CHAPTER 05
"Dre!"
Pang-ilan sigaw ng pangalan ko ang narinig ko ngunit hindi pa rin ako tumigitigil sa pagtakbo ngunit,
Naramdaman ko na lang ang na may kamay na maghigpit na humawak sa aking pulsuhan. Bumuga ako ng hangin upang pigilan ang mga luha na nagbabayadyang tumulo at bago hinarap siya.
"B-bakit?"tanong ko ng magtama ang mga mata namin.
Wala akong kadahilanan na nakuha sa kaniya para hintayin pa ang sasabihin niya kaya tinalikuran ko na siya.
Bakit ba ako umaarte na parang kami?
E, Wala ngang kami. Kaibigan niya lang ako at ang kapal ng mukha kong tumakbo papalayo sa kaniya na parang boyfriend ko siya—na naglolo siya.
"B-bakit mo ako hinabol?"mahina kong tanong ko sa kaniya.
Magpapaliwanag ba siya? Hindi ko Naman kailangan. Wala akong karapatan.
"Bakit ka tumakbo?"tanong niya pabalik sakin at hindi ko rin nasagot.
Napa iwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa Tanong niya.
Oo, na. Ipamukha mo lalo sakin na wala akong karapatan makaramdam ng sakit.
Akala ko ay wala na itong ibang sasabihin ngunit mas napatigil at nanglamig ako sa mismong kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya.
"I like that girl, but she doesn't know, is there something wrong with her?"
Ilang beses nag eco sa tainga ang ibinagsak niyang mga salita. At parang ilang beses akong sinaksak nito.
Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha at mabilis ko itong pinawi.
Humarap ako sa kaniya. "Huh? Wala. Bagay nga kayo e." I smiled at him.
I'm just his best friend secretly loving him.
"Bakit ka tumakbo nang nakita mo kami?"sunod na tanong niya at kunot ang noo.
Buti na pansin niya. Sana mapansin din niya na hindi lang tumakbo kung di nasasaktan ako.
Tumingin ako sa paligid at na pansin na ang ibang tao ay nakatingin samin. Napalingon ako sa likuran na na marinig ang boses ng babaeng kanina niya kasama—na gusto niya.
"Why did you run, Dev?"tanong nito at humawak sa braso nito.
Bumalik-balik ang tingin nito samin dalawa.
Ngumiti siya sakin at peke akong ngumiti. Wala itong sinagot sa babae ngunit hindi niya inalis ang tingin sakin na hinihintay pa rin niya ang sagot ko.
"Dre!"alam kong napansin din ni Dev ang sigaw ni Emu na mabigat ang paghinga, mula sa malayo ngunit nanatili sakin ang tingin niya.
"Answer me."may diin nitong sabi.
Palihim akong bumuga ng hangin. "Dev—"
"Are you following him, Dre?"biglang tanong ng babaeng katabi niya.
Kumunot ang noo ni Dev at ako naman ay mabilis na napa iling.
"Hindi ko—"
"Stop. Halata naman e. I've been seeing you for a while now—at the movie theater and while we were walking to the department—"
Napalingon ako sa tabi ko na magsalita ito.
"Naghahanap kami ng trabaho. Aksidente na nakita lang namin kayo. Si Dre tumakbo dahil alam naman niyang magagalit ka e."humarap ito sa babaeng gusto ni Dev. "Gawa-gawa ng kwento. Eh nagulat nga kami ng makita namin kayong dalawa. Tsaka Dev ako naman nagpilit kay Dre na maghanap kami ng trabaho e. Huwag ka na magalit."matupid itong ngumiti at nanginginig na ang kamay niyang nakatango sa likod.
Umirap lang yung babae. "Gusto mo ng patunay."hinarap ko sa kaniya ang hawak ni Emu na plastik envelope dahil andoon lahat ng mga gamit namin.
"Okay na. Pwede na kaming maghanap ulit ng trabaho? Para rin matuloy na yung balak ninyong date. Sorry naabala ko kayo."sunod-sunod kong sabi.
Wala akong narinig na mga salita pa mula sa kanilang dalawa. Hindi ko maintindihan pinagsasabi ko, basta ayaw nang magtagal sa lugar na ito, na kasama sila.
Nalulunod lang ako.
Nakatalikod na ako, narinig ko naman ang pagpaalam ni Emu kay Dev at may sinagot pa ito pero hindi ko na naintindihan.
Naramdaman ko ang mga luha na sunod-sunod pumatak. Pigil-pigil ko pa rin ang boses ko na mag-ingay. Yumuko ako habang naglalakad at napalingon sa likod nang,
"Umalis na sila."
Pinagmasdan ko silang papalayo at hindi pa rin inaalis ni Dev ang kamay ng babaeng iyon sa braso niya. Kaunti napaawang ang labi ko ng ilapit niya ang ulo sa buhok nito, hindi ko alam kung halik o inamoy lang niya ito.
"Bakit parang ang bilis?"mahina kong tanong sa hangin.
Ang bilis magbago ng lahat. Kanina ang saya ko lang dahil sa kaniya at ngayon umiiyak na ako dahil din sa kaniya.
"Hindi ba niya ako nakikita?"
"Anong klaseng tanong yan? Of course Dre nakikita ka niya, nakikita rin kita tsaka ng babaeng iyon e." sagot naman ni Emu.
Hindi, kase kung nakikita niya ako. Dapat ako yun. Ako sana ang babaeng yun.
"Tsaka, gusto pa lang naman yan ni Dev. May pag-asa kapa. Ayan ayaw mo kase pa ng secret-secret admirer na yan, ngayon iiyak-iyak ka."paninisi nito.
"Parang alam ko na kase kung saan ako dadalhin niyang gagawin ko. Masasaktan at masasaktan lang ako."
At ayaw kong saktan niya ako.
"Pero sabi nila mas masakit kapag wala kang ginawa kesa sa may ginawa ka, kase sinubukan mo naman ipaglaban yung naramdaman mo at ayun lang talaga yung nararamdam niya."
"O, kaya umamin ka."
Maka request si Emu ay akala niya naranasan na niya ang lahat ng ito.
Mabagal akong umiling.
"Mas mabuting hindi niya alam."matipid na pagngiti ko.
Para rin wala ng masirang pagkakaibigan.
"Ay happy na ulit siya."mahina akong tumawa dahil sa sinabi niya.
Hindi ba nila napapansin na peke itong mga ngiti ko.
(Author: Wait ninyo tomorrow ang part 2.)
BINABASA MO ANG
Pretty Fake Smile
RomanceDeceit Series #1 Behind her beautiful smile, Deirdre in front of her close and long time friend is able to hide her deep feelings from him. There was a time to admit it but she didn't have the courage, until he had a girlfriend. She started to forge...