Malditang Panget 31

307 15 5
                                    

A/N Gawin nating mas mature 'yung writing style parang feeling ko napagiwanan na ng panahon ang pagsusulat ko! Short update guys. Pero try ko na din ituloy ''to. May gusto pa bang magbasa? Comment mo nga kung gusto mo na matapos 'tong walang kwentang story ni Angelita. Hahahaha.

---

'Tak tak tak tak tak'

Lagatak ng takong ng pulang stiletto ni Angelita sa tiles ng Angel Odessy Hotel. Ngayong araw kasi ang meeting nila para sa panibagong branch na itatayo sa Nuvali, Sta. Rosa Laguna.

Bilang may-ari ng hotel ay responsibilidad niya ang pagronda-ronda sa bawat branch nito. At ngayon nga ay nasa main branch siya, which is Makati. Last week pa dapat ang meeting na aattenan niya ngunit mabagal magsulat ang author kaya ngayon lang siya nakapag-lakbay at ngayon pa lamang sisimulan ang naudlot na meeting.

Kasunod niyang naglalakad ang sekretarya niyang si Chee. As usual, suot nanaman nito ang pamatay na black coat na may gray na polo sa loob na ponartneran ng skirt na lagpas tuhod nito. Hindi niya hinayaang mas maingay ang takong ng sekreterya sa kaniya dahil siya ang bida sa story na 'to at dapat siya lang ang maingay ang takong.

Sinulyapan niya si Chee. "Sino-sino daw ang mga aattend sa meeting?"

Binuklat ni Chee ang hawak nitong folder at naglipat ng ilang pahina para makita ang mga aattend ngayon. "'Yung dating mga stocks holder pa rin at may kaunting bagong investor. Pati pala 'yung Engineer at Architech na gagawa ng building at... Si Mr. Sy."

Napa-ikot ang mata niya sa ere. Hindi niya sigurado kung bati na ba sila ng ama niya dahil nakalimutan na din ng nagsusulat ang transition ng istorya pero sigurado siyang naiirita siya nang malamang makakasagupa ang niya ang pwersa ng matandang hukluban.

Narating nila ang pintuan ng conferrence room. Si Chee ang nagbukas nito dahil tinatamad siyang humawak sa sliding door at trabaho ni Chee ang magbukas ng pintuan para sa kaniya.

"Let's start." Bungad niya sa mga naroon.

Agad siyang umupo sa swivel chair sa dulo ng gitnang mahabang lamesa. Imaginin niyo nalang dahil kahit ako ay nahihirapang mag-explain sa inyo.

Sinulyapan niya ang mga tao sa loob. Nandito ang mga stocks holder na sila Nathan Farcon ng Farcon Airline, Jake Edillor ng JLE Mining and Manufacturing at iba pang kilalang stocks holder nila. Napansin din niya ang ama ng siraulong si Tristan Herman na prenteng prenteng naka-upo sa tabi ng matandang hulkuban. Nandoon si Engineer Tarnate at si Architect Lindo. Kasama rin pala si Attorney Sables upang maging legal ang gagawing instraktura.

'So siya pala 'yung bagong investor.'

Hinanap ng mata niya si Tristan Herman na dapat yata ay present sa meeting na ito pero missing in action.

Tumayo sa swivel chair ang ama niyang si Alfredo, para masimulan na ang nakakabago na meeting.

"Good Afternoon everyone, nandito tayong lahat para sa panibagong branch ng Angel Odessy Hotel sa Sta. Rosa Laguna. Bilang presidente ng AOH ay malugod akong makita ang mga masugit kong investors at stocks holder simula pa lamang noong una." Tumikhim ito. "Kasama din natin ngayon ang bagong investor sa project na ito na si Mr. Herman." Pagpapakilala nito sa isa pang hukluban.

Nagpalakpakan naman ang nasa silid maliban sa kaniya. Feeling lang niyang hindi makisabay dahil pang slow clap lang ang kaya ng maliliit niyang kamay.

"And my daughter Angelita is also present to be part of this project." Ito ang cue kung saan dapat siyang tumayo at kumaway kaway na animo'y isang kontesera ng beauty pagent. Pero dahil siya si Angelita Odessa Sy ay hindi siya umingli. Hinayaan lang niya ang mga taong pumalakpak para sa kaniya.

Angelita, Ugly MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon