DANPAUL: Mabuti kapa ate magaling ka mag drawing .ako hindi magaling!nagalit nga si papa sa akin sabi niya tulungan ko daw ang sarili ko.
CELESTE:Bakit? ano bang ginawa mo at sinabi iyon ng papa mo?
DANPAUL: kasi sabi niya tabihan ko daw siya sa upuan eh! naiinis ako kasi ginagawa nila akong bata lagi.malaki na kaya ako. 23 na nga ako,tuli na nga po ako.tapos ganyan parin ang tingin nila,yung girlfriend ko nga naiintindihan niya ako pag edad ko daw ng 30 mag mamatured din daw ako eh sina papa ginagawa akong bata kaya sinisikap ko na makapagtaposng pag aaral .foodtech ang course ko pero bakit kaya kailangan pa anv art artna yan.
CELESTE: danpaul, sa art kasi tinitest nito kung hanggang saan ang pasensiya mo gaya sa pagkukulay at pagguhit di ba dapat pag nag ddrawing hindi ka dapat lumagpas sa guhit o kaya dapat maging tama ang kulay para maging maganda at buhay ang painting?kaya merong part yan sa course mo para maging pasensiyoso at mapag isipang mabuti ang mga bagay bagay para sa mas magandang result.
DANPAUL: Pinagpapasensiyahan ko naman ang art kaso hirap talaga teh!tapos si mama palaging simasabi sa kapitbahay na si danpaul isip bata talaga.kaya pag nakatapos ako te celeste wag na wag kang hindi pupunta duon sa graduation ko kasi tayo lang naman ang close di ba ate?
CELESTE:oo.close tayo! sige na umuwi kana at tila papatak na ang ulan,makulimlim na o?! naka bike kapa,madulas ang daan pag naulan basta bukas kunin mo na ang ipapagawa mo ok?
DANPAUL: Opo sige po, eh ate sabi ko sa girlfriend ko...baby sumusubra na ba ako?kasi binibigyan niya ako ng pambayad sa padrawing,pero promise teh hindi ko hinihingi yun.kinukwento ko lang na wala pa akong pambili ng pandrawing.
CELESTE: eh anong sabi ng gf mo?
DANPAUL: 31 na siya ate ako 23 age doesnt matter naman po di ba teh?
CELESTE: oo.eh ano ngang sabi ng gf mo?
DANPAUL: sabi niya napag daanan niya ang maging istudyante kaya alam niya mahirap mag projecthaya nyan.
CELESTE: naintindihan ka pala ng gf mo edi mabuti nakakatulong siya saiyo.
DANPAUL: sabi niya,sinasaktan daw siya dati ng ex kaya gagawin daw niya lahat wag ko lang daw siya sasaktan.
CELESTE: tama yun. wag kang mananakit ng babae dapat mahalin at igagalang mo lang lagi.
DANPAUL: Siyempre ate,kaya nga pag nakatapos ako ng pag aaral mag ttrabaho agad ako kahit sa talyer taga ayos ng mga bike pagsisikapan ko na mapaunlad ang sarili ko siyempre malaki na ako,mag aasawa at magkakababy alam mo na, ako ang tatayong father kaya magsusumikap ako kahit 30pesos lang ipasweldo kada gawa ko okey na iyon.
CELESTE: danpaul sa ngayon, pag aaral muna ang atupagin mo,may kaya kayo sa buhay at kayang kaya ng magulang mo na iprovide yang mga project na yan saka mo na isipin ang trabaho saka wag kana mag tampo sa kanila okey?
DANPAUL: sige po ateh! pahingi nalang ng tubig bago ako umuwi.maliligo ako pag uwi ayaw ko mag amoy pawis.magagalit si mama pag nagkataon.
CELESTE: okey sige.kukuha ako ng tubig pero tapos nun umuwi kana okey?napatak na ang ulan.
DANPAUL: opo teh salamat insan naiintindihan mo ako kahit maliit lang ang utak ko pero malaki naman ang ulo ko heheheh bat kaya ganun ano?
CELESTE:ikaw talaga danpaul o ito na ang tubig.umuwi kana ..mag ingat ka danpaul.
DANPAUL: Salamat ate cele insan paalam( sabay kaway kay celeste)
nakaalis na ai danpaul
CELESTE: gwapo talaga ng pinsan ko mejo kulang kulang lang ng konti sa isip
muli niyang sinindihan ang sigarilyo at nag isip.
CELESTE: kahit sinto sinto yun,may plano parin siya sa buhay tinalo pa niya ako kung tutuusin buti pa siya may dyowa.ako? may dyowa ng ako naman ang hinihingian kahit normal ang utak.mai drawing ko na nga muna ito bago ko tapusin ang buhay ko.
nagkailaw bigla at naghiyawan muli ang mga kapitbahay
((may ilaw na yeyyyy!!!))
pumasok na si celeste sa bahay at inumpisahan ang pag ddrawing.
CELESTE: matagaltagal na pala akong hindi nakakapagpraktis mabuti ma enhance uli kayo after nito wala na ding saysay kasi baka bukas makalawa tepok na ako.
sinimulan na niya ang pag l-landscapping.naalala niya nuong nasa kolehiyo siya may mga kaklase siyang nagapapasaring sa kanya na magagaling mag drawing,may maangas manligaw,may magaling sa math at may sadyang adik na.
CELESTE: kamusta na kaya sila(tanong sa sarili) kilala pa kaya nila ako?palagay ko hindi na kasi 1year lang naman ako sa college,sila nakapagtapos,samantalang ako? kahit gusto kong mag aral eh hindi na ako pinapasok ni tatay at nanay.lalandi lang daw ako pag nakapagtapos ay agad na mag aasawa,kasalanan ko ba kung ligawin ako kahit hindi kagandahan at mukhang malandi?....si eleazar kaya kamusta?may asawa na kaya iyon?nakakatuwa..mala TGIS pa ang story namin nun.asan na kaya ang barkada ko nuon?
binuksan niya ang radyo at nakinig ng music sa kanilang favorite radio station .
"this is pacquito ang dj na brusko sa radyo,ttanggap tayo ng caller kaya tumawag lang sa numero unong radio station,ang station na kahit sa ibang bansa ay tinatangkilik....bago nga pala ang lahat,attention all batch 2011 ng TUP SALAWAG CAVITE you'll be having a reunion this coming may 3 2022 para sa alumni homecoming po ang nagpapa announce ay ang makulit naming engg dito na kanina pa ako ginugulo kaya para sa mga kabatchmate nito utang na loob siputin niyo na para naman itong aking kaibigan na si engg caloy tsui.nag aalala siya baka daw walang sumipot at mag solo siya sa alumni."
CELESTE:Ay si caloy..andito na pala sa pinas yun,ang mokong na yun! no.1 sa pangongodiko nuon,eng'g na pala siya ngayon ha ha ha ha...
maganda parin ng pag guhitni celeste sa pag d-drawing bagamat inabot n a siya ng gabi tila perpekto niya nagawa ang drawing walang nakaalpas sa kulay .pulido at detalyado.napagod si celeste.
BINABASA MO ANG
celeste
Romanceang matagal ng hinahanap ni celeste,ang pag ibig ay nasa kanyang mga palad na,subalit ang pinangarap ay biglang nag bago mula ng makilala niya si vincent.si vincent na kailanman ay hindi siya inangkin