Malditang Panget 12

3.5K 42 7
                                    

Malditang Panget 12

 

→Angelita

"Si Mom." sabi ni Tristan pagbalik nya sa lamesa namin.

"W-what happen?" nagaalalang tanong ni Mr. Herman.

Bakit ang drama ng atmosphere dito sa mamahaling restaurant? Ang kokorni, HUMOR ang genre ng kwento ko hindi TRAGIC. Ang daming arte.

"Ano nangyari sa Mama mo Tristan?" tanong ng pakialamerong matanda.

"Ano bang paki mo sa Nanay nya Dad? Napakachismoso mo talaga! Hindi na ko magtataka kung bakit naging bakla yang anak nyong lalake. May pinagmanahan pala. Tss." sabat ko. Ang aarte kasi, daig pa MMK. Baka magkameron pa ng entry sa indiefilm ang story ko dahil sa mga madramang tauhan dito buset.

"Angelita." sabi nya.

"Bakit nanaman? Masyado na bang maganda ang pangalan ko para banggitin nyo ng paulit-ulit? Walang kasawaan eh." naiirita na ko. Lord powers po please. Lalo akong pumapanget eh.

"Psh." aba ang taray ng matandang ito! Akala mo kay gwapo. Tse!

"Tristan, say it. What's happen to your Nanay? Is there something wrong?" sabi ni Angelina, the Konya.

Ngunit di sumagot ang manyak na si Tristan. Bagkus itoy lumapit sa kanyang ama at may ibinulong. Okay. OA ang narration.

Nakatingin lang kaming lahat sa kanilang mag-ama. Mga mukha silang tanga. Nagiba ang expression ng mukha ni Mr. Herman. Nagwoworry ang kanyang mga mata.

Dahil nga maldita ako at ayako ng masyadong madrama, tumayo ako at nagwalk out. Pero bago yun. Nagiwan ako ng isang mapagbantang salita.

"This fix-marriage is non-sense. Sinayang nyo lang ang oras ko." then ayun larga na!

Napakawalang kwenta naman kasi ng pinaggagawa nila eh. Fix marriage. Anong dahilan? Malulugi na ang kumpanya ni Dad? Edi ibibigay ko lahat ng shares ko sa company nya from my hotel and botique, hindi yung ganun ang trip. Nakakastress!

Dumiretso ako sa kotse ni Lito. Tinext ko muna sya. Baka magwala dun kapag nalaman na dala ko yung kotse nya. "Hey Beks, got your car key, don't worry ipapaayos ko na lang after ko gamitin bye. Wag mo nang ipaalam sa magaling mong ama na kinuha ko kotse mo! Patay ka saakin, real talk and promises!"

Pinaharurot ko na ang kotse nya. Dederecho ako kila Veronica.

------

Matapos ang napakahabang byahe, nakarating din ako sa condo nya.

Nagdoorbell ako sa unit nya. Nakakailang door bell pa lang ako ng magbukas ang pinto. May lumabas na isang lalaking nakakadiri, bakit? Nakatopless at nakaboxer short.

Angelita, Ugly MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon