Malditang Panget 22

1.6K 34 8
                                    

Malditang Panget 22

→Angelita

Naandito ako ngayon kila Georgie. Sabi ko kase daanan na namin 'yung mga gamit niya. Hindi porket sakin na sya titira eh manghihiram na sya sakin ng mga damit ko.  Kahit naman may 'konting' puso pa ko eh lulubuslubusin ko na. Alam kong mayaman ako, pero syempre 'yung yaman ko, pang akin lang.

Nasa sala nila ako, nadatnan namin kanina 'yung nanay niya na sa tingin ko ay may kaedaran na. Mga nasa 50 something, mga ganoon. Halata naman sa mukha niyang matanda na sya.

Naipagpaalam ko naman sya ng ayos, oo, ayos means gumamit ako ng po at opo. Eh kase naman, how can I use my maldita lines kung 'yung taong kaharap mo eh parang santo. Hindi siya estatwa. Alam kong mambabara kayo kaya nauna na ako peste.

So 'yun na nga. I formally talk to her and said that her daughter will live at my house. Hindi ko sinabing gagawin ko siyang driver at bodyguard, and to that, I was just joking, hindi ko naman siya gagawing bodyguard o kahit driver ko. Mayroon akong sariling driver.

Baka gawin ko siyang taga-payo ko. Wala lang, feel ko lang magkameron ng adviser.

Maliit lang 'yung bahay nila. Bungalo style. Sakto sa kanilang pamilya. Mayroon siyang kapatid, dalawa at siya ang panganay.

"Nanay, aalis na po ako. Magpapadala na lang po ako ng pera pang gastos dito sa bahay at pang araw araw na pagkain niyo nila Tatay." Sabi ni Georgie pagkababa niya sa sala. May nakasukbit na backpack sa likod niya at meron ding shoulder bag na medyo malaki na hawak hawak niya. Taray. Parang magaabroad. Haha.

"Ikaw talagang bata ka. 'Wag mo na kaming alalahanin ng Tatay mo, may kita naman siya sa pagcoconstruction at pamamasada ng tricycle ng tiyuhin mo. May kinikita rin naman ako sa paglalaba sa kabilang bahay. Kaya ayos na kami. Intindihin mo na lamang ang pagaaral mo. 'Yan lang naman ang maipapamana ko sainyong magkakapatid." Sabi ni Aling Sonya.

Bukod sa pagiging mabait na ina at mapagmahal sa mga anak niya, may pinagmahan din pala si Georgie ng mahahabang litanya. Napapagod ng magtype 'yung author ng istorya ko sa haba ng pinagsasabi ng mag-inang 'to.

"Wag na po kayo tunamggi 'Nay. Ayos lang naman po saakin eh." Nakangiting sabi niya.

"Don't worry. I will handle all the needs of your family. I-eenroll ko din 'yung mga kapatid mo sa school. Pero hindi sa super private school ha. Masyado na kong mayaman para pagaralin kayo." Tumayo ako at papunta ng pintuan.

"Naku, maraming salamat talaga sa iyo Ms. Angel. Malaking bagay po talaga saamin ang kabaitan mo." Aling Sonya said.

Tinignan ko siya. "No need to thank me Mrs. Umali. Thank your daughter. Siya ang dahilan kung bakit may ganito ngayon sa buhay niyo. And I wanted to thank you for being a good and loving mother to her. But, I beg to disagree, hindi ako mabait. I can't be rude to a person like you. Maldita ako. May sungay, matabil ang bibig. Kaya salamat sa iyo..... 'Nay." I said giving her my smile. 'Yung totoong ngiti ah. Hindi ako plastic kagaya niyo.

Actually. Kanina pa kanting kanti 'tong bunganga ko, gustong gusto kong laitin 'yung pamamahay nila, 'yung daan papunta sa kanila kung gaano kaliit 'yung tinitirahan nila. Pero ang haba ng pasensya ko para hindi ko banggitin lahat ng bagay na 'yan.

And yes, kahit mahirap, nagawa ko! You should have congratulate me. *Roll eyes*

Pagtapos naming makuha ang mga gamit niya ay nagderecho ako ng hotel ko. I need to settle things with my employee. May upcoming event pala kami since magnonovember na.

"Feel free to order what you want, wag kang mahiya. Mayaman ako. Hindi mo kailangang tipirin ang sarili mo dito sa pantry ng hotel. I will text you pag tapos ng ang meeting namin. Got it?" Sabi ko dito. Dito ko na siya dineretso sa pantry para naman makakain siya ng masarap. Bawas sweldo namam 'yan eh. Wala na long magagawa. Kargo ko na sya.

Angelita, Ugly MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon