2

78 18 10
                                    

CHAPTER 2

"Hindi ka naman iiwan, Dre."at kinulong nila ako sa kanilang mga bisig.

Maswerte ako dahil may kaibigan akong tulad nila. Hindi nila ako iniwan sa kung ano man gulo ang dulot ko o issue na sinasabi nila sakin.

Pagka-uwi ko ng bahay ay kumuha lang ako ng damit at nagdiretso na sa bahay ni Emu.

Nangolekta ako ng mga isasabay ko sa labahin ko. Kahit marami at mabibigat ay kakayanin. Meron pa kaming thesis at kailangan kong bayaran yung hiniram ko pang pa-print doon. Mabuti na lang may mabait akong kaibigan.

"Money? How much?"pagngiti nito sakin.

"Mau, babayaran ko naman pagkatapos kaya kahit magkano kung anong meron ka lang diyan."hindi ako makatingin sa mga mata niya.

Hindi ko inaasahan na aabot ako sa pag-utang na yan.

Nahihiya ako pero kailangan. "Kailangan lang sa research namin,"paglunok ko. "Bakit kase hindi tayo magka-grupo?"pagbulong ko.

Kahit isa sa kanila ay wala akong naging ka-grupo kung di ang mga kalokang mga kaklase namin. At kailangan ko magbayad ng dalawang daan para sa pagkain ng mga panelist. May pa play pa ang school at kasama ako.

"Ano kaba? Kapag ikaw binigyan ko ng 10,000..."pagngiti nito sa akin.

Nanglaki na lang ang mga mata ko sa sinabi niya at napa taas ang dalawang kamay tsaka umiling.

"Hindi ganyan kalaki naman."halos hindi ko mapigilan ang gulat.

"Eh sabi mo kung ano meron ako e."pagtawa niya.

Napa nguso na lang ako. Sadyang mayaman talaga itong si Mau.

Tuwing friday ay hindi na ako nakakasabay sa kanila dahil may mga project akong tatapusin na pinapagawa sakin pero may payad ito.

"Aalis na ako!"sigaw ko kina Mau na ngayon ay naglalakad patungo sa Library.

Magkikita-kita sila sa roon para sa play. At lagi akong wala dahil nga abala ako.

Tumatakas lang ako at sinisiguradong walang nakakakita sa akin. Lalong-lalo na ang babaeng iyon.

"Where are you going?!"

Napa igta ako sa narinig na sigaw.

Patay...

Naglakad lang ako na parang walang narinig. Narinig ko ang mga yabag ng takong niyang papalapit sakin kaya mabilis akong tumakbo.

"Hoy! Huwag kang magpapakita sakin sa Monday!"

Nagtungo muna ako sa palengke para bumili ng mga materials sa mga gagawin ko. Pagkarating ko sa bahay nila Emu ay ang nanay niya ang narito.

"Ang daming mo na naman gagawin. Bakit ang tatamad ng mga kabataan ngayon?"pag-iling niya habang tinitignan ang mga dala ko.

"Huwag po kayong mag-alala sakin. Doble o triple naman ang bayad nila sakin."pagngiti ko.

Natawa ito bigla na dahilan na pagpawi ng aking ngiti.

"Natatawa lang ako sa ngiti mo. Ang ganda."

Mahina akong natawa sa sinabi niya, "Ito na nga lang po puhunan ko e."at natatawa siyang umiling.

Pagka-uwi ni Emu ay bagsak ang balikat nito na akala mo ay nalugi ng sobra.

"Anong nangyari sayo anak?"baling ng Mama niya at mabilis na nilapitan ito.

"Pagod lang po."pagbuga niya ng hangin at masamang tumingin sakin na ikinalaki ng mata ko.

"Lagot ka kay Ms. Jazeera. Huwag ka raw papakita sa kaniya. Tsaka sayo pa sinisi kung bakit nasira hills ng babaeng yun. Hinabol ka raw kase niya. Sige po akyat na ako at pakitawag na lang po kung kakain na ng hapunan."

Pretty Fake SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon