14

27 3 5
                                    


CHAPTER 14

Huminga ako ng malalim upang bigyan ang sarili ng lakas ng loob. Nanatili ang aking mga mata sa hawak kong door knob, bago ko ito pihitin ay pumikit ako ng mariin.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Sa pagkakataon na ito ay bukas na ang pinto. Lumabas na ako ng aking silid at iginala ang tingin sa paligid.

“Tulog pa siya.”mahina kong sabi sa sarili.

Walang ingay ang ginawa kong pag-sarado sa pinto na nasa harapan ko.

Nakaramdam ako ng presensya ng isang tao sa aking likuran. Alam ko na kung sino ito, dahil sa halimuyak na pabango nito.

“Dre,”paos na boses ang aking narinig.

Nanigas na lang ako sa kinatatayuan at mistulang pinako ang aking mga paa sa sahig.

Nakayuko akong tumalikod. Hindi ko inaasahan na mabilis itong kumilos at ikinulong ako sa kaniyang mga bisig. Idiniin niya ang aking mukha sa kaniyang malapad na dibdib. Kinuyom ko ang aking palad, kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili na tuluyan bumigay sa kaniya.

“Sabi mo di ba, kailangan ng isang taong umiiyak ang yapos?”saad nito, matapos ang Ilan segundo ay nagtaas baba ng kaniyang dalawang balikat.

Siniksik lang niya ang mukha sa sulok ng aking leeg. Tahimik itong umiiyak.

Naalala ko kung kailan ko unang sinabi iyon sa kaniya.

Ako ang umiiyak no'n at ako rin ngpasimuno ng yapos-yapos na yan kahit ang totoo ay gusto ko lang mayapos siya, hindi ako tuluyan Iwan sa araw na iyon. Simula no'n ayun na rin ang aking paniniwala kong magpapakalma sakin kapag umiiyak ako pero natutuhan kong hindi lagi ay andiyan siya para sakin, lalo na't my girlfriend na siya ngayon.

Hindi ang yapos ang kailangan ng isang tao kapag umiiyak kung di ang taong mahal nila.

Walang sino man ang may balak na tapusin ang yakap na ito.

Kahit no'n una ay ayaw ko pero siya lang ang taong kayang magpagaan ng loob at mga luha ko ngunit siya rin ang dahilan ng pag-ulan ng mga pana na naghatid ng sakit sa aking dibdib.

Bakit nakulong ako sa walang katapusan na pag-asa? Sakit na ro'n lang din matatapos, kaya bakit ipipilit ko pa?

“Dev… Dre?”mahina ang boses na aming narinig sa gilid.

Mabilis akong lumingon nang mamalayan babae ang nag mamay-ari sa boses na ito. Si Daisy, pansin ko ang sakit sa kaniyang mga mata habang matalim ang tingin samin.

At tuluyan may tumakas sa kanan niyang mata na luha. Hindi ko magawang gumalaw, hindi ko alam paano magpapaliwanag at ano ang nasa isip niya.

“That's the reason— she? Why didn't you answer my call?”kagat-kagat niya ang pang ibabang labi.

“Hindi, Daisy.”mabilis akong umiling at umalis sa harapan ni Dev.

Aawang pa lang ang labi ko upang muling magsalita nang pinangunahan niya ako.

“Kinausap na kita di ba? Go. Away. From. Us.”madiin ang bawat pagbagsak ng mga salita nito.

Napako ang tingin ko sa lapag. Nagsimulang manlabo ang tingin ko sa luhang namumuo sa aking mga mata. Hindi ko na hinintay ang sunod niyang nais sabihin ay tumakbo ako paalis sa bahay na iyon.

Hinayaan lang niya ako.

Wala siyang ni isang sinabi. Hindi ko na alam. Gulong-gulo lang ako.

Nang makarating ako sa university ay diretso ako sa room kung saan ang unang subject. Pagpasok ko ay bumungad ang usapan nila ng grado, kung makakapasa raw sila o hindi.

Pretty Fake SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon