Wag kang magulo baklita may iniisip akong mas mahalagang bagay kesa sa mga anik anik mo!" hindi ko napigilang magtaas ng boses dahil sa pagkairita ko.

"Wag kang maginarte panget ka! Urgent tayo ngayon! 7pm will be the judgement day!" sigaw rin nito.

Nairita naman ako dahil sinigawan nya ko. "Anong judgement day ang sinasabi mong bakla ka! Walang mangyayaring judgeme-- OH MY GOSH!" lalo akong napataas ng boses. Bakit?

Simple lang, sa sobrang panget ko, hindi ko na nabilang ang araw ng paghuhukom.

"YUNG DINNER!" halos magkasabay pa kaming sabi ni Lito. Pero hindi sabay dahil phone call to. May log, wag kayong bobits. Psh.

Bakit sa lahat ng pwedeng makalimutan yung pesteng dinner na yun pa!!!

"Nasaan ka na?!" kinakabahan kong tanong. Syempre sinong hindi kakabahan. Iaarrange marriage ka ngayong araw at hindi mo pa nakikita yung hinayupak na lalaking pumayag sa fix marriage na ito. Lechugas!

Hindi ako excited. Kaya ako kinakabahan dahil ayaw ko. Okay? Kdie.

"Papunta na ko dyan!" binabaan ko na sya. Alam ko naman kasi kung nasaan sya.

Tumayo na ako at nagayos ng damit.

"Saan ka pupunta at mukha kang kinarera ng kabayo? May dinner date ka ngayon?" tanong nung nasa harapan kong chismosa.

Angelita, Ugly MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon