3

57 10 8
                                    


CHAPTER 03

"Dre ang ganda talaga sa university na ito."pagngiti ng todo ni Emu.

Mistulang sumasayaw ito habang naglalakad. Hindi ko rin naman napigilan mapangiti sa sinabi niya.

"Kaya pala gusto mo rito mag-aral."pagtango niya at iginala ulit ang mga mata sa paligid.

Hindi ko inaasahan na makakatakas at makakaalis ako sa lugar na iyon. Hindi ko rin inaasahan na ang makakakita sakin ay si Dev at dinala ako sa tahimik at payapa niyang buhay, walang mga taong mananakit sakin. Kilala man nila ako pero hindi na isang anak ng kabet kung di kaibigan ng sikat na vlogger dito sa university. Pero sisiguraduhin kong hindi lang ako sa kaniya aasa.

"Ang lalim ata ng iniisip mo?"

Napa hinto ako sa tanong niya. "Wala…"pagsisinungaling ko.

Ngumisi ito na ikinakunot naman ng noo ko.

Ano naman iniisip ng babaeng ito?

"Aminin mo si Dev yan noh?"tanong nito.

Hindi ko napigilan ang sarili magulat sa sinabi niya. Dali akong lumingon sa paligid at baka may makarinig.

"Hindi huh."mahina kong sabi at kunot ang aking noo

Lalong lumaki ang nginiti nito na dahilan ng pagnguso ko.

Hindi talaga siya maniniwala sakin.

"Aminin mo na kase. Gwapo naman siya tsaka maganda ka. Ayyyiieee, bagay."pag-aasar nito na may halong tawa.

Kagat labi akong sumagot. "Oo na—"sumigaw ito na ikinalaki ng mga mata ko.

Gusto ko siya pero hanggang doon muna yun. Ayaw kong sabihin niyang inaabuso ko siya. Tsaka gusto ko munang mag-aral.

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at hinila ko siya papalapit sakin.

Ang ingay niya talaga.

"Pero sekreto lang natin. Mangako ka."nag-aalalang kong ani.

Malaki ang ngiti nito habang tumatango-tango.

"Teka bakit hindi pala natin kasama yung crush mo?"tanong nito bigla.

Napairap na lang ako ng lihim."Sige asar pa. Hindi ko sasagutin yan tanong mo."

"Okay, tatahimik na. Nasaan yung Bff mo? Tignan mo pinagpalit mo na kami ni Mau."pagnguso niya at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib.

Alam ko naman nagbibiro lang siya.

"Hindi, kailangan niya maagang pumasok at may importanteng gagawin daw."sagot ko at mabagal na naglakad.

"Saan?"tanong ulit nito.

"Hindi ko rin siya nakausap kaninang umaga, kung hindi nakita ko lang yung chat niya sakin around 6:00am na aalis siya."

Lumingon ako kay Emu na ang mukha ay hindi naniniwala.

"Alam mo kung anong course niya?"tanong ulit nito.

At hindi ko na sinagot pa. Malalaman din namam niya yan sa susunod.

"Tara na nga, baka ma late pa tayo."hila ko sa kamay niya.

Halos maubos ang oras namin sa pag-uusap kesa marating ng maaga yung room.

Pagkarating sa loob ng room ay wala pa ang ibang namin kaklase. Pareho kami ni Emu ng kinuhang BS marketing, kaso scholarship sakin, sa kaniya ay hindi.

Naalala ko pa ngang nangungulit pa si Dev na pag-aaraling niya ako pero ayaw ko dahil sobrang nakakahiya sa kaniya. Siya nga nagpapaaral sa sarili niya kaya magagawa ko rin yun.

Pretty Fake SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon