“Oo, panalo ka na. Masiyado bang halata?”pagsuko ko.
Ayaw kong makipagtalo pa, dahil alam na niya ang katotohanan.
Wala akong sagot na narinig sa kaniya.
Bakit siya nalaman niya, na hindi totoong ngiti ang mga ipinapakita ko.
Bakit sila, hindi nila napapansin iyon?
“Masiyado bang maganda ang mga ngiti ko?”tangi kong tanong sa kaniya.
Mabagal itong tumango, “Sobra, kahit ako no’n una ay naniwala.”pagsasabi niya ng totoo.
Matipid akong ngumiti, “Salamat.”
“Share to care, maganda at nailalabas mo rin yan.”mababang tono ng kaniyang boses at naramdaman ko ang pagtapik niya sa aking ulo.
“And I don't want to see that smile again, okay?”ilan minuto ay nanatiling nagtama ang mga mata namin.
Bumuga ito ng malalim na hangin bago umiwas ng tingin. Napansin ko pa ang pagkagat niya sa kaniyang labi ngunit ipinag sawalang bahala ko ito.
“Hindi ko alam kung saan magsisimula.”mahina kong sabi.
At saglit na pumikit nang lumapat saking balat ang malakas at malamig na hangin, dahilan para tangayin ang buhok kong nakalugay.
Gusto kong manatili ako sa ganitong pakiramdam. Ang tahimik at kampanti, tanging hangin lang at ako.
“Simulan mo kung kailan mo naramdaman yan.”narinig kong sabi niya.
Nang sa pagmulat ko ay sabay na tumakbo sa akin isipan ang araw na iyon. Para akong bumalik sa dati na bago pa lang sakin ang pagmamahal, na ang pag-agos ng ilog ang tangi kong alam, hindi ang pag-agos ng mga hula ko.
Hindi ko naman talaga siya kilala ngunit dahil tinulungan niya ako at wala rin akong maka-usap don sa loob ng hospital kaya inausap ko na rin siya. Hindi kase siya tumitigil sa pagdalaw araw-araw sa hospital. Ayun lang ang mga naalala ko matapos ang insidenteng iyon at ang una namin pagkikita.
Pinamamasdan ko ang mga paghulog ng mga dahon at bulaklak mula sa mga puno sa labas, habang nakatingin sa binatana.
“Evangeline, andito ulit siya.”
Malaki ang aking ngiti habang kinuha ang jacket na nakalapag sa lamesa. Inihanda ko iyon para pareho kami ng jacket.
Ligtas akong nakababa ng hagdan at sinalubong ng yakap nang makita ko siya.
“Dev!!!”
Lahat ng tao sa hospital ay naagaw ang atensyon at ang mga nurse ay nakangiting pinagmasdan kami.
Halos Ilan beses gano'n ang ginawa ko kapag nagkikita kaming dalawa. Pareho sa mga suot at minsan ay sumbrelo ang pareho namin suot.
Taglagas ang panahon ng araw kung kailan ko tuluyan naranasan ang maging ligtas at makalimutan ang lahat, na mistula ako ay lumilipad kasama siya. Gano’n ang pakiramdam araw-araw habang naglalakad kami sa labas ng hospital. At ibang-iba ang pakiramdam ko nang mapagtanto na gusto ko siya, hindi bilang kapatid o kaibigan kung di makakasama habang buhay.
Dahil kung hindi ko siya nakilala, magiging ibon ako na nalunod at pinutulan ng pakpak. Binigyan niya ako ng panibagong buhay kasama siya, na hindi ko naman alam na may hangganan pala, na hindi ko siya habang buhay na makakasama. Pero hindi ako sumuko agad, hinihintay ko na mahulog din siya kase nararamdaman ko yun. Subalit mali ang pagkakaintindi ko. Parehong araw kung saan ko siya unang inamin ko sa sarili kong nagustuhan ko siya, sa araw na itinago ko ang pagmamahal ko sa kaniya.
Nasa duyan ako at siya ay nasa ilalalim ng puno.
“Bukas ka na sasama sakin.”pagsisimula nito.
Hindi ko inalis sa kaniya ang aking mga mata.
“Salamat.”pagngiti ko sa kaniya.
“Ma-mimiss ko itong lugar na ito.”iginala ko ang tingin sa paligid at tumingala.
Ang ganda…
Inilahad ang kamay upang saluhin ang bulaklak na nahuhulog mula sa puno sa itaas ko.
Tumatawag itong umiling. Lumingon ako sa kaniya dahilan hindi matagumpayan kong masalo ang nais ko.
Mistulang bumagal ang oras habang tumatawag ito at tumayo. Pinapagan niya ang sarili bago mabagal na lumapit sakin. Ang lahat ng mga nahuhulog na dahon at bulaklak ay parang tumigil. Yumuko ito at pagkatingala niya ay dala-dala na niya ang bulaklak na nahulog.
“Dre, if we have to come here just to see your smile. Pupunta tayo rito kahit kailan mo gusto.”
Ilang saglit ay nanatili ang mga mata ko sa mata niya. Namalayan ko na lang ang mga kamay niya na hinawi ang buhok at Nakita ko ang paglagay niya ng bulaklak sa tainga ko.
Mahina kong kinagat ang labi upang pigilan ang kilig.
“Ang ganda.”
At ang sunod niyang sinabi ay napaawang sa labi ko kasabay nang maramdaman kong para akong sinaksak sa dibdib.
Ginulo nito ang buhok ko, “Ang ganda naman ng kapatid ko. Magkapatid na tayo ngayon. Ako na ang kuya mo.”
Akala ko hanggang do’n lang yun. Hindi e, mas nahuhulog ako sa lahat ng ginawa niya. Dapat sa bilang magkapatid ang turing niya at inakala ko lang lahat ng iyon.
SUNOD-SUNOD na ang pagtulong ng aking mga luha.
“Ang sakit lang,”
Sobrang sakit niyang mahalin. Bukas Yung puso niya pero mag mga bubog at mga tinik sa labas nito.
“Sweet na kapatid pala si Dev.”umiling ito at hindi inalis ang tingin sakin.
“Mahirap talaga yan. Hindi kayo magkadugo at opposite gender. Pero si Dev na yan e, kapag sinabi niya tapos na.”saad nito na nakangingala.
Kilalang-kilala na niya talaga si Dev.
“Teka, bakit ang bait mo sakin?”pag-iiba ko ng usapan.
Napalingon ito agad sakin, “I like you.”seryosong sabi nito.
>.<
BINABASA MO ANG
Pretty Fake Smile
RomanceDeceit Series #1 Behind her beautiful smile, Deirdre in front of her close and long time friend is able to hide her deep feelings from him. There was a time to admit it but she didn't have the courage, until he had a girlfriend. She started to forge...