—
“Kamusta ang mga freshman?”
Napalingon ako sa aking gilid nang marinig ang pamilyar na boses.
“Uyy si Alien—Ay Elan.”mabilis na bawi ni Emu sa kaniyang sinabi.
Palihim akong umiling, “Ayos lang naman medyo pagod lang.”pilit akong ngumiti.
Pagod na akong pagmasdan ang minamahal ko ay may mahal na iba.
Pero bawal yun. Bawal may masaktan na wala naman karapatan.
Sana malagas ang tinitibok nitong puso ko tulad ng paghulog ng mga dahon mula sa mga sanga nito.
“Second sem pa lang pero mukhang pasuko na?”
Oo, suko na sa pagpapansin sa kaniya. Haha.
“Hindi ah.”mabilis akong lumingon at sumagot sa kaniya.
Bahagyang kumunot ang aking noo at napanguso na lang na makita ang mga mata niya na itinuturo ang aking mga labi.
“Anong nangyari sayo?”parang hinaplos ng mga salitang ito ang aking puso.
“Oum, may pupuntahan pa pala ako. Hatid mo na lang siya sa room namin. Babye!”
Mabilis na nagpaalam at naglaho si Emu. Hindi ako tumutol sa pag-alis nito. Mukhang gusto pang nag-uusap kami nitong Alien.
Ano-ano kase pinangalan nito e?
Naalala ko rin na binigyan niya ng code name si Dev ng island. Natawa ako nang maalalang walang kaalam-alam si Dev na siya ang sinasabihan ni Emu. Inis na inis ako sa kaniya dahil parang ayaw niya kay Dev pero hindi naman pala—siya na naman, Dre?
Dali kong kinagat ang aking labi.
“Dre, kanina pa kita tinatanong? Bakit puro buhangin yan siko mo? Tignan mo rin yan tuhod mo.”
Bumalik ako sa kamunduhan na may kinakausap nga pala sakin. Mistulang naputulan ako ng dila hindi ko masabi kung anong dahilan.
“Nadapa ako.”
“Sa funrun? Walang nakakita sayo para tulungan ka? Pano kung may sugat ka?”sunod-sunod na lintanya nito at napapikit ako ng mariin.
“Wala. Ako lang pati si Emu. Nahuli kami e.”pagsisinungalin ko at tinitignan siya.
Hinihintay ang reaksyon niya sa sinabi ko.
“Pero kung may nakakita man sayo, wala siyang puso.”nangangalit ang kaniyang mga ngipin at nag-igting ang panga.
Tama, wala siyang puso. Sinaksak na nga ako, nilalaman mo pa ang sugat. Ramdam kong iiyak ako ng wala sa oras dahil sa sikip ng aking dibdib.
“Tara sa kotse.”
Umangat ang tingin ko sa kaniya, at marahan kumunot ang aking noo.
“Bakit?”walang malisya kong sagot.
Anong gagawin namin do’n?
“Mukhang gusto mo nang umiyak, ligtas dun sa kotse ko.”mahina niyang sabi at simpleng ngumiti matapos ay pinawi ito.
“Iiwan kita ro'n mag-isa kung hindi ka komportable sakin.”dugtong niya sa na unang sinabi.
Wala akong isinagot kung di sumama lang dito.
Gusto kong umiyak. Gusto kong ilabas ang sakit sa aking dibdib. Hindi ko na kayang pigilan pa, at tulad ng dahon kung ito ay mahuhulog na basta-basta.
Nasa lapag lang ang aking tingin habang nilalakbay ang daan patungo sa kaniyang kotse.
Nang makarating kami ay binuksan na niya sa ang pinto sa likuran at,
“Pumasok ka na, dito lang ako sa labas.”nagtama ang aming mga mata habang inaantay niya akong pumasok sa loob ng kotse.
“Salamat…”tangi kong sinabi at umupo na sa loob.
Ilan segundo pag-sarado ng pinto ay sunod ang pagtakas ng mga luha sa aking mga mata.
Girlfriend siya Dre. Kaibigan ka lang.
Matapos umiyak ito ang linyang itinatanim ko sa aking isipan. Bumuga ng malalim upang ikalma ang aking sarili sa muling pagtulong ng aking mga luha.
Hindi pwedeng ganito ako lagi.
Nakakahiya kay Elan.
“Gusto mong tubig?”puno ng pag-aalala ang kaniyang mga mata at inilahad ang tubig na hawak-hawak niya.
Hindi ko napigilan ang sarili na tapusin siya.
“Sorry, if I can't give back the affections you show.”
—
“Feeling maganda, hindi naman maganda.”
Nag eco sa aking tainga ang mga salitang iyon. Mga kaibigan iyon ni Daisy at kahit kailan naman mukhang plinaplastik lang nila ito, naawa ako sa kaniya dahil paniwalang-paniwala siyang mga tunay na kaibigan niya ang mga ito.
Yumuko lang ako at tinitignan ang pagkain na ngayon ay nasa harapan ko. Napatingala ako at nilingon si Emu nang marinig ang malakas niyang boses kahit mukhang ako lang naman ata ang nakarinig.
“Ay wala pa tayong tubig! Bibili lang ako—”
“Ang pangit nga niya sobra, puro make up.”pagpapatuloy pa na aking narinig mula sa Isa sa kanilang dalawa.
“Hindi ako na.”pagboluntaryo ko para bumili pero sa totoo ay para lang tumakas sa dalawang ito na walang ibang pinag-uusapan kung di ako.
Umalis na ako sa pagkakaupo at dumaan sa harapan ng dalawang ito dahilan upang tumigil sila sa pag-uusap. Matatalim na mga mata ay iginawad nila sakin hanggang makalagpas sa kanila.
Hindi ko naman na sila pinansin at matapos bumili ay muli akong dumaan sa harapan nila at narinig ang pinakatatangi kong sekreto, na kahit sino ay ayaw kong may makaalam nito dahil hindi lang ako ang masasaktan, may masisira rin na relasyon.
“Ang lakas ng loob magka-gusto kay Dev.”takip-takip pa nitong sabi na parang ibinubulong ngunit narinig ng nasa tabi nilang lamesa.
Sinadya nilang sabihin iyon.
Saan nila nalaman? Kanino?
“Hindi yan totoo.”inilapag ko ang dalawang mineral water bottle sa lamesa nila.
Ayaw ko ng gulo at issue, magkaibigan na lang kami. Wala na.
“We never trust you girl!”matapos ang hagakhakan nila ay isinigaw nila ito sa akin.
“Edi—”nanahimik at,
Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang naramdaman ang mabigat sa aking balikat.
“Ngayon naniniwala na kayo? Wala siyang gusto kay Dev,”
Tumingala ako nang narinig ko ang pamilyar na boses. Bakit niya ginagawa ito?
“Dahil ako ang gusto niya, di ba?”malaking ngiti nito habang ako ay matipid lamang ngumiti.
“Ayus-ayusin ninyo yan mga mata nyo, nangunguha ako ng mga mata.”huling sabi nito at umirap lang ang dalawang ito.
Samantala siya ay halos hindi makita ang mga mata sa pagngiti. Hinila ko siya paalis sa lugar na iyon at bumalik sa upuan ko.
Parang umakyat ang dugo ko sa aking mukha. Kainis siya.
Galit ako ngunit pabulong ko siyang kinausap. Wala naman kaalam-alam na tumitig samin si Emu.
“Anong pinagsasabi mo sa kanila? Alam mo naman hindi—”
“Hindi totoo? Alam kong totoo kaya pinagtanggol kita.”mahina nitong boses na sagot niya.
>.<
BINABASA MO ANG
Pretty Fake Smile
RomanceDeceit Series #1 Behind her beautiful smile, Deirdre in front of her close and long time friend is able to hide her deep feelings from him. There was a time to admit it but she didn't have the courage, until he had a girlfriend. She started to forge...